Nicholai Calling…
Napatawag naman ang isang ‘to? Sinagot ko ang tawag niya at nilagay sa loud speaker ang tawag.
“Cheska! Nakauwi ka na?” pambungad na bati niya.
“Yepp, kauuwi ko lang. Nag-commute ako pauwi, why?” I asked habang naghahanda ng meryenda, kumakalam na tiyan ko, baka kung ano pa makain ko.
“Bakit hindi ka tumawag? Sana tinawagan mo ako para nasundo kita.”
“You know Nicholai, bestfriend kita hindi driver. Saka ayos lang ‘no, safe naman akong nakauwi,” kahit kailan talaga may pagka-paranoid ‘tong kaibigan ko.
“Kahit na, hindi ka na sana nag-commute,” ay, ayaw patalo ni kuya mo Nicholai, “by the way, kanina pa ako tumatawag pero cannot be reach ka.”
Buti na lang pala nag-charge ako kaagad, “eh kasi naman po, lowbatt na phone ko kanina,” paliwanag ko sa kanya.
“Akala ko kung anong nangyari na sa’yo. Papunta pala ako sa condo mo, may dala akong pagkain,” agad naman akong napangiti sa sinabi niya.
“Alam mo Nicholai, the best ka talaga. I love you na talaga.”
“Basta pagkain sumisigla ka talaga. Sige na malapit na ako, see you,’ he said at binaba na ang tawag. Buti na lang tinapay lang kinain ko at hindi ako nagluto. Marami pa naman kung magdala ng pagkain si Nicholai kaya baka masayang.
After a few minutes ay may nag-doorbell kaya agad kong binuksan ang pinto at bumungad sa akin ang napaka-gwapo kong bestfriend, si Nicholai Rama.
Nilakihan ko ang bukas ng pinto, pumasok naman siya at dumiretso sa sala. As expected, marami na naman siyang dala na pagkain kahit na dalawa lang naman kami.
“Ano palang ganap mo at naisipan mo na pumunta rito sa unit ko?” tanong ko sa kanya pagkaupo ko.
“Makikibalita lang. Kamusta naman interview?” tanong niya habang nilalantakan ‘yong pizza na dala niya.
Bumuntong hininga muna ako bago sumagot, “as usual, tatawagan na lang daw nila ako.”
“Bakit kasi ayaw mong tanggapin offer ko, edi sana magka-trabaho na tayo.”
Well, maganda naman offer niya, kaso ayokong mag-trabaho sa kumpanya nila dahil sa ni-recommend o may kapit ako. Mas gusto ko pa rin na kumikita ako dahil sa sarili kong sikap.
Saka ang offer niya ay mataas na posisyon kaagad, ayoko ng ganun. “Alam mo naman na gusto kong maging independent ‘di ba?”
“I know, pero hindi rin naman masamang humingi ng tulong. Bakit hindi ka na lang sa company ng ate mo?” suggest niya.
“No! Wala akong alam sa pagsusulat, saka isa pa, ang layo ng publishing sa business management at fashion designing na natapos ko,” paliwanag ko sa kanya.
Hindi na siya sumagot pa at nagpatuloy na lang sa pagkain. Kung katulad lang ako ng ibang babae siguro matagal na akong na-inlove rito sa bestfriend ko.
Una sa lahat, gwapo at gentleman, bihira na lang ang lalaking gwapo at gentleman sa panahon ngayon. May ibang gwapo pero arogante, ‘yong iba naman mas babae pa sa akin.
Sweet, protective at caring din siya. Lahat ata ng mahihiling ng isang babae sa lalaki ay nasa kanya na.
“Ay!” nagulat naman siya sa biglang pagsigaw ko.
“Bakit, anong nangyari?” tanong niya. Ayos naman ‘tong kaibigan ko, OA lang talaga minsan.
“Naalala ko, may nakita ako na poster kanina, gusto ko ‘yong trabaho pero hindi pa ako sure kung maga-apply ako.”
“Tungkol ba saan?” pinakita ko naman sa kanya ‘yong advertisement na kinuhanan ko ng picture kanina. “Subukan mo lang, kapag nakapasa ka sa interview hindi ka naman lugi sa kumpanya, isa pa field of work mo rin naman ang pagde-design.”
“Kahit na. Saka kilala mo ba ‘yang company na ‘yan? Ngayon ko lang ko lang kasi narinig.”
“Uso kasi magbasa ng magazine or makibalita sa internet,” sabay pitik niya sa noo ko. “Originated ang SelfSteem sa Paris pero last year lang itinayo ‘yong branch nila rito sa Pilipinas. Saka ‘yong owner ng company na ‘yan is isa sa mga endorser naming, si Alexander Montes, ‘yong sikat na model.”
“Ahh, hindi ko alam,” sagot ko sa kanya. Kahit naman kasi may degree ako ng fashion designing hindi ako ganun ka-aware sa mga ganap nila. Mas nag-focus kasi ako sa pagta-trabaho as business management graduate. Isa pa, wala rin akong permanenteng trabaho kaya naman papalit-palit ako ng kumpanya na pinapasukan.
Ang dahilan kung bakit ako nawawalan ng trabaho, dahil sa itsura ko.
“Magpasa ka na ng resume mo, tutulungan kita. Subukan mo lang.”
Napatingin ako sa kanya at nanguna na siya na kunin ‘yung laptop ko. Wala naman na akong choice kaya naman inayos ko ‘yung resume ko para magpasa ng application.
“Palitan ko picture ko?” tanong ko kay Nicholai at tumango naman siya.
Naghanap ako ng mas maayos na picture kung saan wala akong suot na salamin at nakatali ang buhok ko. Para mas maayos naman at hindi mukhang sabog ang itsura ko.
“Ayan!” I said after I click the send button.
“Let’s wait for their reply, para malaman natin kailan interview mo,” tumango na lang ako at tinapos na naming ang pagkain.
Buti na lang talaga at kasama ko ‘tong kaibigan ko, kung nagkataon hindi ko na rin alam kung anong gagawin ko sa buhay ko.
After a few hours ay naka-receive ako ng reply mula sa SelSteem. Agad kong tinignan ang email at binasa.
Good day Francheska,
We are happy to inform you that you pass our preliminary screening and you’re legible to attend our initial interview on January 15 2021 at 10:00 AM in the morning. Bring your requirements and we’ll see you at the interview.
Sincerely,
Romina Mina
HR of SelfSteem
“That’s on Friday. May four days ka para maghanda, goodluck!” masayang bati sa akin ni Nicholai.
Isang malaking goodluck talaga.