Nakauwi na ako’t lahat-lahat, hindi pa rin mawala sa isip ko ‘yong nangyari kanina. Sobrang nakakahiya. Mabuti na lang talaga at kaming tatlo lang ang tao ro’n kanina kaya naman walang ibang nakakita no’ng nangyari.
Ang nakakainis lang ay ‘yong pagtawa ni Bryan kaya naman ramdam ko na mas lalong nainis si Sir Alexander. Hindi rin ako nakapag-sorry ng maayos sa kanya dahil pagkatapos no’ng nangyari ay umalis din siya agad. Pagpunta ko kasi kanina sa opisina niya ay wala na siya ro’n.
Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya haharapin bukas. Sobrang nakakahiya ‘yong ginawa ko kanina. Hindi ko naman kasi sinasadya na mapatid ako at masampal siya ng mga papel. Kaunti lang naman ‘yong papel na hawak ko kanina kaya sigurado ako na hindi ‘yon masakit.
Pero ‘yong kahihiyan ay hindi basta-bastang mawawala. Kaya naman ngayon pa lang ay kailangan ko nang ihanda ang sarili ko dahil sigurado ako na malapit na akong mawalan ng trabaho. May pagka-clumsy talaga ako, kaya lang ay bakit kahapon ko pa pinairal ‘yon.
Kung pwede lang ibalik ang oras ay aayusin ko ang paglalakad ko kanina para sana hindi nangyari ang bagay na ‘yon. Nagiging maayos na pati ang performance ko sa trabaho nitong mga nakaraang araw, kaya lang ay nangyari pa ‘to kaya naman bawas points na naman ako, kainis.
At kaysa mag-overthink na naman ay ipapahinga ko na lang ‘to. Balak ko pa naman sanang mag-kape ngayong gabi pero saka na, mag-gatas na lang ako ngayon para mas madali rin akong makatulog. Ang technique ko lang naman para makalimutan ang mga iniisip ko ay ang maging busy.
Kaya itutuloy ko na ang ginagawa kong pagre-review. Bukod kasi kasi paggawa ro’n sa scrapbook, ang ginagawa ko rin ay nanonood ako ng mga fashion show online at sinusubukan kong alalahanin kung ano ‘yong mga damit at sapatos na suot nila.
Kapag gano’n kasi ang ginagawa ko ay mas napa-practice ako kaya naman mas madali ko rin naaalala ‘yong mga damit.
-----
“Ito na, Miss Carol. Ano po ba sa tingin niyo ang babagay na accessory sa damit?” tanong ko sa kanya sabay pakita ng mga dala kong accessories.
“A jewelry feature is what we're working on. You will just ruin the style by adding so many accessories,” she said. Tumingin naman siya sa damit na nasa mannequin na tila ba nag-iisip. “Hindi pwede ‘to, hindi okay ‘yong damit. Hindi siya babagay sa kahit anong jewelry.”
Pagkasabi pa lang niya no’n ay kumilos agad ako para kumuha ng damit na pwedeng pamalit. Ang nakalagay na damit kasi ngayon sa mannequin ay collared ribbed top at wrapover leather skirt. Iniisip ko, kung ang focus ay ang jewelry, tingin ko ay mas babagay na dapat dress ang gamitin.
Agad naman akong naghanap ng dress na pwedeng gamitin. May iilang magandang long dress akong nakita kaya lang ay mukhang hindi babagay kaya naman puro short skirt dress ang pinili ko at saka ipinakita kay Miss Carol para makapili siya ng kung ano ang mas bagay.
“What do you think about these dresses, Miss Carol?” tanong ko sa kanya sabay pakita ng mga hawak ko.
“It's too glitzy! Tignan mo ‘yong mga layers nitong dress, masyadong maraming beads. Ma-o-overshadow nito ‘yong jewelry. So this won’t do.”
