“Ayos ka lang ba talaga? Kanina ka pa nakangiti, nakakatakot ka na,” sabi ni Nicholai habang kumakain. Nandito kami ngayon sa unit ko at nanonood ng movie, wala kasi siyang pasok kaya naisipan niya na guluhin ako rito sa unit ko.
“Alam mo, Mr. Rama, ilang beses mo nang nasabi ‘yan. Kagigil ka, ah,” asar na sabi ko sa kanya.
It’s been a week simula ng matapos ang second screening. At isang linggo na rin akong masaya at nakangiti. Well, normal naman na maging masaya kapag natanggap ka sa trabaho pero iba pa rin sa akin dahil sa dami ng in-applyan kong trabaho, karamihan sa kanila, makita pa lang ako, ligwak na kaagad.
Dear Ms. Constantine,
We are happy to announce to you that you have passed our second screening and are now officially part of SelfSteem’s fashion department. You can now report to work starting on Monday and we’ll be looking forward to work with you.
Congratulations and have a great day!
Sincerely,
Romina Mina
HR of SelfSteem
Simula ng mabasa ko ‘yong email na ‘yan, walang pagsidlan ang tuwa na naramdaman ko. Isang linggo na rin simula nang magsimula ako, pero parang pakiramdam ko, kahapon lang nangyari ang lahat.
“Ngayon naman tulala ka,” sabi ni Nicholai at binato ako ng popcorn.
Kapal talaga ng lalaki na ‘to, nagkalat pa rito hindi naman naglilinis. Palibhasa linggo kaya lakas ng loob na tumambay, eh kung palayasan ko kaya siya ngayon sa unit ko.
“Linisin mo ‘yang mga kinalat mo!” banta ko sa kanya sabay tingin ng masama na para bang sinasabi ko na ‘makuha ka sa tingin’.
“Oo na po,” at isa-isa niyang pinulot ‘yong mga popcorn na binato niya. “Sungit naman,” bulong niya pa habang nagpupulot.
-----
Today is the day! Monday na naman and it means, work day na!
Kung dati kapag dumarating ang Monday, iniisip ko na agad ang pagdating ng Friday at kung anong gagawin ko, pero ngayon excited akong pumasok. Una sa lahat, nage-enjoy talaga ako sa ginagawa ko sa trabaho, pangalawa, nahanap ko na kung ano talaga ang gusto ko, at ‘yon ang fashion designing.
“Good morning!” masayang bati ko sa mga nakakasalubong ko papasok ng office.
“Good morning, Cheska,” napatingin ko sa likuran ko ng may magsalita. Nang makilala ko kung sino ay napangiti agad ako.
“Hello, Hershey, good morning din sa’yo,” bati ko sa kanya pabalik. Isang linggo pa lang simula no’ng pumasok ako pero naging close agad kaming dalawa.
Siya si Hershey Matias, secretary ni sir Alexander Montes, ang president at owner ng SelfSteem.
“Ang blooming mo ngayong araw,” sabi niya at sinabayan ako sa paglalakad.
“Naku, hindi ah, masaya lang talaga ako,” sagot ko naman. At dahil maaga pa, hindi na naming kailangan pang maghintay ng matagal para makagamit ng elevator. Normally kasi ay pasado alas-s’yete, siksikan sa paggamit ng elevator dahil sa mga pumapasok.
“Kamusta naman ‘yong kasama mo sa work? Si ano… ano ngang pangalan n’ong maganda na maarte?” tanong niya.
“Ah, si Bettany. Bettany Marquesa,” sagot ko sa kanya. Well, maraming maganda sa fashion department, pero isa lang naman kilala kong maganda na maarte, at siya ‘yon. Siya rin pala ‘yong nakasabay at nakatabi ko sa interview na maraming reklamo sa sarili at paligid.
“Oo, Bettany nga,” nakangiting sagot ni Hershey, napangiti na lang din ako ng tumigin ako sa kanya.
Mas bata kasi ng dalawang taon sa akin si Hershey kaya naman mas jolly siya, isa pa, lagi siyang nakangiti kaya naman kapag nakikita ko siya hindi ko rin maiwasang ngumiti. ‘Yong tipong nakakahawa ‘yong saya niya.
“Mauna na ako, Hershey, see you mamaya,” paalam ko sa kanya. Mauuna kasi akong lumabas dahil nasa 11th floor ‘yong department naming, habang siya naman ay sa 15th floor pa.
“See you later, Cheska,” paalam niya bago magsara ‘yong pinto.
Agad akong dumiretso sa cubicle ko sa may kaliwang dulong bahagi at sinumulang gawin ang mga gawain na hindi ko natapos n’ong nakaraan.
“Good morning, everyone,” masayang bati ni Bettany na kararating lang. Pagpasok ay dumiretso siya sa pwesto niya na nasa bungad malapit sa pintuan.
“Everyone, may I have your attention, please,” lahat kami ay napatingin sa nagsalita, si ma’am Valerie Valdez, ang head ng fashion department. “Later after lunch, we’ll be having a meeting at the conference room. Are we clear?”
“Yes, ma’am,” sabay-sabay na sagot naming. Medyo intimidating kasi ang aura ni ma’am pero mabait naman siya, basta magawa mo lang ng tama ang pinapagawa niya.
Pagkalabas ni ma’am Valerie ay piangpatuloy ko ang pag-sketch para sa ire-release na magazine. Bukod kasi sa fashion production company and SelfSteem, it also operates as a talent and model agency, fashion event management and they also release magazine along with this company’s business partners and clients.
SelfSteem represent the biggest models here in the Philippines and Europe, many of whom become the faces of different advertisement and fashion shows growing authority in the fashion, culture and entertainment industries across the world.
Nang sumapit ang lunch time ay agad akong nagtungo sa cafeteria. Nagutom akong mag-drawing at mag-design ng damit.
Habang papunta sa cafeteria ay nakasalubong ko si Hershey na maraming bitbit na folder. Lumapit ako sa kanya para tulungan siya sa pagdadala.
“Hershey!” tawag ko sa kanya dahil hindi niya pa ako napapansin. “Tulungan na kita,” at kinuha ko ang ilan sa folder na hawak niya at sabay kaming naglakad.
“Salamat, by the way, sabay na tayong kumain,” she said. Nilapag muna naming ‘yong mga folder sa table at saka kami pumila para bumili ng pagkain.
“Para saan pala ‘yong mga dala mo? Pansin ko naging busy ka na,” tanong ko sa kanya.
“Ah, ‘yong mga ‘yon? Report ‘yon ng bawat department para sa big activity for this month. Hindi pa ba nasasabi sa inyo?” napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Sa natatandaan ko wala pa namang sinasabi sa amin si ma’am Valerie.
“Ah! Kaya pala may meeting kami mamaya, baka ‘yong sinasabi mo nga ang maging meeting topic naming, dumaan kasi si ma’am Valerie sa office para i-inform kami sa meeting.”
“Goodluck,” sabi niya sabay tapik sa balikat ko. “Department niyo pa naman ang may pinaka-maraming gagawin for this month.”
Isang malaking goodluck talaga! Big project ko ‘to kung magkataon.