“What suggestions do you have for the photo shoot?” tanong ni Sir Alexander.
“We can make one with a spring theme. Something akin to casual, cool silhouettes and vibrant, daring dopamine fashion. These outfits fall on the more casual end of the fashion spectrum,” Jessica said.
Kaya lang ay mukhang hindi ‘yon nagustuhan ni Sir Alexander dahil umiling siya. Himala at wala siyang comment. Normally kasi kapag hindi niya gusto ‘yong suggestion ay hindi ka na niya patatapusin pa sa pagsasalita. Kaya naman medyo nakakapanibago na wala siyang sinasabi ngayon.
“Why not try summer fashion? We can do mini minis, extremely sheer textiles, outerwear worn as underwear, neon from the 90s, and low-slung waists from the 00s,” suggestion naman ni Kathy.
“What do you guys think is now the most talked-about topic?” tanong niya pa kaya naman napaisip ako.
“Live videos?” sabi naman ni Henry.
“Online selling,” wala sa sariling sabi ko.
“Napalakas ata ang pagkakasabi mo, Cheska,” wika ni Debb.
“I mean uso rin ngayon 'yong online selling bukod sa live videos. Naisip ko lang, why don't we do fashion show pero in an online selling theme, like kung ano ‘yong mostly na binibili ng mga tao,” paliwanag ko.
“What do you mean by that? How can we attract the public’s attention by that?” sunod-sunod na tanong ni Sir Alexander.
Dahan-dahan naman akong gumilid para makita ko si Sir Alexander. Nakakahiya naman kasi kung magsasalita ako tapos nakatalikod ako sa kanya.
“We can use regencycore for the theme. The model can dress up in prim flowers, lady cardigans, corsets, and pearls. They can adopt this style of complete elegance for formal events like work or parties. Or, play around with the trend by wearing one frilled item with leggings and sneakers.”
Pagkatapos kong magsalita ay napansin ko ang bahagyang pagtango niya, napangiti tuloy ako dahil do’n.
“Try to get in touch with the clothing brands, Henry. Additionally, rent some sculptures and podiums to be used as props in our shoot,” Sir Alexander said.
Mas lalo tuloy akong natuwa dahil ‘yong idea ko ‘yong gagamitin namin for the photoshoot. Kapag ganito tuloy parang mas lalong gusto kong mag-stay dito sa department na ‘to. Pero kapag nagkakamali ako ay parang gusto ko nang bumalik na lang sa Fashion Department.
“Noted, sir,” sagot naman ni Henry.
“Let's make elegance and affection the main themes this time. Let's think of love as an aggressive, passionate force that dominates all other emotions. We can take use of the opportunity because Christina has an interest in the regency era.”
Hanggang sa matapos magsalita si Sir Alexander ay nakatingin lang ako sa kanya mabuti na lang at walang nakapansin. Ayaw ko pa naman na malaman nila rito na may gusto ako sa kanya.
“These details must be in your article, Steven. And Jenn, you must follow through these points when advertising, okay?”
“Yes, sir,” sagot naman nila.
“And for the remaining, please continue your preparations,” pagkasabi niya no’n ay umalis na rin siya at dumiretso sa opisina niya.
Pinagpatuloy na rin namin ‘yong ginagawa namin dahil marami-rami pa kaming aayusin. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapapansin sa amin, pero parang madalas na lumalabas ng opisina niya si Sir Alexander. Minsan kasi ay pinupuntahan niya pa kami sa pwesto namin.
Ilang oras pa ang lumipas at naayos din namin ang mga kailangan para sa shoot at interview ngayon. Halos magkasabay kasi na ginawa ‘yon kaya naman sobrang busy talaga. Minsan nga ay natataranta pa ako habang nag-aasikaso dahil naghahabol din kami ng oras.
Hindi rito ginanap ‘yong shoot kaya naman mas nakaka-stress siya dahil may times na kailangan pa naming ipadala sa venue ‘yong mga kulang na gamit. Pero mabuti na lang din at nairaos din namin ‘yong shoot at interview ngayong araw.
“Do you know that her manager was there at the event today and expressed her satisfaction?” excited na sabi ni Kathy.
Ang model kasi ng shoot kanina ay si Christina. Siya lang naman kasi ang isa sa mga sikat na model ngayon, kaya nga halos lahat gustong makuha siya at ma-interview. Sayang lang at hindi ko siya nakita ng personal. Ibang team kasi ang nasa shoot ngayon dahil may inaasikaso kami, pero nando’n naman si Miss Carol.
“I can only wonder how Christina could be flawless when I think about her,” sabi naman ni Debb. Ang alam ko kasi ay idol niya si Christina, kaya nga sobrang nanghihinayang siya kanina dahil hindi siya nakapunta sa shoot kanina.
Ang plano kasi talaga dapat namin ay pagkatapos mag-asikaso rito sa opisina at no’ng interview ay pupunta kami sa venue para manood no’ng shoot. Kaya lang ay sobrang dami nga ng inasikaso namin kaya naman hindi na rin kami nakaalis pa.
“Thank you everyone. Today's photo shoot was a huge success. You all put in lots of hard work,” Miss Carol said. Kababalik niya lang din kanina galing sa shoot.
“Rush through the exclusive interview, Steven,” sabi niya rito. “Okay, everyone, let's get back to work.”
At bumalik na rin kami sa ginagawa namin. Katatapos lang ng shoot kaya naman puro pagliligpit na ang ginagawa namin sa ngayon, pero mamaya ay iba naman ang aasikasuhin namin.
“Cheska, please help order some takeout for everyone. Later, let's have lunch here,” utos sa akin ni Miss Carol.
“Yes, Miss Carol, ako na ang bahala,” sagot ko. Sa ngayon kasi ay mas gugustuhin kong lumabas kaysa magligpit ng mga props at damit na ginamit. Masyado kasi silang marami kaya naman mas okay na lumabas ako at least makakapagpahinga ako kahit sandali.
“Send ko na lang ‘yong order ko sa gc,” sabi ni Steven kaya naman tumango ako.
Gano’n din naman ang sinabi ng iba kaya naman ni-suggest ko na i-send na lang nilang lahat ‘yong order nila sa gc. Sa gano’n kasi ay mas okay sa akin para hindi ako malito sa kung anong order nila.
Pagkatapos kong kunin ‘yong company card ay umalis na rin ako. Malapit lang naman dito ‘yong pinagbibilhan namin ng lunch kaya naman hindi na need mag-commute.
Pagdating ko ro’n ay hindi pa naman gano’n karami ‘yong tao dahil wala pa namang lunch time kaya naman paniguradong hindi na ako maghihintay ng sobrang tagal. Nag-order na rin ako agad para naman habang niluluto pa ‘yong order ko ay makakapasyal muna ako.
20 mins pa naman ang kailangan kong hintayin kaya naman naglakad-lakad na lang muna ako. Sakto naman at may nadaanan akong coffee shop kaya naman dumiretso ko ro’n para bumili. Siguro ay dito muna ako magpapalipas ng oras.
Habang naghahanap ng pwedeng ma-pwestuhan ay may napansin ako na parang kahawig ni Christina, kaya lang ay hindi ako sigurado kung siya ba ‘yon. Hindi ko alam kung gaano katagal ko pa siyang tinignan pero no’ng masigurado ko na siya nga si Christina ay agad akong lumapit sa kanya.
“OMG! Ikaw nga!” excited na sabi ko ng makita siya ng malapitan. “Hello, I’m Francheska from SelfEsteem,” pakilala ko sa sarili ko.
“Sit down, ayokong may ibang makapansin sa akin,” malumanay na sabi niya kaya naman agad akong naupo sa harapan niya.
Sa isip-isip ko pa naman ay hindi ko siya lalapitan dahil ayokong makaabala sa kanya, kaya lang ay hindi ko rin napigilan ang sarili ko at lumapit pa talaga ako. Hindi ko tuloy mapigilan ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya.
Simula kasi no’ng makita ko siya sa magazine ay nagustuhan ko na rin siya kaya naman sobrang saya ko na makita siya ngayon. Kaya nga nalungkot din ako kanina dahil hindi kami nakapunta sa shoot niya, pero hindi ko naman inaasahan na makikita ko siya rito ngayon.
“Mahilig ka rin ba sa coffee?” tanong ko sa kanya. Napansin ko kasi na french vanilla ‘yong order niya. Sa sobrang dalas ko kasing mag-kape ay nakabisado ko na ‘yong mga code nila na nilalagay sa baso.
“Yes, my favorite,” she answered. “Do you know where I typically stay, besides the runaway and the gym?”
Umiling naman ako bilang sagot. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nasa harapan ko siya. Lalo na ngayon at nakakausap ko pa siya. Akala ko nga no’ng una ay hindi niya ako kakausapin dahil naabala ko lang naman siya, pero nakakatuwa lang na kinakausap niya ako.
“In the coffee shop,” she said.
“Wow! Favorite mo talaga ang coffee,” natutuwang sabi ko. “Alam mo ba, sabi nila masama raw kapag masyado kang nasobrahan sa caffeine. Kaya naman sinusubukan ko na ‘wag masyadong mag-kape pero hindi ko talaga natitiis na hindi mag-kape.”
“Yeah. Actually, I exercise to increase my food intake.”
“Yes! Kaya nga hindi ko ma-gets kung bakit may mga tao na ayaw kumain. Lalo na ‘yong mga taong ayaw sa coffee. Ang weird.”
Nagtigil lang din ang usapan namin ng biglang tumunog ang cellphone niya. Hindi niya sinagot ‘yong tawag pero mukhang kailangan na niyang umalis.
“I have to go. I still have meeting to attend to,” sabi niya kaya naman tumango-tango ako.
“Yes, no worries. Thank you so much for your time,” masayang sabi ko.
“Goodluck in your work,” sabi niya pa bago tuluyang umalis.
Habang pabalik tuloy do’n sa restaurant ay nakangiti lang ako. Kanina ko pa nga rin napapansin na pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala naman akong pakialam. Ang mahalaga ay masaya ako kaya naman ayos lang na pagtinginan nila ako.
Hanggang sa makabalik ako sa opisina ay nagtataka pa sila kung bakit ang lawak ng ngiti ko. No’ng sinabi ko na nakita ko si Christina ay hindi naman sila naniwala. Wala rin naman kasi kaming picture kaya naman wala akong mapakitang patunay.
Pero ayos lang naman kung hindi sila maniwala. Basta alam ko na totoo ‘yong nangyari kanina. Ilang beses ko pa ngang kinurot ‘yong sarili ko dahil baka mamaya ay nananaginip lang ako pero nasaktan naman ako kaya naman totoo ‘yong kanina.
At dahil masaya ako ay hindi ko na namalayan ang oras. Napansin ko na lang na uwian na pala no’ng isa-isa na silang umalis kaya naman nag-asikaso na rin ako para umuwi. Nakakatuwa lang na ang daming magandang nangyari ngayong araw.
Pagkauwi ko ay do’n ko lang din naramdaman ang pagod at antok. Sobrang daming ginawa talaga kanina kaya naman ang sakit din ng buong katawan ko ngayon. Pagkaupo ko ay parang gusto ko nang pumikit agad para matulog kaya lang ay may kailangan pa akong tapusin na panibagong report.
Siguro ay magpapahinga lang muna ako ng ilang minuto at saka ako gagawa ng report. Kaya lang ay bumangon din ako agad. Nararamdaman ko na kasi na gusto nang pumikit talaga ng mata ko pero hindi pa pwede dahil may tatapusin pa talaga ako.
Imbes na labanan pa ang antok ay sinimulan ko na lang ang gagawin ko. Dito na rin ako sa sala pumwesto, kapag kasi sa kwarto ay paniguradong makakatulog kaagad kapag pagkaupo ko pa lang.
Hindi naman need na matapos ko ‘tong report kaagad dahil bukas pa naman ipapasa. Pero gusto ko kasing simulan na siya ngayon dahil mas marami talaga kaming gagawin bukas kaya naman sobrang busy na panigurado. Kung sakali rin ay paputol-putol ang paggawa ko kung bukas pa ako magsisimula.
Kaya kahit na inaantok ay nagsimula na ako. Kanina ko pa rin naman iniisip ‘yong mga ilalagay ko kaya naman sa ngayon ay draft muna ang gagawin ko. Para at least bukas ay mas madali akong matatapos dahil alam ko na kung anong ilalagay.
Halos isang oras na rin akong nagta-type at hindi ko na maintindihan ang nilalagay ko dahil papikit-pikit na talaga ang mata ko. Sana lang ay hindi ko mapanaginipan na natapos ko ‘yong report ngayong araw dahil baka umasa ako. Minsan pa naman ay hanggang sa pagtulog ko ay naiisip ko ‘yong mga gawain ko.
Akala ko natapos ko na silang gawin pero ang totoo ay hindi pa naman talaga dahil sa panaginip lang ‘yon nangyari. Nagta-type pa rin ako dahil kaya ko pa naman kaya lang ay gusto na talagang bumigay ng mata ko. Hanggang sa wala na talaga, hindi ko na kinaya kaya naman pumikit na ako.
Mas mahirap kasi kung lalabanan ko pa ang antok. Hindi ko na rin naman na matutuloy ‘to dahil hindi na nakikisama ang katawan ko kaya naman bukas ko na lang siya tatapusin. Nakapikit na ako’t lahat-lahat pero nasa isip ko pa rin ‘yong report na kailangan kong matapos.
Hindi ko alam kung ilang minuto ko pang inisip ‘yong gawain ko pero maya-maya lang din ay tuluyang nagpadala na ako sa antok.