Chapter 4

1243 Words
This is it pansit malabon. Ngayong araw na ang interview ko sa SelfSteem. Maaga akong pumunta ngayon dahil hinatid din ako ni Nicholai, isa pa ayokong ma-late sa interview ko, mahirap na baka magka-bad record pa ako. Past eleven na at malapit na rin mag-lunch pero hindi pa ako natatawag, though malapit na rin naman na ako. Sadyang marami lang talagang applicant ngayon. Nalaman ko rin na kulang pala talaga sa employee ‘tong company kaya naman mass hiring ang ganap nila this week. Buti na lang pala at napadaan ako sa lugar na ‘to dahil kung hindi mapapasama pa ako sa bilang ng unemployed sa Pilipinas. “Oh My Gee! I’m so haggard na,” napatingin naman ako sa babae na nasa tabi ko. ‘Oh My Gee, so conyo.’ Pasalamat siya at maganda siya kaya pwede siyang mag-inarte. “Hey, what are you looking at? May dirt ba sa face ko?” Nagulat ako sa tanong niya kaya agad akong napailing. Kaloka, napatagal na pala pagtitig ko sa kanya. Ang arte naman kasi. “Next, Bettany Marquesa!” sigaw no’ng HR habang may hawak-hawak na mga papel. Agad naman na tumayo ‘yong babae na nasa tabi ko at maarteng naglakad papasok sa loob. Nasa lobby kasi lahat ng applicant kaya naman maingay at maraming tao na palakad-lakad. Kaliwa’t kanan pa ang sumisigaw para tawagin ‘yong next applicant. Sa totoo lang kanina pa ako kinakabahan, hindi dahil sa interview, kundi sa kung anong magiging reaksyon ng panel kapag nakita ako. I’m wearing white polo shirt, pencil skirt at beige colored wedge. Naka-half pony din ang buhok ko at konting makeup para naman presentable akong tignan sa mga tao. Nakakaloka naman kasi ‘yong mga kasabayan kong mag-apply, daig pa ang model sa sobrang ganda. Kung hindi lang ako aware na applicant sila iisipin ko na mga model sila sa kumpanya na ‘to. “Next! Francheska Beatrize Constantine, pasok!” sigaw ni ateng HR kaya agad akong sumunod sa kanya. Nakasalubong ko naman ‘yong babaeng conyo kanina na malawak ang ngiti. Mukhang maganda ang kinalabasan ng interview niya. Sana all. Pagpasok ko sa loob ay may tatlong tao na nakaupo sa gitna, mukhang sila ‘yong panel. Sa harapan naman ay may silya, na mukhang upuan ng mga aplikante. Agad akong naupo sa silya at ngumiti sa tatlo. “Good morning, ma’am and sir,” masayang bati ko. Napatingin naman sa direksyon ko ‘yong tatlong panel pero hindi ko ma-describe ‘yong reaksyon nila. “You’re Francheska Constantine?” tanong nung babaeng nasa kanan, na si Miss Romina Mina, head ng HR department, based sa nameplate na nasa harap niya. “Yes po, ako nga,” sagot ko habang nakangiti. Bumalik naman ang tingin nila sa papel na mukhang resume ko sabay tingin sa akin at tingin ulit sa papel. May dumi ba mukha ko? Dapat pala talaga nag-ayos muna ako, baka mamaya may tinga pala sa ngipin ko nakakahiya. “Ikaw ‘tong nasa picture?” tanong naman n’ong nasa kanan, si Miss Valerie Valdez, head ng Fashion department, na mukhang magiging direct head ko kung nagkataon. “Ako nga po,” may mali ba sa picture ko? Baka naman mali ‘yong nalagay namin ni Nicholai kagabi. “Nevermind, let’s start. Kindly introduce yourself,” sabi no’ng lalaki na nasa gitna, siya ‘yong president pero hindi ko alam pangalan niya. Wala naman kasing nakalagay sa nameplate niya bukod sa president na title. “Good day! I’m Francheska Beatrize Constantine and I’ve been working as a freelance designer for five years. I also work as business manager