Chapter 39

629 Words
Na-miss ko ang Korea. Bukod sa lugar ay sabik din ako sa mga pagkain dito kaya laking tuwa ko na lamang kung ano ang nakita ko pagkarating ko sa kusina. May cup noodles sa mesa, Bulgogi, at Jjajangmyeon. Bigla akong nag-crave sa beef kaya Bulgogi ang aking nilantakan. It was slightly salty, mildly sweet and nutty savory flavor. Masarap. Nang makakita pa ako ng mansanas ay kumuha ako ng kutsilyo para magtalop ng isang buo. “Bakit ang purol ng kutsilyo?” nagtatakang tanong ko sa aking sarili habang ngumunguya at nagtatalop ng mansanas. Gayon na lamang din ang aking gulat nang mayamaya’y napalingon ako sa sala. Nakatayo na si Chadri at nakatingin sa akin. Dahil medyo madilim sa sala ay nagmukha siyang multo roon. Iyong dibdib ko, daig pang gumuho ang nasa loob dahil sa pagkabog. “Bakit ka ba nanggugulat?” bulyaw ko at tiningnan ang nahiwa kong daliri. Pinisil ko iyon kaya nalukot ang aking mukha. Mahapdi at bahagya pa iyong kumikirot. Dagdag ko, “Noong una, sa halip na makapag-enjoy pa ako sa labas ay umuwi na lang ako dahil sa iyo. Sa dami ng taong puwede mong makasalubong sa daan tapos mahimatay sa sobrang kalasingan ay sa akin pa talagang kalalapag lang ulit dito sa Itaewon. Pinagod mo ako, alam mo ba iyon?” Marahas akong napabuga ng hangin bago muling bumuwelo para sa susunod kong sasabihin. “Kung wala lang tayo sa Itaewon, baka pinabayaan na kita roon sa daan na parang tanga. Kaso Itaewon ito, baka may mag-report pa sa akin sa pulis na pinabayaan kita kahit ang totoo ay hindi naman kita kilala. Tapos ngayon, nahiwa ako dahil sa iyo! Hay!” Nakatingin lang siya sa akin. Malamang ay hindi niya ako naintindihan. “Tch. Akala ko ba ay mapurol itong kutsilyo?” bulong ko pa habang sinisipsip ang dugo mula sa aking daliri. “Walang mapurol na kutsilyo sa hindi marunong mag-ingat,” bigla niyang sabi na nakapagpabilog sa aking mga mata. Lumapit rin siya sa akin saka sinabing, “Let me see it.” Nang makalapit na siya sa akin ay kinuha niya ang kamay ko’t tiningnan. Hindi rin ako nakagalaw agad ni nakaimik. “Medyo mahaba ang hiwa.” “M-marunong kang mag-Tagalog? Naiintindihan mo ako?” nauutal kong tanong. Bahagya niya akong tiningnan. “Oo. Filipino-Russian ako,” mabilis niyang sagot. “I can speak Russian, English, a little in Korean, and Tagalog.” Hindi ako nakasagot pagkatapos. Bigla rin akong nahiya nang maisip kong naiintindihan niya pala ako. Bakit ba hindi ko naisip na itanong kanina kay Lola kung ano iyong other half ng lahi niya? Punyemas! “Wait. Let me bandage you,” aniya saka bumalik sa sala. Binuhay niya ang ilaw doon saka binuksan ang isang maliit na drawer. Pagbalik niya’y hinila niya ako sa lababo saka hinugasan ng tubig ang daliri kong nahiwa. “A-anong g-ginagawa mo?” tanong ko habang pinupunasan niya ang aking basang kamay gamit ang panyong galing sa kaniyang bulsa. “Lalagyan ko ng band-aid ‘yang sugat mo. Just be careful next time,” sambit niya na hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Hindi ko maipaliwanag ang tono niya. Mahinahon naman niyang sinabi iyon ngunit para rin siyang galit at naiinis. Expressionless pa ang kaniyang mukha. “You’re Calli, right?” aniya na sa kamay ko pa rin nakatingin. “Nabanggit ka sa akin ni Lola Yumi a day ago nang hingiin niya ang tulong ko para ayusin ang tubo nitong lababo kaya hindi na ako nagtaka kung bakit may dalaga ngayon rito sa bahay niya. Sinabi niya na pupunta rito ang apo niya at kung may pagkakataon ay gusto niyang,” tiningnan niya ako, “ligawan kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD