Habang papasok sa trabaho ay ramdam ko pa rin ang antok. Nakapag-kape naman na ako kanina bago ako umalis, kaya lang ay inaantok pa rin ako dahil nga anong oras na rin ako nakatulog. Pero mabuti na lang at hindi naman ako gano’n kapuyat kaya ayos lang din.
Mas maaga akong pumasok ngayong araw dahil ang aga ko rin namang nagising. Isa pa ay itutuloy ko rin ‘yong ginawa ko kagabi dahil hindi pa naman ako tapos. Mabuti nga at hindi ako nabo-bored habang ginagawa ‘tong scrapbook ko. Katunayan pa nga ay natutuwa ako dahil ang dami kong nadi-discover.
At dahil may trabaho pa ako ay tinutuloy ko lang siya kapag wala akong ginagawa para naman hindi masayang ang bakante kong oras. Sakto rin dahil nakakapagtanong-tanong ako sa iba lalo na kapag hindi rin sila busy at tinuturuan din naman nila ako.
Hanggang sa ilang araw at linggo na rin ang lumipas ay patuloy pa rin ako sa pagtapos sa scrapbook na ginagawa ko. Sobrang dami ko nang nalagay pero marami-rami pa rin akong madadagdag dahil masyadong malawak ang fashion industry.
Tinutulungan din naman ako ni Hershey kaya naman mas madali ko rin naiintindihan at natatandaan ‘yong mga dapat kong aralin. Bukod pa ro’n ay binabasa ko rin ‘yong mga article sa magazine kapag may time ako. Syempre, bukod kasi sa mga damit, accessories, makeup at kung ano-ano pa ay kailangan ko rin matutunan kung paano nila inaayos ‘yong mga article.
“Ayan! Okay na, tapos na,” excited na sabi ko kay Hershey sabay pakita ng nagawa ko. Magkausap kasi kami ngayon at kagaya no’ng mga nakaraang araw ay tinutulungan niya ako. Habang seryoso siyang nakatingin sa gawa ko ay medyo kinakabahan pa ako kasi baka mamaya ay mali ako.
“Hmm, not bad. Pero dapat pilian mo siya kung anong bagay na sapatos at accessories sa damit na ‘yan,” sabi pa niya kaya naman naghanap agad ako ng sapatos at accessories na pwede sa damit na napili ko. Ganitong practice kasi ang ginagawa namin.
Tuwing pagkauwi ko galing trabaho, imbes na magpahinga kaagad ay nag-uusap pa kami ng mga isa o dalawang oras para lang turuan niya ako. Last week kasi ay naturuan na niya ako ng mga dapat kong gawin kaya naman ngayon ay puro practice kami.
Kapag magkausap kami ay puro pictures ang pinagpa-practice-an ko dahil hindi naman gano’n karami ang damit ko. Pero kapag nasa trabaho naman ako ay ‘yong mga damit sa studio ang ginagamit ko, pinayagan din naman ako ni Miss Carol, basta ba ay wala akong masisira na damit at sapatos.
Kaya nga nakakatuwa kasi minsan kapag nag-uusap-usap sila ay nakakasabay na ako sa kanila dahil alam ko na ‘yong ibang term na ginagamit nila. At ang nakakatuwa lang din ay ilang araw na akong hindi napapagalitan. Hangga’t maaari kasi ay iniiwasan ko si Sir Alexander at successful naman ako dahil ilang araw ko na siyang hindi nakakasalubong.
Kinabukasan ay maaga rin akong pumasok para makapag-practice ulit ako kahit ilang oras lang. Lately kasi ay anong oras na rin dumadating sa opisina si Sir Alexander dahil iba’t ibang business meeting din ‘yong pinupuntahan niya kaya naman hindi ako napa-praning kumilos kapag umaga.
“Guys, look at this, this is the new fashion style this year,” narinig kong tawag ni Debb sa iba pagpasok ko.
