“We’re now closing the library. Please return all the books,” natigilan naman ako sa pagbabasa ng marinig ko ‘yong announcement. Saka ko lang napansin na anong oras na rin pala, hindi ko namalayan dahil masyado akong nalibang sa pagbabasa.
Mukhang kailangan kong pigilan ang sarili ko na pumunta rito tuwing lunch break, baka mamaya kasi ay hindi ako makabalik kaagad sa trabaho. Kapag nagbabasa pa naman ako ay hindi ko napapansin ‘yong paligid ko at hindi ko namamalayan ang takbo ng oras.
At dahil magsasara na rin ang library ay binalik ko na ang mga librong nakuha ko, natuwa rin naman ako sa pagbabasa kaya naman ayos na sa akin ‘yon. Bago pa ako tuluyang umalis ay nanghiram din ako ng ilang magazine na pwede kong basahin sa bahay.
Mabuti na nga lang at pwedeng manghiram ng libro o kaya naman magazine, basta ba ay may company ID ka lang. Magazines lang din ang hiniram ko dahil may mga libro naman ako sa bahay, kung sakali man na gusto kong magbasa ay dito na lang ako tatambay.
Mas natutuwa kasi akong magbasa kapag nasa library ako, hindi ko rin alam kung bakit pero siguro dahil mas maraming libro ang nakapaligid sa akin kaya gano’n. Marami-rami na rin naman na akong libro sa apartment, kaya lang ay iba talaga ang aura kapag nasa library ka mismo.
Pagkatapos kong makuha ‘yong mga magazine na hihiramin ko ay umalis na rin ako. Saka ko lang naramdaman din ang pagod at antok ng makalabas ako. Hindi ko na rin mabilang kung ilang beses akong napahikab habang naglalakad.
At dahil anong oras na rin naman na ay hindi na ako masyadong natagalan sa byahe kaya naman nakauwi rin ako agad. Sakto namang pag-akyat ko ay naka-receive ako ng message mula kay Hershey kaya naman nag-reply agad ako sa kanya.
Pagpasok ko sa loob ay mabilis akong nagbihis at dumiretso sa sala. Ang sabi kasi ni Hershey ay may tuturo siya sa akin kung gising pa ako kaya naman pumayag ako.
Inaantok na talaga ako pero kaya ko pa naman, isa pa ay magiging busy na rin kasi ulit si Hershey sa mga susunod na araw kaya naman gusto ko ring sulutin ‘tong araw na hindi pa siya busy. At saka sanay naman na ako sa puyatan kaya ayos lang din ‘to.
Maya-maya lang din ay tumawag na siya kaya naman sinagot ko ‘yon agad. Nagtataka pa ako ng makita ko siya dahil nakatakip ang mukha niya kaya naman ‘yong buhok at tainga niya lang ang kita ko.
“Anong ginagawa mo?” takang tanong ko sa kanya dahil hindi naman siya nagpapakita sa akin. Para tuloy siyang may pinagtataguan dahil sa ginagawa niya.
“Anong nakikita mo?” tanong niya at saka ipinakita ang kalahati ng mukha niya.
Hindi ko naman maiwasan na mapakunot ang noo ko dahil sa nakita ko. Paano ba naman kasi, ang kapal ng makeup niya. Well, hindi naman siya super kapal na pangit tignan, pero medyo makapal siya kumpara sa normal na ayos niya.
Masyado kasing red ‘yong lipstick na gamit niya, tapos ‘yong eyeshadow naman ay masyadong dark, may fake eyelashes nga rin siyang suot. Para tuloy siyang may pupuntahan na party o kaya naman club.
Pero kahit na gano’n ay hindi naman pangit tignan sa kanya, naninibago lang siguro ako dahil ngayon ko lang siyang nakita na gano’n kakapal ang makeup.
“Bagay naman sa’yo, kaya lang para kang pupunta ng club, eh ‘di ba may pasok ka pa mamaya?” takang tanong ko sa kanya.
Matapos ‘yon ay unti-unti na niyang inalis ‘yong nakatakip sa buong mukha niya kaya naman mas maayos ko nang nakikita ‘yong makeup niya. Mas lalo pa akong nagtaka dahil magkaiba ‘yong makeup niya sa magkabilang gilid ng mukha niya.
‘Yong nasa kanan kasi ay ‘yong makapal na para siyang pupunta ng club, habang ‘yong isa naman sa kaliwa ay ‘yong normal na ayos niya kapag papasok siya ng trabaho. At saka ko lang din napansin na magkaiba rin pala ang ayos ng buhok niya. ‘Yong sa kanan ay nakakulot habang straight naman sa kabila.
“Bakit gan’yan ang ayos mo?” I asked.
“Let me explain. As you can see, I applied party makeup on this side,” at saka iginilid niya ang mukha niya para makita kong mabuti ‘yong makeup. “And my everyday makeup look on this side,” at nagbago naman siya ng pwesto.