“Hmm, how about the tassel dress?” suggestion ko. ‘Yong jewelry kasi na i-feature ay long drop earring at diamond ring. Kaya naman palagay ko ay babagay ang mga ‘yon sa tassel dress. Basta ba ay hindi gano’n ka extravagant tignan ‘yong dress ay paniguradong maganda ang kalalabasan.
“Okay, go! Find every kind of lace and tassel for me,” Miss Carol said.
Kinuha ko naman agad ‘yong tassel dress na nakita ko kanina, bukod pa ro’n ay naghanap pa ako ng iba pang dress na pwedeng gawing option. Hindi ko tuloy mapigilang ngumiti habang gumagawa dahil sa saya. Parang nakaka-proud lang dahil ngayon ay alam ko na kung anong tamang dress ang dapat kong kunin.
Pagkatapos kong makuha ang mga dress na natipuhan ko ay agad din akong lumapit kay Miss Carol para makapili rin siya kaagad. Nang makita niya ang mga dala ko ay nakapili rin siya kaagad. Ang pinili niya ay backless spaghetti strap, halter sequin fringe dress.
Napangiti tuloy ako dahil ‘yon din ‘yong nagustuhan ko na dress. Ang sexy kasi no’ng dress kaya naman sigurado ako na babagay talaga siya ro’n sa earrings. May maikling slit din sa gilid ‘yong dress at ‘yong sequins naman niya ay hindi gano’n takaw tingin.
Sunod ko namang kinuha ay ‘yong black high heels. Minimal lang ‘yong design niya so hindi masasapawan ‘yong dress at jewelries. Nang ipag-parehas ang damit at sapatos ay hindi na maalis ang ngiti sa labi ko dahil bagay na bagay talaga ‘yong mga napili ko.
“Are you done matching the clothes? If yes, let me see them.” Natigilan naman kami parehas ni Miss Carol ng may marinig kaming magsalita. Agad naman akong napatingin sa likod ko at nakita ko si Sir Alexander kaya naman gumilid agad ako para hindi ko matakpan ‘yong mannequin.
“We're considering using this,” Miss Carol said at saka ipinakita ng mabuti ‘yong damit. “Cheska is the one who came up with this idea,” dagdag niya pa kaya naman napangiti ulit ako.
Ewan ko ba pero bigla akong kinabahan ng mapatingin ako kay Sir Alexander. Kinakabahan ako dahil baka mamaya ay hindi niya magustuhan pero excited din ako at the same time dahil posibleng purihin niya ako dahil sa ginawa ko.
“Okay,” maikling sagot niya at saka bumalik na ulit sa opisina na.
Nawala tuloy agad ‘yong ngiti ko dahil sa sinabi niya. Akala ko pa naman ay magugustuhan niya dahil maganda naman ‘yong kinalabasan no’ng damit, nagustuhan nga rin ni Miss Carol ‘yong gawa ko. Mukhang napansin naman ni Miss Carol ang pagsimangot ko kaya naman nginitian niya ako.
“Don’t be bothered. I think it’s okay. It looks good,” nakangiting sabi niya pa kaya naman ngumiti na ulit ako. Simpleng salita lang talaga galing sa kanya nagbabago na agad ang mood ko. “Bihisan na natin siya,” tukoy niya pa sa mannequin.
Kumilos naman na agad ako at pinalitan ‘yong damit no’ng mannequin. Binilisan ko ang kilos ko dahil ngayon din gaganapin ‘yong photoshoot para rito kaya naman ayokong maging dahilan kung bakit maabala ang shoot. Nagpapa-good shot din kasi ako kay Sir Alexander kaya naman hindi pwedeng magkamali.
I think nagiging okay naman na ‘yong performance ko nitong mga nakaraang araw. Though hindi pa ako napupuri ni Sir Alexader, at least hindi ako napapagalitan. At saka satisfied din naman sina Miss Carol sa gawa ko kaya naman ayos na rin sa akin ‘yon.