Kapag ganito kasi na wala masyadong ginagawa ay madalas silang mag-usap-usap sa kung anong damit, bag o kung ano ang gusto nila. Kaya nga kahit hindi ako kasama sa usapan nila ay nakikinig pa rin ako para updated din ako sa kung ano ang uso na ngayon.
Kung dati ay hindi ako mahilig mag-check ng accounts ko sa social media, ngayon ay halos nakatambay na ako sa social media para lang makita kung ano ‘yong gusto ng mga tao rin ngayon o kung ano ang trending. Nabanggit din kasi sa akin ni Hershey before na dapat ay alam ko kung ano ang trend ngayon.
“Jessica, take a look at this. Isn't this the bag the female celebrity was carrying as she made her way down the red carpet?”
“Oo, ayan nga,” sagot naman nito. At nagpatuloy na nga ang kwentuhan nila tungkol sa mga bag. Pero hindi rin naman ako gano’n maka-relate dahil hindi naman ako masyadong mahilig sa bag. Bumibili nga lang ako ng bago kong bag kapag sira na ‘yong gamit ko.
Sayang naman kasi kung marami ‘yong bibilhin ko tapos hindi ko rin naman magagamit lahat. At saka mas prefer ko ‘yong mga mura lang na bag basta maayos at matibay. Kahit na minsan ay gusto kong makisali sa usapan nila ay nananahimik na lang ako sa pwesto ko.
Hindi rin naman kasi ako makaka-relate kung sakali dahil ayun nga, hindi ako madalas bumili ng bagong damit at bag, hindi kagaya nila na kapag may bagong labas ay bumibili sila. Minsan nga ay hindi ko maintindihan kung bakit kailangan pa nilang bumili ng bagong bag kung hindi naman nila gagamitin.
“Ang aga-aga nagku-kwentuhan agad kayo, anong mayro’n?” Saglit naman silang natigilan dahil kay Miss Carol. Kararating niya lang kaya naman napansin niya agad ang kumpulan nila Debb.
“Good morning, Miss Carol,” bati naman nila.
“We're discussing this brand-new bag design. Tignan mo, Miss Carol, isn't it something special? Ang unique ng design,” sabi pa ni Kathy at ipinakita rin kay Miss Carol ang kanina pa nilang pinag-uusapan. Na-curious din tuloy ako kung ano bang itsura no’ng bag kaya naman pa-simple akong nakisilip.
In fairness, ang ganda nga no’ng bag, kaya lang no’ng napatingin ako sa presyo no’ng bag ang ganda rin. Medium size lang ‘yong bag at minimal ‘yong design pero ‘yong presyo ay umabot ng mahigit two hundred thousand. Napailing na lang tuloy ako dahil parang nahilo ako sa presyo.
-----
“Oo nga. Sabi mo no’ng nakaraan na ay retro, pero nag-search ako and based sa internet, mas trendy ngayon 'yong mga maxi or mid length, metallic and bold colors, and low waists clothes,” I said.
“You know they are not simply a trend for this year. Ten years ago, that kind of clothes was actually quite popular. That how the market works, every year or decade, a new trend emerges,” Hershey said.
Magkausap kami ngayon dahil nanghihingi ako ng advice sa kanya. Mabuti na lang at free time niya kaya naman available siya. Lunch break din kasi namin kaya naman naisipan ko na kausapin siya ngayon dahil hindi rin kami makakapag-usap mamaya.
Sakto rin dahil may naabutan akong bakanteng space rito sa coffee shop kahit na lunch time.
Nakakahiya rin kasi kung lagi ko siyang maaabala kaya naman tumatawag lang ako sa kanya kapag available siya at walang ginagawa. Buti na lang talaga at ayos lang sa kanya, kaya nga sabi ko sa kanya ay ililibre ko talaga siya kapag nagkita ulit kami.
“It may not appear like anything has changed when you look at it in its totality. However, they frequently make adjustments to the details in accordance with what is currently trending,” dagdag niya pa. “Hey! 'Wag ka lang makinig sa akin, dapat isulat mo rin 'yong mga sinasabi ko dahil alam ko na malilimutin ka.”
“Oo naman, nagno-notes ako. Nag-record din ako in case na may ma-miss akong details,” sagot ko naman sa kanya. Akala niya siguro ay hindi ako nagno-notes dahil hindi kita sa screen ‘yong pinagsusulatan ko. Natawa na lang tuloy ako sa kanya.
Ilang saglit pa ay nagpaalam na rin siya dahil anong oras na rin naman na sa kanila. Marami-rami na rin naman na akong nalista kaya naman aaralin ko rin ang mga ‘to.
Hanggang sa makauwi ako ay patuloy pa rin ako sa pag-search kung ano ang mga trendy na damit ngayon. Habang nasa byahe nga ay hindi ko maiwasan na tignan ang suot ng mga nakakasabay ko. May dala talaga akong sasakyan kanina pero iniwan ko dahil nag-commute ako pauwi.
Mas okay din kasi kung magko-commute ako dahil pwede kong makita kung ano ang madalas suotin ng mga tao ngayon. Dati kasi ay hindi ko naman masyadong pinapansin ang nasa paligid ko, hindi rin naman ako madalas mag-online kaya naman hindi ko talaga alam kung anong mga uso ngayon.
Mukhang uso nga talaga ang mga skirt at something sexy na damitan ngayon. Nakita ko kasi sa magazine na binabasa ko kanina na halos pleated skirt, strapped accents clothes, underwear outerwear, hyper feminine, at kung ano-ano pang damit ang uso ngayon.
Matapos kong suriin ang suot ng mga kasabay ko sa train ay naglista ako. Light fabrics, subdued flashes of skin, and fun, celebratory hues are just a few of the summer fashion trends that people's swooning over.
Nabanggit din sa akin kanina ni Hershey na pwedeng ma-predict kung ano ang mga magiging fashion trends next year, kaya naman nag-notes din ako tungkol do’n.
Vibrant prints, sheer clothing, V-necks, and loose-fitting pants may make a comeback for the spring and summer of next year with a focus on layered denim, delicate crochet, and a dominant savanna-like color scheme. Currently, light colored clothing din kasi ang uso pa sa ngayon.
Matapos ang mahaba-habang byahe ay nakauwi rin ako. Ramdam ko na rin ang sakit ng katawan ko dahil sa dami ng nangyari. Medyo inaantok na rin ako pero imbes na matulog ay inuna ko muna ang pagbili sa online store. Sinabihan kasi ako ni Hershey na mag-practice mag-makeup.
Kaya naman ito ako ngayon at nag-oorder ng mga makeup. Naisip ko pa nga sana na mag-order ng silicon face na pwedeng pag-practice-an ko ng makeup kaya lang ay biglang nagbago ang isip ko habang nagtitingin online. Parang ang creepy kasi kung gano’n ang aayusan ko kaya naman ‘wag na lang.
Sayang lang talaga at wala rito si Hershey at Nicholai, wala tuloy akong pwedeng pag-practice-an, mahirap naman kung sa mukha ko dahil first time ko pa lang naman. Pero bahala na siguro, sa ngayon ay bibili muna ako ng makeup para ma-explore ko rin ‘yong ano mga gamit nila.
‘Yong iba kasi ay hindi ko alam kung paano gamitin kaya naman mas mabuti nang makita at masubukan ko muna. At pagkatapos ng makeup, siguro ay mga damit naman ang sunod kong bibilhin pero magtitingin-tingin na rin ako.
Pero ‘yong mga bibilhin ko ay hindi ‘yong mga branded dahil masyadong mahal. Hindi naman gano’n kalaki ‘yong sweldo ko at saka nag-iipon ako kaya naman kailangan magtipid. May mga mura naman na mabibili online o kaya naman sa mall. Magaganda rin naman ang quality ng mga gano’n.
-----
Hanggang sa hindi ko na rin namalayan na ilang linggo na ako rito sa Editorial Department. At sa ilang linggo ko ay nasasanay na rin ako sa araw-araw na dami ng gawain na kailangang tapusin. Medyo nakukuha ko na rin kung ano ang laging ginagawa sa department.
Hindi ko nga akalain na tatagal ako ng ganito dahil halos pasuko na rin ako no’ng una. Buti na lang talaga at nand’yan si Hershey para lagi akong tulungan. Kung hindi dahil sa kanya, baka matagal na akong nag-resign talaga. Pasalamat na lang din ako na may mabait akong kaibigan.
Lalo ko tuloy siyang na-miss. Ilang buwan lang din naman kasi kaming nagkasama rito sa kompanya, hindi pa nga kami madalas magkita dahil lagi silang may lakad ni Sir Alexander habang lagi naman akong nasa loob lang ng department namin.
Naalala ko tuloy kung bakit siya napunta sa US. Ang tagal nga bago niya na-kwento sa akin kung bakit siya biglang napunta sa US at kung bakit biglang naging Associate Director namin si Sir Alexander. No’ng una ay ilang beses ko pa siyang kinulit para lang mag-kwento, pero hindi naman niya sinasabi.
Kaya nga nagulat pa ako no’ng una dahil bigla na lang siyang nag-kwento. Pero kulang din naman kasi ‘yong mga sinabi niya kaya naman lalo lang akong na-curious. Parang mas mabuti na lang na hindi niya sinabi sa akin para hindi rin ako nago-overthink ng ganito.
Paano ba naman kasi, ang sabi niya lang sa akin ay kaya siya napunta sa US ay dahil kailangan niyang tuluyan ‘yong Executive Director ng isa pa sa mga kompanya nila Sir Alexander. Kumbaga, siya muna ang ang magiging secretary do’n lalo na at siya ang may alam ng mga mga ginagawa ni Sir Alexander dito.
At kaya naman napunta sa department namin si Sir Alexander ay dahil may kailangan siyang gawin. At no’ng tinanong ko kung ano ‘yon, ang sabi niya lang ay hindi niya alam. Ayan tuloy hindi ko maiwasang isipin kung ano ‘yong dapat niyang gawin dito.
Kaya ayoko ng ganito na may iniisip ako. Pinapahirapan ko lang ang sarili ko dahil sa pag-ooverthink, bukod pa ro’n ay ilang araw ‘tong gugulo sa isip ko at mahihirapan akong matulog dahil sa pag-iisip. Napabuntong hininga na lang tuloy ako.
“Hey, what’s up? Bakit may pag-buntong hininga? Anong nangyari?” sunod-sunod na tanong ni Bryan. Saglit lang akong napatingin sa kanya at bumalik na ang atenson ko sa ginagawa ko.
“Who said I have to be active every day?”
“Wala naman. Napansin ko lang na parang problemado ka ngayon,” sabi niya pa.
“Where are the files of the models? Are the files not yet been copied?” narinig kong tanong ni Sir Alexander kaya naman agad akong napatingin sa kanya. Agad ko naman kinuha ‘yong mga na-print ko ng kopya at saka lumapit sa pwesto niya para iabot.
Kaya lang ay ang malas ko ngayong araw dahil habang papalapit ako sa kanya ay napatid pa ako. Kaya naman ang nangyari ay nahampas ko siya sa mukha no’ng mga papel. Bigla tuloy akong na-estatwa sa pwesto ko dahil sa nangyari.
Gulat na gulat ako sa nangyari habang siya naman ay seryoso lang na nakatingin sa akin. Narinig ko pa nga ang mahinang pagtawa ni Bryan kaya naman lalo akong na-guilty sa nangyari.
“I’m S-sorry. Sorry, Sir Alexander, h-hindi ko po s-sinasadya,” kinakabahang sabi ko.