“And then?” tanong ko. Hindi ko pa kasi makuha kung ano ang gusto niyang iparating.
“You know, you can change your look by using makeup. Like, pwede kang maging mukhang party girl, w**********l, o kaya naman 'yong natural look lang. Means, you can change your makeup depending on occasion,” paliwanag niya. “Gets?”
“Yeah,” sagot ko naman at tumango-tango pa.
“And that is the power of makeup. Kaya nga kung mapapansin mo ‘yong iba hindi sila makalabas ng bahay hangga’t hindi sila nakakapag-makeup. Kaya rin nauso ‘yong ‘kilay is life,’” sabi niya pa. “At ang main agenda natin ngayon ay ikaw. Look at your face in the mirror.”
“Bakit? Anong problema sa mukha ko?” tanong ko sa kanya. Alam ko na wala pa ako sa kalingkingan ng ibang babae pero kuntento naman na ako sa mukha ko.
“Hey, 'wag mong masamain 'yong sinabi ko, 'kay? Ang ibig ko lang sabihin ay pagmasdan mo sa salamin 'yong sarili mo para makita mo kung anong makeup look ang babagay sa'yo.”
“Ayos lang, hindi naman ako na-offend,” I said. Hindi naman niya kailangan magpaliwanag dahil nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.
Sinunod ko naman ang sinabi niya at tinignang mabuti ang mukha ko sa salamin. Ang una kong napansin ay ang makapal kong salamin. Hindi naman sobrang labo ng mata ko pero kailangan ko pa rin magsalamin para makita ko ‘yong mga taong nakakasalubong ko.
“Alam mo, bet ko ‘yong skin mo, actually. Clear skin ka kasi. Kaya lang ay ang laki ng salamin mo kaya naman mas napapansin ‘yan kaysa sa mukha mo. At saka napansin ko, ang ganda ng mata mo kaya nga lang ay natatago rin sa salamin mo,” she said.
Napahawak tuloy ako sa mukha ko dahil sa sinabi niya. Bihira lang naman kasi akong tubuan ng pimples, kung mayro’n man ay isa o dalawa lang. Kapag gano’n kasi ay naghihilamos lang ako tapos kusa naman na silang nawawala pagkatapos lang ng ilang araw.
May nabasa kasi ako na mas okay kung hindi mo hahawakan masyado ang mukha mo para iwas pimples.
“Ang ganda rin ng lips mo, ang pinkish ng kulay. Pero mas okay kung maglalagay ka kahit ng lip balm lang para hindi siya maging dry. Bakit hindi mo subukang mag-makeup?”
“Pero ayokong mag-makeup,” pag-amin ko sa kanya.
“Bakit naman? Anong problema?”
“Pakiramdam ko kasi kapag nag-makeup ako magiging iba na ako. That I will change and won’t be able to recognize myself. I don't want to feel like I’m losing myself,” paliwanag ko sa kanya. Kahit nga no’ng debut ko at graduation ay hindi talaga ako nag-makeup.
“Hindi naman gano’n ‘yon. Mag-iiba lang ng kaunti itsura mo pero ikaw pa rin naman ‘yan. Also, makeup is simply a sort of professional decorum,” she said.
“Alam ko. Pero 'di ba mas mabuting maganda ang panloob ko kaysa sa panlabas? Kuntento na rin naman na ako sa ayos ko. Hindi kasing ganda kagaya ng sa iba pero ang mahalaga ay komportable ako,” nakangiting sabi ko pa sa kanya.
“Alam mo ba, akala ko talaga mag-re-resign ka na sa trabaho mo dahil sa mga nangyari. Kaya nga hangga’t kaya ko ni-pu-push kita para mag-stay ka pa.”
“Actually, ilang beses ko nang naisipan na mag-resign talaga, nagpasa pa nga ako ng resignation letter pero binawa ko rin naman agad. Ilang beses ko ring naisip na parang wala naman akong maaambag sa kompanya, na magiging pabuhat lang ako. Pero ayos na ako ngayon. Hindi ko na naiisip ang bagay na ‘yon.”
“Nice! That’s good to hear. Kung kuntento at masaya ka naman na sa sarili mo ay ayos na sa akin ‘yon. Nasanay na rin naman na ako sa’yo. At saka mas gusto ko rin na natural ka lang,” nakangiting sabi niya.
“Tama! Nonetheless, I'm not the kind of person who can rely on the beauty of my face to support myself. Ang maaasahan ko lang talaga ay ang kasipagan ko,” natatawang sabi ko pa.
Matapos ‘yon ay nag-kwentuhan pa kami, nawala na rin naman na ‘yong antok ko dahil natutuwa akong makipag-usap sa kanya. Sa susunod na linggo rin kasi ay baka bihira na lang kaming makapag-usap dahil may business trip siya.
Habang ako naman ay magiging busy na rin dahil sunod-sunod din ang mga naka-schedule namin na shoot. Hindi ko na rin alam kung anong oras kami natapos mag-usap, basta ang alam ko lang ay pakiramdam ko pumikit lang ako at pagdilat ko ay umaga na agad.
Kahit medyo inaantok pa ay kumilos na rin ako para maghanda papasok. Sanay na rin naman na akong ilang oras lang ang tulog. Idadaan ko na lang sa pag-inom ng kape ‘tong puyat ko.
-----
“Paris fashion week has always been a good opportunity for our models to be known. As these events influence the upcoming fashion trends for the current and approaching seasons,” Miss Carol said.
Kanina pa kami nasa meeting at nakakatuwa lang dahil ngayon ay nasasabayan ko na sila. Naiintindihan ko na rin ‘yong ibig nilang sabihin kaya naman hindi ko mapagilang mapangiti. Pakiramdam ko tuloy ako ay pinag-exam ako ng alam ko lahat ang sagot.
“Is there anything funny in the presentation?” Natigilan naman ako bigla at napaangat ng tingin.
At do’n ko lang napansin na nakatingin silang lahat sa akin lalo na si Sir Alexander.
Sa isip-isip ko ay parang gusto ko nang bugbugin ang sarili ko. Kung kailan nagiging okay na ang performance ko ay gumawa na naman ako ng panibago kong problema.
“None, Sir. I’m sorry. Natuwa lang po ako dahil nasusundan ko ‘yong meeting,” pag-amin ko. Napayuko na lang din ako dahil nahihiya ako sa kanila.
“Let’s end the meeting here. Please email the model proposal to me, Miss Carol,” saglit tuloy akong napaangat ng tingin para tignan ang reaksyon niya. “Have you guys been in touch with Josh?”
“Not yet, Sir,” sagot naman ni Steven.
“Let me know when you do,” maikling sabi niya at nauna nang umalis.
Parang ayaw ko na tuloy mag-angat ulit ng tingin dahil sa hiya. Nang dahil sa akin ay natapos kaagad ang meeting. Parang kasasabi ko lang no’ng nakaraan na nag-i-improve na ang performance ko, Pero ano na naman ‘tong nangyari ngayon.
“Cheska, it's okay. Masungit lang talaga si Sir Alexander,” wika ni Jessica.
“Parang lagi naman siyang masungit,” kumento pa ni Kathy kaya naman natawa ang ilan.
At dahil tapos naman na ang meeting ay lumabas na rin sila. Pero bago sila lumabas ay tinapik pa nila ako sa balikat, kaya naman kahit wala silang sabihin ay alam ko na kung ano ang gusto nilang iparating. At kagaya ng nakagawian ay ako lagi ang huling lumalabas.
Pero bago pa ako makalabas ay lumapit sa akin si Bryan kaya naman napasimangot ako sa kanya. “Bakit na lang ba lagi mo akong kinukulit tuwing pagkatapos ng meeting?”
“Gusto mo ba kulitin kita habang nasa meeting tayo?” pilosopong sagot naman niya kaya naman napabuntong hininga na lang ako.
“Pwede ba ‘wag mo muna akong kulitin ngayon. Ayoko munang makipag-usap sa’yo,” sabi ko sa kanya at lumabas na. Kaya lang ay nasa lahi ata niya ang pagiging makulit dahil sinundan niya pa rin ako.
Pasalamat talaga siya at hindi ako madaling mapikon kaya naman hindi ko siya pinapatulan. Kaya lang ay hindi ko mapigilang mainis dahil sa pangungulit niya. Kung pwede lang na itali siya sa upuan niya ay ginawa ko na kanina pa.
Hindi rin pati ako makapali pa ngayon dahil may ipapasa akong report maya-maya kay Sir Alexander. Tapos ko naman nang gawin ‘yon pero kailangan ko pa rin i-double check para masiguradong ayos ‘yong nagawa ko.
Actually, kanina ko pa talaga paulit-ulit na ni-check ‘yon pero need ko pa rin i-check ulit bago ko ipasa para lang sigurado na walang mali. Na-trauma na ata ako dahil ilang beses na akong nagkamali kaya naman gusto ko na maayos ang gawa ko. Halos isang oras na rin ata akong nag-che-check ng gawa ko.
Buti na lang din at tinigilan na ako ni Bryan kaya naman mas nakapag-focus ako sa ginagawa ko. Tingin ko ay ayos naman na ‘tong nagawa ko pero ni-check ko pa ulit ng ilang beses. Feeling ko tuloy ay makakabisado ko na ‘tong report na ginawa ko dahil ilang beses ko nang nabasa.
Pakiramdam ko ay maayos naman na ang gawa ko kaya naman dumiretso na ako sa opisina ni Sir Alexander para magpasa. Pero bago tuluyang pumasok sa loob ay huminga muna ako ng malalim. Ayoko pa sanang magpakita sa kanya dahil sa nangyari kanina pero kailangan ko kasi ‘tong mapasa ngayon kaya naman wala akong choice.