“Let's return to the office,” he said. Pagkatapos niyang sabihin ‘yong mga ‘yon tingin niya ba kaya ko pa siyang ipag-drive pabalik? Kung hindi ko lang talaga siya boss ay baka kanina ko pa siya iniwan at hinayaan na bumalik mag-isa. Narinig ko naman ‘yong mga sinabi niya kanina pero hanggang ngayon ay iniintindi ko pa rin ‘yon, baka kasi mamaya ay mali lang ako ng pagkakaintindi sa mga sinabi niya. Na baka masyado ko lang dinamdam ‘yong mga sinabi niya na hindi pala dapat. “Mauna na lang siguro kayong bumalik, sir,” sabi ko na lang at binagay sa kanya ‘yong susi. Ilang beses kong pinag-isipan pero hindi ko pala talaga kayang makasabay ulit siya pabalik. Kaya naman binalik ko sa kanya ‘yong susi ng sasakyan, mag-co-commute na lang siguro ako pabalik ng opisina. Pagkatapos kong ibigay

