Ilang beses ko pang binasa ‘yong email, baka mamaya namamali lang ako ng basa at hindi naman pala ako nakapasa.
Sinubukan kong sampalin ang sarili ko para masiguradong hindi ako nananaginip. Pero mga mare, seryoso nga, true siya. Nasaktan kasi ako sa sampal, it means, hindi ako nananaginip.
Kahit na hindi pa ako natatanggap ay tinawagan ko agad si Nicholai para i-share ‘yong good news.
Calling Nicholai…
“NICHOLAI!!!” sigaw ko ng sagutin niya ang tawag.
“Aray ko, bakit ka ba sumisigaw? May problema ba?” sagot naman niya mula sa kabilang linya.
“Wala, pero may good news ako,” pabitin na sabi ko.
“Ano naman good news mo? Tungkol saan?”
“Nakapasa ako sa interview sa SelfSteem! Second screening na ako sa Monday!”
“Wow! Congrats! Sabi ko naman sa’yo makakapasa ka, ikaw pa, ang galing mo kaya,” ashoo, nambola pa ang loko.
“Don’t me, hindi mo ako madadaan sa ganyan mo, kilala kita Nicholai Rama. Kung sa iba tumatalab charms mo, p’wes sa’kin hindi kaya libre mo ‘ko.”
“Takaw mo talaga, parang hindi ka babae kung kumain, saka sa’yo lang naman talaga hindi tumatalab charms ko,” pang-aasar niya. Grabe sa matakaw, hindi ba p’wedeng magana lang talaga?
“Tse! If I know, kuripot ka lang, ayaw mo lang manlibre,” biro ko sa kanya, well, hindi naman siya kuripot pero malay mo tumalab ‘yong spell at ilibre ako.
“Oo na, oo na, lilibre na kita. Buti na lang Saturday ngayon kaya half day lang ako, punta na lang ako sa unit mo after work.”
Sabi na eh. “I knew it! Hindi mo talaga ako bibiguin. Sige, trabaho kang mabuti, ah. ‘Yong food ko ‘wag mo kakalimutan, kung hindi lagot ka sa akin. Babush~” at binaba ko na ang tawag.
Iba rin talaga kapag may kaibigan ka na galante, libre all the way. Sino nga ba naman ang tatanggi sa libre, lalo na kapag pagkain, ‘di ba?
Ang saya ko talaga ngayong araw, hindi ko naman kasi expected na makakapasa talaga ako, lalo na sa itsura ko na ‘to, tapos fashion and model agency pa pinag-applyan ko.
At dahil masaya talaga ako ngayong araw, naisipan kong linisan ang buong unit ko kahit na may taga-linis naman talaga ako every Sunday. Wala lang, sinipag lang ako. Maaga pa naman at mamayang hapon pa pupunta si Nicholai kaya mahaba pa ang oras ko.
Una kong nilisan ‘yong kwarto ko at banyo, inayos at nilipat ko sa ibang p’westo ‘yong mga furniture and fixtures para naman kahit papano ay mabago ang style. Sunod kong nilinisan at inayos ay ‘yong closet at banyo. Pagkatapos ay sinunod ko ‘yong kusina at saka ako naglinis sa sala.
-----
Hindi naman talaga marumi ‘yong buong unit ko dahil weekly nalilinisan, plus hindi naman ako makalat, kaya naman mabilis din akong natapos sa paglilinis.
Tinignan ko ‘yong wall clock at past 11 na kaya naman mabilis akong nag-asikaso ng sarili para maligo at magbihis. Wala naman akong lakad ngayong araw kaya baka magbasa o mag-sketch ako ngayong araw pagkatapos bumisita ni Nicholai.
Pagkatapos maligo ay nag-padeliver na lang ako ng pagkain sa malapit na fast food dito sa condo. Kahit hindi gan’on karami ang nilinisan ko ay napagod pa rin ako, isa pa, tinatamad na rin akong magluto.
After an half of an hour, dumating na rin ‘yong pagkain na hinihintay ko. Kakaloka, akala ko mauuna pang dumating ‘yong mga pagkain ni Nicholai bago sa order ko.
“Kuya, ito ‘yong bayad ko,” at inabutan ko siya ng 500, “keep the change na po,” I said at kinuha sa kanya ‘yong pagkain.
“Thank you, ma’am,” at umalis na siya pagkabigay ng pagkain. Agad kong sinarado ‘yong pinto at dumiretso sa kusina para maghanda.
“Finally, makakakain na rin,” I said before opening the food at nagdasal muna ako bago kumain.
-----
Nakahiga ako sa sofa habang nanonood ng biglang may nag-doorbell mula sa labas. Mukhang si Nicholai na ‘yong dumating.
Agad-agad kong binuksan ‘yong pinto para makapasok siya.
“Tagal mo naman po,” reklamo ko sa kanya. “Nagugutom na ako.”
“Hindi ka ba kumain?”
“Kumain, pero nagugutom pa ako, eh,” sagot ko at ginulo naman niya ang buhok ko. Hilig niyang gawin sa’kin ‘yon, ang guluhin ang buhok ko.
“Tara na nga, kain na muna tayo,” he said habang nilalatag ‘yong mga pagkain na dala niya sa mesa.
Oy my food! Puro favorite ko ‘yong dala niya. “The best ka talaga!” I said habang nasa pagkain pa rin ‘yong atensyon ko.
Feeling cloud 9 sa dami ng food. May pizza, fries, sundae, friend chicken and nuggets. Parang nagutom tuloy ako, dahil sa dala niya.
“Let’s celebrate your achievement,” he said at kumuha ng chicken leg.
Ginaya ko ‘yong ginawa niya at kumuha rin ako ng chicken leg, “for my achievement.”
“Chicken!” sabay naming sabi at pinag-cheers ‘yong chicken leg na hawak naming.
“Nakapasa ka sa interview mo, ‘di ba dapat ikaw ang magpapakain?” biglang tanong ni Nicholai sabay tingin sa akin.
“Ako nga, pero sino baa ng may trabaho sa atin?” tanong ko naman pabalik.
“Ako.”
“Sino ang kumikita sa ating dalawa?” tanong ko ulit sabay subo ng fries.
“Ako.”
“So, sino dapat ang manlibre?”
“Ako?” patanong na sagot niya.
“See,” I said at sinubuan siya ng pizza. “Unemployed pa rin ako kaya ikaw muna ang toka sa pagkain.”
“Tss, ‘wag mo nga akong daanin sa pagpapa-cute mo,” reklamo niya habang kumakain ng ice cream.
“Hindi naman kasi ako nagpapa-cute, Mr. Rama. Saka puro ka cute, crush mo ba ako?” panloloko ko sa kanya.
“Oo, crush kaya kita.”
“Ha? Ano sabi mo?” tanong ko sabay tingin sa kanya. “Hindi ko naintindihan, ang hina naman kasi.”
“Wala naman akong sinabi.”
“Ay, ewan. Bahala ka, kakain na lang ako,” I said at mas pinagtuonan ng pansin ang pagkain.
“Go, kain lang ng kain, magpakabusog ka. Pasalamat ka at hindi ka tumataba kakakain.”
“Edi, thank you,” I said. Sarap talagang asarin nitong kaibigan ko, pampa-good vibes.