Nagising ako na masakit ang ulo ko, pakiramdam ko ay umiikot ‘yong buong paligid ko. Muntik pa nga akong matumba no’ng sinubukan kong tumayo. Pakiramdam ko ay binibiyak ang ulo ko dahil sa sobrang sakit para tuloy akong nakainom na ewan. “Teka,” saglit naman akong natigilan ng bigla akong may naalala. Akala ko ay panaginip lang ‘yong mga nangyari, totoo pala. Ang nakakainis lang, hindi ko masyadong matandaan kung ano ‘yong buong nangyari dahil iilan lang ang naaalala ko. Napasabunot na lang tuloy ako sa sarili ko no’ng ma-realize ko ‘yong mga sinabi at ginawa ko kahapon. Ang natatandaan ko lang ay buong gabi na nakasunod sa akin si Bryan tapos uminom ako. Hindi pa siguro ako masyadong lasing no’ng kinuwento ko sa kanya ‘yong nangyari sa airport kahapon. Pero pagkatapos no’n ay wala na a