Mabilis na lumipas ang oras at natapos din ang shoot namin ngayong araw. Kung sa Fashion Department madalas ang audition, dito naman ay madalas na may photoshoot. Kaya naman lagi rin talagang busy ang lahat, pero minsan naman ay lumuluwag ang gawain lalo na kapag walang shoot.
Paguran lang talaga kapag gano’n, pero kung puro paperwork lang naman ang gawain ay may oras na nakakapagpahinga kami. Kaya nga minsan ay sabay-sabay pa silang nakakapag-lunch, hindi lang ako sumasama pa dahil pakiramdam ko ay naiilang pa rin sila sa akin.
Napaunat ako dahil nararamdaman ko na ang sakit ng likod at braso ko. Pagkatapos kasi ng shoot kanina ay dumiretso agad ako rito sa pwesto ko para tapusin ‘yong isa ko pang gawain. Kaya naman ilang oras na rin akong nakaharap sa computer. Medyo sumasakit na nga rin ang mata ko dahil do’n.
Napatingin naman ako sa gilid ko at do’n ko lang napansin na wala na pala ‘yong iba at umuwi na. Hindi ko napansin ang pag-alis nila. Akala ko ay ako na lang ang mag-isa pero nandito pa rin si Miss Carol, mukhang may tinatapos pa siya.
Mabilis ko ring tinapos ang ginagawa ko para mapa-check ko rin sa kanya kaagad. Para kung sakaling may mali man ay maayos ko rin ngayon o kaya naman bukas. Para na rin hindi ako masyadong matambaka ng gawain bukas.
“Excuse me, Miss Carol,” tawag ko sa kanya. “Here’s the list of some models that I found in accordance to Selfesta's requirements. All of them have an experience and currently active,” paliwanag ko.
“Okay, not bad,” sabi niya pa habang tinitignan ang ginawa ko. “This looks great, you did well,” she said kaya naman napangiti ako.
“Thank you, Miss Carol,” I said. “Mauna na rin po ako,” paalam ko sa kanya. Anong oras na rin kasi at gusto ko na ring magpahinga, isa pa ay wala na rin naman na akong gagawin ngayon.
“Sure, thank you.” Hindi ko na rin siya inabala pa dahil mukhang busy siya kaya naman inayos ko na ang gamit ko. “Ah, Cheska. Favor please, bago ka umuwi pwedeng pakibalik itong mga magazines sa library? I still have some things to do.”
“Sige po, Miss Carol, ayos lang,” sagot ko at kinuha na ‘yong mga magazine sa kanya. Madadaanan ko rin naman ‘yong library pagbaba ko kaya naman ayos lang.
“Thank you,” she said at bumalik na sa ginagawa niya. At dahil naayos ko na rin ang mga gamit ko ay umalis na rin ako para hindi na ako maka-istorbo pa.
Pagbaba ko ay bukas pa naman ‘yong library. Mamayang gabi pa naman kasi ‘to magsasara at alas sais pa lang naman ng hapon kaya naman may mga tao pa sa loob. Pagpasok ko sa loob ay napansin ko kaagad ‘yong mga libro na nasa shelves.
Akala ko ay mga magazine lang ang naka-store rito kaya naman hindi ako pumupunta. Kung alam ko lang na may mga libro rin pala rito ay dito na sana ako tumatambay. Bakit ba kasi ngayon lang ako napadpad dito, pero sabagay busy din pala kasi kaya naman hindi ko nae-explore ‘tong kompanya.
Pagkatapos kong isauli ‘yong mga magazine ay hindi muna ako umalis kaagad dahil nagtingin-tingin pa ako. Natutuwa tuloy ako dahil karamihan sa mga paborito kong libro ay nandito. Parang biglang nawala ang pagod ko dahil sa mga libro kaya naman naisipan ko na mag-stay muna para magbasa.
Maaga pa naman at hindi pa naman ako inaantok kaya naman magbabasa muna ako. Nang makapili ako ng libro at bakanteng pwesto ay sinimulan ko nang magbasa ng ‘The Netanyahus’ na sinulat ni Joshua Cohen.