for three years. At my current job as a designer, I work for different celebrities and professionals here in the Philippines and I sketch and make my own designs.” “Why should we hire you?” tanong naman ni Miss Valerie. “Because you are hiring,” bulong ko sa isip ko, pero s’yempre hindi ko sasabihin sa kanila. Hindi pa ako handang mapasama sa mga unemployed kaya naman tiis ganda muna. “Honestly, I possess all the skills and experiences you’re looking for. I’m pretty confident that I am best candidate for this job. It’s not just my background in the past projects, but also my people skills, which will be applicable in this position,” I confidently said. ----- Kasama ko ngayon si Nicholai rito sa unit ko. Kanina pa kami nakatambay simula nung matapos ‘yong interview ko. At this time, mataas ang confidence ko na matatanggap ako sa trabaho. Masyado ko kayang ginalingan ang pagsagot. “Kanina ka pa nakangiti, iniisip mo pa rin ‘yong interview mo?” tanong ni Nicholai pero nasa TV na ulit ang atensyon niya. “Hindi na parang oo,” sagot ko sa kanya habang nakangiti pa rin. “g**o mo,” he said at binato ako ng popcorn. Nanonood kasi kami ngayon ng Peninsula, suggested by none other than Nicholai Rama! Binato ko rin siya ng popcorn bago ako sumagot. “Iniisip ko ‘yong nangyari kanina pero hindi ‘yong interview mismo.” “Anong nangyari kanina?” tanong niya pa. ‘To napakalalaking tao ang tsismoso. “Well, naalala ko lang ‘yong president kanina,” sayang pala hindi ko nalaman pangalan niya, nawala rin kasi sa isip ko kanina. “President? Si Alexander?” agad naman akong napatingin sa kanya. “Kilala mo ‘yong president?” tumango naman siya bilang sagot. “Bakit hindi mo sinabi. Kainis ka.” “Sinabi ko ‘yon sa’yo kahapon, baka hindi mo lang narinig. By the way, ano namang meron sa kanya?” “Tsismoso mo naman po. Wala lang, feel ko na-love at first sight ata ako,” bigla naman siyang nabulunan sa sinabi ko. Problem naman nito? “Ikaw? Na-love at first sight? Kay Alexander?” saka siya tumawa ng malakas. Kahit kailan talaga napaka-supportive ng lalaki na ‘to. “Ano namang problema ro’n aber?” “Wala naman,” at bigla na naman siyang bumalik sa pagiging seryoso. Minsan daig niya pa ang babae sa pagka-moody. “Aha! Alam ko na bakit mo ako tinawanan kanina.” “Bakit naman?” “Kasi iniisip mo na hindi siya magkakagusto sa akin. Dahil sa itsura ko.” “Hindi gano’n ‘yon Cheska,” depensa niya sa sarili. “Alam ko naman eh, no need to explain,” tanggap ko naman na hindi ako maganda. Ilang beses na nga akong nawalan ng trabaho dahil lang sa itsura ko. “Hey! Cheska, look at me,” lumapit naman sa’kin si Nicholai at hinawakan ang magkabilang balikat ko. “Hindi kita tinatawanan dahil sa itsura mo, okay? Natawa lang ako dahil para kang bata kung mag-kwento kanina, ang cute mo kasi.” “Tse! Maniniwala na sana ako kaso sinabihan mo akong cute. ‘Wag nga ako Mr. Rama.” “Kapag ba hindi maganda hindi na p’wedeng maging cute?” Bigla ko naman siyang binatukan dahil sa sinabi niya. “Loko ka pala eh, edi sinabi mo rin na hindi nga ako maganda.” “Ito naman biro lang. Alam mo naman na para sa’kin ikaw ang pinakamagandang babae.” “Umuwi ka na nga,” pantataboy ko sa kanya palabas ng unit ko. “Sira ulo ka talaga.” Tatawa-tawa naman siya habang palabas. “Bye, my beautiful bestfriend,” pahabol niya pa bago ko isara ‘yong pinto. Sira ulo talaga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD