Chapter 43

1037 Words
Umuwi ako sa Pilipinas matapos ang tatlong araw. Bukod sa maayos naman si Lola Yumi ay kailangan na rin kasi ako sa aking trabaho. Hindi ko na rin nahintay pa si Lolo Geunsoo kaya binati ko na lamang siya gamit ang video call bago tuluyang umuwi. “Sino ‘to, Calli? Boyfriend mo?” tanong ni Line habang pinanonood ang mga larawan sa camera. Ipinakita niya sa akin ang larawan namin ni Chadri roon sa footbridge na ang background ay ang Namsan Tower. Mayamaya pa ay pinusod ko ang aking buhok dahil sa init na nararamdaman ko. Marahil ay dahil sa pagtakbo ko kanina. “That’s better. Mas kita ang maganda mong mukha,” aniya at doon ay kinuhanan na naman niya ako ng litrato matapos kong puyurin ang aking hahanggang balikat na buhok. “Masyadong lapastangan ang iyong bibig. Huwag mo na akong bolahin,” sabi ko at inirapan siya. “Come here. Let’s take a picture together,” sambit niya saka niya ako hinila sa kaniyang tabi. Hindi na ako nakaangal pa dahil agad niya akong inakbayan. “Boyfriend?” sabi ko at bahagya akong natawa. “Hindi. Naging kaibigan ko lang. Siya ang nagregalo sa akin niyang camera.” “Whoa. Napakaswerte mo naman! Ang mahal-mahal ng camera na ‘to! Bakit hindi mo jowain ang nagbigay?” tanong pa niya at doon ay naalala ko ang una at huling gabing pagkikita namin ni Chadri. I had fun with him, honestly. Hindi ko iyon inaasahan pero kilala ko na ang sarili ko. Marupok at mabilis mahulog. Dang! Alam ko na nang kinabukasan ay hinanap ko agad si Chadri. “Hinahanap mo ba si Chadri, apo?” Nilingon ko si Lola Yumi na nagsalita mula sa aking likuran. Naroon siya at nakatayo habang nakatingin din sa taas. “Po? Ah, opo. Mukha po kasing wala ng tao roon sa taas. Alam n’yo po ba kung nasaan s’ya?” Sa halip na sagutin ako ni Lola ay iniabot niya sa akin ang isang pirasong papel at ang camera na napanalunan namin kagabi. “Ngayon ang flight niya pabalik sa Russia,” sambit ni Lola Yumi. Sa hindi malaman na dahilan ay gayon na lamang ang lungkot na naramdaman ko. Parang gumuho ulit ang mundo ko na unti-unti ko pang binubuo ulit. “Babalik ng Russia? Si Chadri?” tila hindi makapaniwalang sabi ko. “Bakit hindi man lang niya ako sinabihan?” Tanging pagbuntong-hininga lamang ni Lola ang aking natanggap na tugon sa biglaang pag-alis ng lalaking iyon. Nang buklatin ko ang papel ay nalaman kong isa iyong sulat mula kay Chadri. Calli Silvallana, Saying the word hi and goodbye were the words I couldn’t say to you. Pabalik na ako sa Russia ngayon, Calli. I’m sorry if I didn’t tell you that earlier in time. I had fun with you, really. Sana sa maikling panahon na iyon ay natanggal ko ang stress na nararamdaman mo na sinasabi ni Lola Yumi. Don’t get me wrong, I genuinely wanted to make you happy, at least. One more thing, I will be going to get married three days from now. Tuloy na ang kasal ko. This is the story that I never had the chance to tell to you. Last night, I got drunk because I thought my fiancee was backing out from our wedding. Forgive me for not telling you that. I told it already to Lola Yumi, and I’m sorry I couldn’t be the guy for you. I can’t court you, Calli. And about the kiss, I know, maybe you thought of me as some jerk, but just think of it as your gift for me. Parang pa-bachelor’s party mo na sa akin, but I promise you that it would be my last kiss with another girl before I get married. That’s not your first kiss, right? Just a tip, Calli. The first kiss and the following doesn’t matter at all. What matters the most is the last kiss with the last man you would meet and be with for the rest of your life. I left the camera to you, so please just let it slide. Smile! Lawyer ka pero mapera ako. Kahit kasuhan mo ako dahil hinalikan kita, I have all the money. Kidding aside, you’re the best stranger that I met in Itaewon. You’re a wonderful girl, Calli. Thank you. Chadri Alexandrovich Kuznetsov I wanted to kill him all of a sudden as though I was no longer surprised at this kind of outcome. Naiinis, natatawa, naaasar—hindi ko alam pero kahit na ikakasal na pala siya ay hindi ako nakakaramdam ng galit sa kaniya. Siguro ay pagkadismaya lamang sa aking sarili at kaunting... lungkot. Una sa lahat, may kasalanan din naman ako dahil hindi ako naging responsable sa mga kilos ko na dapat na iasta ko sa isang lalaking hindi ko naman lubos pang kilala. Masyado akong nadala sa panandaliang saya na iyon. Kahit noon pa man, padalos-dalos na ako. Gusto ko na lang maiyak. “Hindi pwede,” sabi ko kay Line. Tinaasan niya ako ng kilay. “Bakit? Paano? Ang perfect, oh? Ang gwapo!” “Para rin siyang isang paruparo,” sambit ko saka sinulyapan ang paruparo na lumilipad roon sa mga bulaklak. Narito kasi kami ngayon sa labas ng kanilang bahay habang nagmi-meryenda. “Sinabi mo rin ‘yan noong pinag-uusapan natin si Sebastian bago ka pumuntang Korea. Ano ba’ng meron sa paruparo na ‘yan?” I let out a sigh. Just as I sipped my favorite halo-halo, I said, “Sebastian and Chadri were just like beautiful butterflies. They flutters to as many people as they can, but only touching each person as lightly and as quickly as they can before moving on. They won’t stay.” Mabilis. Sa isang iglap lang ay wala na, nasa iba na. Parang iyong paru-paro na kanina ay nasa pulang rosas pero ngayon ay nasa pulang gumamela na. Hindi nagtatagal, mabilis umaalis. Hanggang kailan ko ba mararanasan ang lungkot dahil sa pag-alis nila?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD