Chapter 39

2299 Words
“How was it, Sir,” kinakabahang tanong ko sa kanya. Ilang minuto na niya kasing tinitignan ‘yong gawa ko pero hindi naman siya nagsasalita. Hindi ko tuloy alam kung tama ba ‘yon o kung may hindi siya nagustuhan. Hindi naman ako pasmado pero ramdam ko na pinagpapawisan na ang mga kamay ko. “You wouldn't need to worry about whether or not I was satisfied if you’re confident with your work and did it professionally,” seryosong sabi niya kaya naman napatango na lang ako. “You may now leave.” Nagdalawang isip pa ako kung aalis na ba ako agad, wala naman kasi siyang comment sa report ko kaya hindi rin ako sigurado. At dahil pinapaalis na niya ako ay feeling ko mali ‘yong nagawa ko. Kukunin ko na sana ‘yong report para ayusin pero hinarangan niya ‘yon ng kamay niya. Saglit tuloy akong napatingin sa kanya pero nakaharap na siya sa computer niya. Dahil do’n ay lumabas na rin ako ng opisina niya at bumalik na sa pwesto ko. Hanggang sa makaupo ako ay hindi tuloy maalis ang ngiti sa mukha ko dahil tama ang gawa ko at nagustuhan niya ‘yon. “Cheska,” narinig kong tawag ni Bryan. Saglit ko lang siyang tinignan at binalik ko na ang atensyon ko sa ginagawa ko. “Bakit na naman? Pwede bang ‘wag mo muna akong kausapin ngayon?” sabi ko pa sa kanya. Good mood ako ngayon kaya naman ayokong masira ‘yon. Sa tuwing kinukulit niya kasi ako ay sunod-sunod na ang pagiging malas ko ng araw na ‘yon kaya naman hangga’t maaari ay kailangan kong umiwas sa pangungulit niya. hindi ko alam kung ano ang mga task na naka-assign sa kanya pero mas gusto ‘yong araw na wala siya rito sa office. May araw kasi na nandito siya sa opisina kapag umaga, pero pagdating ng hapon ay umaalis siya at kinabukasan na bumabalik. Minsan pa nga ay kasama niya si Steven na lumabas, kaya naman tingin ko ay more on leg work ang trabaho nila. “Grabe ka naman sa akin. Don't you see that I'm being a good coworker right now?” paawang sabi niya pa. Napailing na lang tuloy ako at hindi na siya pinansin pa ulit. Akala ko pa naman ay aalis na siya kapag hindi ko siya pinansin pero ilang minuto na ay nasa gilid ko pa rin siya. Pasalamat siya at hindi lumalabas si Sir Alexander kaya naman hindi nakikita na wala siyang ginagawa, kung hindi ay baka siya naman ang masermonan. “Please, I don't like to experience you being a good coworker right now,” diretsang sabi ko sa kanya. “Grabe ka na,” malungkot na sabi naman niya at dahan-dahan na umalis sa gilid ko. Hindi ko na siya tinignan pa at nag-focus na lang ulit sa ginagawa ko. Kaya lang ay kahit na hindi ako nakatingin sa kanya ay nararamdaman ko na nakatingin pa rin siya sa akin. Pinipigilan ko tuloy ang sarili ko na ‘wag tumingin sa kanya kaya lang ay tumingin pa rin ako. At ang loko mukhang nagpapaawa pa talaga. Napabuntong hininga na lang tuloy ako dahil sa ginagawa niya. “Okay, I’m sorry,” I said. Na-guilty din kasi ako sa sinabi ko sa kanya kanina, feeling ko ay na-offend ko siya kahit na hindi naman ‘yon ang intensyon ko. “Ayos lang,” nakangiting sabi niya pa at muling bumalik sa gilid ko. “At dahil d’yan, lilibre mo ako ng dinner.” Napatingin tuloy agad ako sa kanya. “Huh? Bakit na naman kita ililibre?” takang tanong ko sa kanya. Na-libre ko naman na kasi siya ng lunch no’ng nakaraan. “Nakalimutan mo na ba? You owe me lots of favor! Kung hindi dahil sa akin ay hindi ka mapupunta rito sa department na ‘to. At saka ‘yong libre mo sa akin no’ng nakaraan ay cup noodles lang naman,” reklamo niya pa. Buti nga at na-libre pa siya. “Okay, so dapat pala talaga kitang pasalamatan,” sarkastikong sabi ko. “You are aware of how much I dislike coming here, right? Every day is like hell, and I keep receiving criticisms. Kung hindi niya ako pinapagalitan ay nakatingin lang siya sa akin ng wala man lang kahit anong reaksyon sa mukha.” “So you're blaming me right now, then? I was being good, but suddenly I'm the bad guy.” “Ano ba kasing kailangan mo?” tanong ko. Parang sa lahat ng sasabihin ko ay may sagot siya kaya naman ako na lang din ang unang susuko. “May alam ako na masarap na kainan. Tara mamaya, libre mo.” “Kapag nilibre ba kita makababalik ako sa Fashion Department?” tanong ko pero umiling-iling naman siya. “Wala akong pera,” dagdag ko pa. Para saan pa ‘yong libre ko sa kanya kung hindi rin naman pala ako makaaalis dito. Mabuti pa ro’n ay walang nangungulit sa akin at kahit na lagi lang akong sinusungitan at tinatarayan ni Bettany ay okay naman siyang deskmate. Dito kasi ay si Bryan lagi ang pasimuno ng kalokohan. “Ano ‘yon, kanina lilibre mo na ako pero ngayon biglang wala ka ng pera.” “Ngayon ko lang naalala na wala na pala akong pera,” dahilan ko. May pera naman talaga ako pero ngayon ay ayaw ko na siyang ilibre kaya naman nagbago na ang isip ko. “Kahit na kabibigay lang ng sweldo natin kahapon?” Oo nga pala. Napapikit na lang tuloy ako dahil do’n. Nakalimutan ko na kabibigay nga lang pala ng sweldo namin. Gusto ko sanang sabihin na pinambili ko na ng diaper at gatas ng anak ko kaya lang ay alam niya na wala naman akong anak. At dahil wala na rin naman na akong maisip na idadahilan pa sa kanya ay pumayag na lang din ako. Wala naman akong ibang ginagastos bukod sa bills ko kaya naman ayos lang. Hindi rin naman ako sobrang magastos kaya naman afford ko pa naman na ilibre siya. Pagkatapos niya akong mapapayag ay bumalik na rin siya sa pwesto niya kaya naman pinagpatuloy ko na rin ang ginagawa ko. Ilang oras na lang din naman na kasi ay uuwi na kami kaya naman tinapos ko na ‘yong mga dapat kong tapusin. ----- Pagka-out na pagka-out namin ay dinala agad ako ni Bryan do’n sa sinasabi niya na masarap na kainan. Binantayan niya pa nga ako hanggang paglabas namin, akala mo naman ay tatakasan ko siya. Mabuti na lang din at malapit lang ‘yong sinasabi niya kaya naman hindi na need mag-commute pa. Ramen house naman pala ‘to kaya naman ayos lang din sa akin. Pagpasok namin sa loob ay naghanap agad ako ng bakanteng pwesto, ‘yong pinili ko ay ‘yong nasa bandang dulo para hindi masyadong pansin ng mga tao. Hindi kasi ako sanay na nasa bungad o gitna naka-pwesto. Ewan ko, pero naiilang kasi ako kapag napapatingin sa akin ‘yong mga tao. “Ako na ang mag-order,” sabi ko sa kanya at tumayo na pero may lumapit na sa amin na waiter. “Good evening, here’s the menu,” sabi niya at inabot sa amin ‘yong menu. Naupo na tuloy ulit ako. Napansin ko naman ang bahagyang pagtawa ni Bryan dahil sa ginawa ko. Nakakainis, hindi naman niya sinabi sa akin na may nag-se-serve pala rito, akala ko kasi ay self-service ‘to na kailangan sa counter mismo mag-order. Habang tinitignan ‘yong menu ay nabigla pa ako sa presyo ng ramen nila. Parang gusto ko tuloy sabihin kay Bryan na sa iba na lang kami kumain kaya lang ay nasa harapan pa rin namin ‘yong waiter kaya naman nanahimik na lang ako. Hindi ko pa nasusubukan kumain dito kaya naman hindi ko alam kung anong o-order-in ko, siguro ay ‘yong pinakamura na lang. Kung alam ko lang talaga na rito kami kakain ay sana pala ako na lang ang nag-suggest ng lugar. Pero kahit na medyo labag pa sa loob ko ay tinanggap ko na lang ang kapalaran ko. Okay na ‘tong gumastos ako, para at least sa mga susunod na araw ay hindi na niya ako kukulitin pa para sa libre na ‘to. Iisipin ko na lang na treat ko ‘to sa sarili ko dahil na-survive ko ‘yong halos araw-araw na sermon sa akin ni Sir Alexander. “One large shiro chashumen, one teriyaki chicken don, and tonkatsu,” order ni Bryan. Napatingin naman agad ako sa menu para tignan ‘yong presyo ng in-order niya. Parang gusto ko na tuloy talagang umuwi. Hindi ko nga ginagalaw ‘yong sweldo ko ngayon dahil nagtitipid ako pero ito siya ngayon, kung maka-order ay akala mo ilang araw siyang hindi nakakain. Hindi ko tuloy alam kung pinag-ti-trip-an niya lang ba ako o malakas lang talaga siyang kumain. “Isang shiro ramen sa akin, thank you,” sabi ko sa waiter. Pagkatapos niyang makuha ang order namin ay umalis na rin siya kaya naman naiwan na lang kaming dalawa. This time ay nakataas ang kilay ko habang nakatingin kay Bryan. Pero hindi na ako nagsalita pa at inabala na lang ang sarili ko sa pag-ce-cellphone. Ilang sandali lang din ay dumating na ‘yong pagkain namin. Hindi ko maiwasan na magulat dahil sa rami ng mga ‘yon. Kaya naman pala mahal dito ay malaki ang serving ng ramen, hindi ko tuloy sigurado kung mauubos ba namin ‘tong mga ‘to. Lalo na si Bryan dahil ang dami niyang order. “Kaya mo bang ubusin ang mga ‘yan?” tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga pagkain. Alam ko naman na malakas talaga kumain ang mga lalaki pero medyo duda talaga ako na mauubos niya ang mga ‘yon. Dalawa lang naman kami rito sa table pero parang pang-apat na tao na ‘yong pagkain na nasa mesa namin. “Kaunti lang ‘yan, mauubos natin ‘yan,” sabi niya pa at nagsimula ng kumain. At dahil nararamdaman ko na rin ang gutom ay hindi na ako nagsalita pa at nagsimula na ring kumain. In fairness, masarap ‘yong ramen nila. May iba kasi na hindi ko okay ‘yong broth sa ramen. Hindi ako sigurado kung gaano katagal kaming nag-stay do’n sa ramen house pero nabusog naman ako. Nagulat pa nga ako dahil naubos din namin ‘yong mga pagkain. At kahit papano ay natuwa rin akong makipag-usap kay Bryan, akala ko kasi ay puro kalokohan at pangungulit lang ang kaya niyang gawin. Hindi ko alam na mahilig din pala siyang magbasa, at saka parehas din kami ng hilig basahin. Kaya nga natuwa ako dahil kahit papaano ay may napagkasunduan kaming dalawa. Pagkatapos din naman naming kumain ay hinatid niya pa ako sa sakayan ng bus. Wala kasi akong dalang sasakyan ngayon kaya naman nag-commute lang ako. Nag-suggest din naman siya na ihatid ako pero tumanggi ako. Kahit na may napagkasunduan kami kanina ay hindi pa ako gano’n ka-komportable para magpahatid sa kanya. ----- Kinabukasan ay maaga akong pumasok. Ang aga ko rin kasing nakatulog kagabi at wala rin naman akong gagawin sa apartment kaya naman mas okay na pumasok na lang ng maaga. Naisipan ko nga sana na mag-stay muna sa library kaya lang ay may mga kailangan pa akong tapusin ngayong araw. Ngayon ay inaaral ko ‘yong mga lingerie at underwear. Akala ko no’ng una ay mga damit, sapatos, at bag lang ‘yong mga naka-feature sa magazine namin pero kasama rin pala ang mga ‘yon. Pamilyar naman ako sa mga underwear pero sa lingerie ay hindi pa masyado. Isa kasi sa mga shoot na gagawin namin ay puro underwear lang ang suot ng model kaya naman ngayon ko pa lang din talaga na-explore ‘yong mga ganito. Busy din ang lahat ngayon dahil may impromptu interview na mangyayari. Bigla kasing nagbago ‘yong schedule no’ng model na kakausapin kaya naman halos hindi mapakali ang lahat sa pag-aasikaso. Pagkatapos kong i-check ‘yong mga lingerie ay inayos ko na ‘yong portfolio na papakita sa model mamaya. “What are you guys doing?” narinig kong tanong ni Sir Alexander. Mukhang kararating lang din niya dahil dala-dala niya pa ‘yong gamit niya. “An impromptu interview will be held temporarily here later. Everyone is pitching in because there isn't much time left and we have no time to prepare in the studio,” sagot naman sa kanya ni Miss Jenn. Akala ko ay aalis na rin siya agad pero lumapit siya sa pwesto namin kaya naman napaayos ako ng upo. Nakatalikod ako sa kanya ngayon kaya naman hindi ko makita kung saan siya nakatingin, ayaw ko namang humarap dahil baka mapansin na naman niya ako. “I have already scheduled the interview with Christina,” sabi niya. Gusto ko sanang itanong kung sinong kausap niya pero mas pinili ko na lang na manahimik. “That's impossible. I've been trying to get in touch with Christina for so long. She is not accepting local interviews, according to her manager,” sagot ni Steven. “That’s right. Local magazines don't appeal to her. But I've already provided them the topic and they will get back tomorrow. I’ll forward you the email. With their information, write an article,” Sir Alexander said. “Sure, will do that.” Akala ko pa naman ay aalis na siya pagkatapos nilang mag-usap ni Steven pero nag-stay pa siya. Hindi tuloy ako mapakali sa pwesto ko dahil nasa likuran ko lang talaga siya. Kahit na simple lang naman ‘tong ginagawa ko ay parang natatakot akong magkamali. Mabuti na lang din at nag-aayos lang ako ng portfolio kaya naman hindi takaw disgrasya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD