Chapter 37

1483 Words
South Korea was a thousand and six-hundred twenty-nine miles away from Philippines, and just 3 hours and 45 minutes to travel. Kahit summer sa Korea ngayon, hindi naman ganoong kainit. A 29°C, an average temperature in Korea during summer was more cooler than the summer temperature in the Philippines. It wasn’t my first time to visit Itaewon in my grandmother’s neighborhood. It was one of the unsafest place in Seoul, especially at night. May mga makikita kang nag-aaway sa daan, mga lasing na nagbabatuhan ng bote ng alak, at mga p********e. Katulad na lang ngayon na may magkatipan na nagtatalo malapit lang sa puwesto ko. “Mwoga?” What are you talking about? iritadong sabi niyong lalaki. “Keujji? Majji?” Don’t you? I’m right, aren’t I? Lasing iyong babae kaya naman ay pagewang-gewang ito. “Ani. Na kanda. Nal ttara kajima.” No. I’m going. Don’t follow me. “Ye. Keuresseyo!” Fine. Go ahead! “Saeki!” Asshole! Umalis nga iyong lalaki pero agad din namang binalikan iyong babae nang matumba ito sa kalye. “Ya, gwaenchana?” Hey, are you okay? Inalis ko na ang aking paningin sa kanila. Baka hindi ko na kayanin pa. Gayunpaman, isang magandang lugar pa rin ang Itaewon. Maraming malalaki at magagandang building at mga taong nagmula pa sa iba’t ibang panig ng mundo. It felt like the whole world was condensed into this place. The plane landed at Seoul thirty minutes ago. I was enjoying the night while walking with my clothesbag along the streets of Itaewon when I bumped into a guy who was in a terrible reek of alcohol. “Ay pambihira!” bulalas ko nang tuluyan na siyang bumigay sa kalasingan niya. Napasapo na lamang ako sa aking noo nang sa harapan ko pa siya nawalan ng malay. Binitiwan ko ang hawak kong maleta saka yumuko para yugyugin siya. “Hoy, lalaki! Hey, wake up! You can’t just sleep here!” Tanging mahinang ungot lamang ang aking natanggap mula sa kaniya. Napakamot ako sa aking ulo saka siya muling niyugyog. “Hoy! Gising!” bulyaw ko sa kaniya. “Ano ba? Wala ka bang kasama?” Lumingon ako sa paligid at tanging mga matang nakatingin lamang sa amin ang aking nakita. Ano ito? Bakit may estranghero na naman? Umiling ako. Hindi, ayaw ko na! “Hoy, kano! Bumangon ka riyan!” “Ya skuchayu po vam,” I love you, ungot niya saka gumulong sa daan na parang nasa kama lang. Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Russian ang salitang iyon. Russian. Na naman? “Hoy, alam mo, tigilan mo ako. Ayaw ko na sa lahi mo. Isa ka pang pang-abala, e! Kung hindi mo kayang umuwi mag-isa ng lasing, dapat hindi ka na lang nag-inom! Hay!” naiirita kong sabi sa kaniya kahit alam kong hindi naman niya ako maiintindihan. Muli siyang gumulong sa kalsada kaya napasinghap na lamang ako. Muli akong tumayo saka lumingon sa paligid ngunit bigo akong makakita ng posibleng kasama niya rito. Wala na akong ibang nagawa kung hindi mag-book ng taxi pauwi sa tinutuluyan ng lola ko kasama ang lalaking ito. Wala siyang kasama at hindi ko rin naman maaatim na iwanan lamang siya roon na parang tanga. Nang tangkain ko kasi siyang iwanan sa daan kanina ay may biglang humiyaw ng, “Miss, aren’t you going to take care of this man? How ruthless!” Nakaka-stress lang. Nasabihan pa akong ruthless e ako na nga ang inabala! Habang nasa daan ay napasulyap ako sa labas ng sasakyan. Ang ganda. Maaliwalas ang langit at puno ng liwanag ang paligid. Ang sarap sanang maglakad-lakad muna kaso may sumira ng plano ko. Nilingon ko ang lalaking tulog na tulog sa aking tabi saka siya sinimangutan. “Bakit ba ang malas ko? Dapat tumawag na lang ako ng pulis kanina, e. Tsk! Bakit ba hindi ko agad naisip iyon? Hay!” ipit-boses na reklamo ko bago ko nasapo ang aking noo. “Um...” Namilog na lang aking mga mata nang umikot siya paharap sa akin kasabay ng pagyakap ng kaniyang braso sa aking katawan. “H-hoy! A-anong ginagawa—” “Um...” “Tinamaan naman ng magaling!” Napaikot ang aking mga mata dahil hindi ko magawang alisin ang nakalingkis niyang braso sa akin. “Kainis!” Sa buong biyahe ay