Isa pang halik sa aking pisngi ang aking naramdaman pagkatapos niyon. Hindi ako makagalaw ni makapagsalita. May dayuhang pakiramdam akong naramdaman ng mga sandaling iyon dahil sa init ng kaniyang hininga na tumatama sa aking mukha. Ang lakas ng kabog ng aking dibdib lalo pa nang marinig kong ibinaba niya ang tray sa lapag at mas lumapit pa sa akin. Ramdam kong wala ng natitirang espasyo sa pagitan namin at halos yakapin na niya ako. “Calli...” bulong ni Maxim na lalong nagbigay ng nerbyos sa akin. Hindi ako nagsalita at nanatiling nakapikit. Hindi ko maunawaan ang aking sarili kung bakit hindi ko magawang magmulat. Hindi ko alam kung takot ba ang dahilan ng pagkabog ng aking dibdib o gusto ko ang ginagawa niya kaya hindi ko siya magawang pigilan? It was not long before Maxim cupped my