lukot ang aking mukha. Sa laki rin kasi niya ay halos madaganan na niya ako. Nang makarating na kami ay agad akong bumaba sa sasakyan. Buong lakas ko ring hinila palabas ang aking kasama at saka inalalayan. “Ang bigat! Tsk!” Pagtunghay ko naman ay naaninagan ko si Lola Yumi. “Lola Yumi? Lola!” sigaw ko nang makita ko siya sa labas ng apartment. Akala ko ba may sakit ito? Bakit mukha namang wala at may bitbit pang plastik ng basura? “Apo? Ikaw na ba ‘yan? Calli, apo?” bulalas niya. “Opo, ako na po ito.” “Ay, susko! Sino na naman ba ‘yang bitbit mong lalaki?” tanong pa niya na parang hindi talaga makapaniwalang may dala na naman akong lalaki. Ibinaba niya ang mga plastik ng basura saka humakbang pababa ng hagdan patungo sa amin. Hinihingal na ako dahil sa bigat nitong lalaki. Pagod na ako hindi dahil sa biyahe kung hindi dahil sa pag-alalay sa kaniya. Dagdag pahirap pa ang mahigit limampung baitang na hagdan na kailangang akyatin bago makarating sa mismong bahay ng lola ko. Mabuti na nga lamang at napakiusapan ko itong taxi driver na tulungan akong bitbitin iyong maleta ko. “Nakita ko ho sa daan, Lola. Pakalat-kalat at lasing na lasing. Baka makonsensya pa ako kung iwanan ko lamang mag-isa ro’n,” sagot ko saka namin pinagtulungang alalayan ang kanong ito. “Ha? Wala ba itong kasama?” “Hindi ko po alam. Ginusto ko na lang po na umuwi agad dito dahil sa kaniya. Dahil din sa kaniya ay nasira na ang gabi ko,” naiinis ko pang sabi. “Akala ko naman ay panibagong nobyo mo,” natatawa-tawa niyang sambit. Napanguso naman ako sa sinabi ni Lola. “Nobyo po?” ulit ko. “Sus, Lola! Wala na po yata akong pag-asa para sa bagay na iyan.” “Paano mo naman nasabi iyon, Apo?” mabilis niyang tugon. “Malay mo, ito pa lang lalaking ito ang ‘the one’ mo?” nangingiti pa niyang saad. “Lola, hindi na po ako naniniwala sa ganiyan.” Aniya, “Excited pa naman ako sa magiging asawa mo, Apo. Kailan ka ba mag-aasawa?” Napatikwas na lang ang aking nguso dahil sa pang-aasar ni Lola Yumi. “Puwede ka namang magpahinga, Apo. Huwag mong pilitin ang puso mo. Huwag kang magmadali na parang may humahabol sa iyo. Kapag nadapa ka, masakit talaga,” sabi ni Lola habang hinahagod ang aking likod. Nasabi niya iyon makaraang maikiwento ko sa kaniya hindi lang ang tungkol kay Maxim kung hindi pati na rin kay Gaara. “Pero Apo, hindi kasi solusyon ang panibagong relasyon para sa hindi pa hilom na puso. Para lang iyang pilay sa paa. Huwag mong piliting lumakad kung hindi pa magaling dahil huli, baka mas lumala pa. Hayaan mo munang gumaling at lapag siguradong maayos na, saka ka magpatuloy,” mahabang litanya pa ni Lola Yumi. Dagdag pa ni Lola, “Natural ang mag-alala patungkol sa mga bagay-bagay pero huwag iyong tipong halos iyon na lang ang gawin mo. Alam kong hindi nauubos ang magagandang bagay sa mundo. “Isa pa, bata ka pa, Apo,” sabi pa niya. “Marami pang panahon. Kung may nakalaan para sa akin, ganoon din sa iyo. Experience will make you stronger. Basta huwag kalilimutan ang aral sa lahat ng mga nangyari. Huwag kang mapapagod magmahal, Apo. Ang mahalaga ay maaga pa lang ay alam mo na ang para sa iyo at ang dapat mong pakawalan at kalimutan. Mag-iingat ka, lalo na iyang puso.” Parang dati lang ay pinag-iingat niya ako sa mga lalaki pero ngayon, pare-parehas sila ng mga magulang ko at ni Line na atat na akong pag-asawahin. “Lola, huwag na ninyo akong asarin. Sa ganito ninyo ba talaga ako gustong matali? Sa mag-iinom na walang disiplina sa sarili? Mas gugustuhin ko pa po na huwag na lang mag-asawa!” “Malay mo naman, may problema lang itong lalaking ito? Saka biro lang naman!” aniya saka siya bumungisngis. “Hindi na, Lola. Ayaw ko ng sakit sa ulo,” pilit-ngiting tugon ko kay Lola. Ito kamong kanong ito? Sus! Baka mamaya may sabit pa ito e! “Ay, kumusta ka na ba, Apo?” tanong niya dahilan para mapatitig ako sa kaniya. Ako? Buhay pa naman ako at masayang namumuhay kasama ang mga kasong hawak ko at kliyenteng malimit magpasakit sa aking ulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD