“Have you completed editing the proposal, Miss Carol?” tanong niya kay Miss Carol. At dahil hindi naman gano’n kalayo ang pwesto ko sa kanila ay naririnig ko ang usapan nila.
“Yes, I’m done. I’ll bring it to your office now.”
Matapos nilang umalis na dalawa ay saka lang ako umayos ng tayo. Naayos ko na rin naman na ‘yong mga bag at iba ko pang kailangan na ayusin kaya naman bumalik na ako sa pwesto ko. Wala rin naman kasi pa akong maitutulong kina Henry dahil wala pa ako masyadong alam sa mga damit.
Hindi ko naman kasi alam na may iba’t ibang tawag pa pala ‘yong mga design na ‘yon, akala ko paiba-iba lang talaga designs ng mga damit para may pagpipilian ka. Buti na lang din at hindi naabutan ni Sir Alexander na nagkamali ako ng bigay ng skirt.
Kapag nakita niya kasi ‘yon ay baka isipin niya na ang bobo kong tao dahil simpleng pleated midi skirt lang ay hindi ko pa alam. Isa pa, bukod sa damit ay hindi pa rin ako gano’n ka-pamilyar sa mga iba pang brand. Ang kilala ko lang ay ‘yong mga universally sikat, pero ‘yong iba pa ay hindi ko alam.
Pagbalik ko sa pwesto ko ay napatulala na lang din ako dahil sa pagod. Pagkaupo ko kasi saka ko lang naramdaman ‘yong sakit ng paa ko. Kanina pa rin naman kasi ako nakatayo at palakad-lakad dahil ang daming inaaasikaso. Pero ayos lang naman, at least may ginagawa ako kaya hindi ako napapaisip.
Kaya lang ngayon ay wala na akong ginagawa kaya naman naiisip ko na naman lahat ng mali ko. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang dami kong naging pagkakamali simula no’ng napunta ako rito. Sa dati ko namang department ay hindi naman ako napapagalitan, napupuri pa nga ako.
First time lang din naman kasi mangyari sa akin ‘yong ganitong halos araw-araw napapagalitan talaga kaya naman kahit hindi dapat ay dinadamdam ko ‘yong mga sinasabi ni Sir Alexander. Prangka lang talaga siya, gets ko na ‘yon, kaya lang syempre ‘truth hurts’ ‘di ba, kaya naman parang ang sakit sa puso.
“Hindi ka pa kumakain? Gusto mo sa’yo na lang ‘to?” sabi ni Bryan habang pinapakita ‘yong pastry na hawak niya. Wala na talaga akong lakas para makipagkulitan pa sa kanya kaya naman seryoso akong tumingin sa kanya.
“Bakit ba lagi mo akong kinakausap?” tanong ko. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit lagi niya akong kinukulit ng ganito. Dahil ba bago ako? O dahil madali akong kulitin? Madalas kasi na mangungulit siya ay kapag wala ako sa mood kaya naman naiinis ako.
“Bawal ka bang kausapin?” balik na tanong niya pa. “Sige na kainin mo na ‘yan,” sabi niya pa at nilagay sa harapan ko ‘yong tinapay.
At dahil pagod na talaga ako at ayoko nang humaba pa masyado ang usapan namin ay tinanggap ko na lang ‘yong binibigay niya at nagpasalamat. Pagkatapos no’n ay umalis na rin naman na siya at bumalik sa pwesto niya, hindi na rin naman siya nangulit hanggang sa mag-uwian.
Pagkauwi ko ay diretso higa kaagad ako dahil sobrang pagod talaga ako ngayong araw. Kanina pa rin kasi sumasakit ‘yong likod ko kaya naman ang sarap sa pakiramdam na mahiga na ako. Kanina ko pa nga rin gustong mahiga kaya lang ay parang ang bagal ng oras kapag hinihintay.
Saglit lang din ay nag-ring ang phone ko kaya dali-dali akong napatingin kung sino ‘yong tumatawag.
Akala ko pa kung sino, si Hershey lang pala. Minsan napapaisip na lang din ako kung nakakagawa ba siya ng trabaho niya, dahil tuwing umaga sa kanila ay lagi siyang tumatawag. Kaya naman ang nangyayari ay lagi kaming magkausap pagkauwi ko galing trabaho.
Sinagot ko naman ‘yong tawag niya pero nanatili akong nakahiga dahil masakit pa rin ang likod ko. Nang sagutin ko ang tawag ay nakita ko na nag-aayos siya ng makeup niya, mukhang may lakad pa siya mamaya dahil todo ayos siya sa sarili niya ngayon.
“Kumusta work? How have things been recently?” tanong niya kahit hindi naman siya sa akin nakatingin.
“Every day, I proofread articles, copy documents, hang clothes, move stuff, and organize all accessories. Ang dami kong ginagawa kaya naman I'm very busy,” sagot ko naman sa kanya. Puro gano’n pa lang naman ang pinapagawa sa akin dahil hindi pa ako masyadong pamilyar sa ibang ginagawa nila.
“Aside sa mga gan’yan, kumusta ka naman sa work mo? Nagi-improve ka naman ba?” tanong niya pa ulit. Napaisip tuloy ako kung nagi-improve ba ako, pero parang hindi naman kasi lagi pa rin naman akong napapagalitan ni Sir Alexander.
“They work is completely beyond my understanding,” sabi ko na lang sa kanya.
Sobrang iba kasi talaga ‘yong pinapagawa sa akin sa Fashion Department before kaya naman sobrang naninibago ako sa mga pinapagawa sa akin ngayon. Ang hirap lang din minsan ay wala akong mapagtanungan, kaya naman hindi ako sigurado kung tama ba mga ginagawa ko.
“How are you going to make it through that department if you don't understand anything?” napaisip din tuloy ako kung paano. Sa mga susunod na araw, kakayanin ko ba na araw-araw mapagalitan? Na araw-araw magkamali sa trabaho?
“Kaya nga hindi ako bagay sa department na ‘yon, dahil wala akong maintindihan,” sagot ko at napabuntong hininga na lang. Ilang araw pa lang ako pero ganito na agad, hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang magtagal do’n ng ilang buwan pa.
“Kung kailangan mo ng tulong, sabihan mo lang ako. Malay mo baka alam ko kung ano ang kailangan mo,” sabi niya pa kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. Habang nag-aayos siya ay may naalala ako kaya naman napaupo agad ako at muling humarap sa kanya.
Mukhang nagulat pa nga siya sa ginawa ko dahil saglit siyang napatingin sa akin, pero pakatapos no’n ay bumalik din siya sa pag-aayos ng makeup niya. Nakakainis, bakit ba kasi ngayon ko lang naalala na mahilig nga pala siyang mag-ayos at mag-makeup.
“Alam mo ba kung ano ‘yong lip and facial essence?” tanong ko sa kanya. Hindi naman kasi ako nagme-makeup, wala nga akong makeup dito sa apartment ko kaya naman hindi ko alam ang mga gano’n. Mabuti na lang talaga at siya ang marunong sa mga gan’yan kaya naman sa kanya na ako magtatanong.
“Generally, your skin will benefit from the anti-aging, brightening, and hydrating effects of essences. Many Korean skincare companies produce essences designed exclusively for acne. Products with elements like willow bark extracts and green tea extracts are proven to be effective for treating acne-prone skin.”
“Then, alam mo ba kung ano 'yong fresh botanical biotech?” tanong ko pa ulit.
“This is how fresh botanical biotech works,” panimula niya at pinakita sa akin ang face mask na hawak niya. “Face masks enable substances to permeate your skin more effectively and quickly.”
Hindi ko na masyadong maintindihan ‘yong ibang sinasabi niya pero mabuti na lang at nage-gets ko pa rin ‘yong pinaka-context ng gusto niyang sabihin. Buti na lang at may katabi akong notebook kaya naman habang nagsasalita siya ay nagno-note ako ng mga term na hindi ako pamilyar.
“Depending on the substances used and its intended application, the mask traps moisture or an ingredient in the skin to create a film that helps hydrate, moisturize, dry, or exfoliate the skin,” sabi niya pa. Hindi ko tuloy maiwasan na ma-amaze sa kanya dahil pakiramdam ko ay lahat alam niya.
“Ang galing. At saka paano mo nalaman ang mga bagay na ‘yan?” tanong ko ulit. Mukha naman kasing hindi related sa ganyan ang trabaho niya kay Sir Alexander dahil secretary siya nito. Pero hindi ko rin pala sure dahil baka mamaya ay gan’yan nga ang pinapagawa sa kanya.
“Ano ka ba? Halos lahat nga ata ng babae sa mundo alam ang mga bagay na ‘yan,” she said.
Kung gano’n ay tama nga ang sinabi kanina ni Sir Alexander na basic lang ang mga ‘yon. Pero bakit naman kasi hindi ko alam kung basic lang pala ang mga ‘yon. Sabagay, hindi nga rin pala kasi ako gumagamit nang mga gano’n, hindi nga ako nadadaan sa mga skin care shops kaya hindi ko rin alam.
Alam ko naman ‘yong paano gamitin ‘yong eyeshadow, mascara, face powder, face mask, at ‘yong iba pa. Kaya lang ay hindi ko alam ‘yong mga ingredients na ginagamit sa kanila kasi nga ay hindi naman ako gumagamit ng gano’n. Pakiramdam ko tuloy ay kinder ako na tinuturan mag-kabisado ng alphabet.
“You're working hard by employing the fashion department's strategy. It makes sense that the Editorial Department cannot notice your hard work. Ang kailangan nila ay ka-trabaho, hindi utuasan.”
“I put in a lot of effort, but I can't work as hard as they can. I can barely understand what they're saying.”
“Ask yourself, nag-effort ka ba talaga nang malipat ka sa department na ‘yan? Do you really work hard for that department before?”
“Oo naman! Hindi man ako kasing galing nila pero ginagawa ko naman ang best ko sa lahat ng task na binibigay nila sa akin. ‘Yon nga lang ay hindi ako magiging kasing galing nila na ‘yon talaga ang gustong gawin. Nalipat lang naman kasi ako kaya ako nasa department na ‘yon.”
“Aside sa palaging maging conscious kay Sir Alexander, sinubukan mo ba na intindihin at aralin ‘yong mga ginagawa nila? Did you even try to do what they did? Or you just blame them for just acting against you despite having made no effort to understand their department?”
Dahil sa mga sinabi niya ay saka ko lang na-realize na wala nga akong masyadong ginawa para maintindihan ’yong mga ginagawa sa Editorial Department. Lagi kong sinasabi na aaralin kong mabuti ang magazine at kung ano pa ang ginagawa nila pero hindi ko rin naman nagagawa.
Mukhang tama na naman si Sir Alexander na I didn’t really work hard. Kasi kung ginagawa ko talaga ang best ko ay dapat marami na akong alam, kaya lang ay hanggang ngayon ay wala pa rin. Napagagalitan pa rin ako dahil mali ang mga nagagawa ko.
Naiinis pa ako kay Sir Alexander dahil sa mga sinabi niya sa akin, pero all this time ay siya naman pala ang tama at ako ang mali. Naiinis tuloy ako sa sarili ko dahil ang lakas pa ng loob ko na magsabi na papatunayan ko na mali siya pero ano ‘tong realizations ko ngayon?
Napabuntong hininga na lang tuloy ako dahil do’n. Mabuti na lang din talaga at nand’yan si Hershey para sabihin sa akin kung ano ‘yong mga bagay na hindi ko napapansin. Kahit na parang naiinis na siya sa akin kanina ay hindi naman ako nao-offend dahil alam ko na para rin sa akin ‘yong sinasabi niya.
“Oh, ano pang hinihintay mo? Pasko? New Year? Sige na, simulan mo nang aralin ‘yong tungkol sa department niyo habang maaga pa, anong oras pa lang naman d’yan sa inyo,” sabi niya pa kaya naman napatingin ako sa orasan. “Mauna na rin ako dahil may pupuntahan pa ako.”
Matapos ‘yon ay nagpaalam na rin kami sa isa’t isa. At dahil nga maaga pa lang naman ay inayos ko na sa sala ‘yong mga magazine na nahiram ko before. Buti na lang din at extra copy ang mga ‘yon kaya naman kahit gupitin o sulatan ko ay ayos lang.
“Since things are as they are, I should put in my best effort as well,” I said. Nag-inat lang ako sandali at saka nagsimula na rin agad. Medyo marami ‘yong mga magazine kaya naman inayos ko muna sila per issue. May ibang magazine kasi na halos parehas ng theme kaya naman pinagsama-sama ko ang mga ‘yon.
Ang una kong inaral ay ‘yong mga damit dahil ‘yon ang madalas na i-assign sa akin. Para naman kapag nautusan ulit ako na kumuha ng damit ay alam ko na kung ano ang kukunin ko. Medyo marami-rami nga ang mga ‘to pero kailangan kong gawin para sa sarili ko.
Pagkatapos kong isa-isahing ilista ‘yong iba’t ibang brands ng damit ay sunod ko naman na ginawa ay ‘yong iba’t ibang design. Buti na lang talaga at may mga solo picture ng damit sa magazine kaya naman ginupit ko ang mga ‘yon at saka dinikit sa notebook ko.
Mas madali ko rin kasing matatandaan ‘yong damit kapag alam ko ‘yong design at nakikita ko. Naglagay na rin ako ng brief description para naman kapag nakalimutan ko ay may notes ako. Pakiramdam ko tuloy ay bumalik ako sa pagiging high school na kailangang gumawa ng portfolio para sa requirements.
No’ng high school kasi ako, lagi kasi may pinapagawang portfolio ‘yong mga teachers namin kaya naman ang dami-dami ko lagign scrap book na ginagawa. Pero mabuti na lang talaga at masipag akong gumawa ng mga gano’n kaya naman easy na lang sa akin ang ganito.
Mas gusto ko rin kasi na ganito ang ginagawa dahil kumpleto na sa details, may pictures at description. Kaysa naman magse-search pa ako sa online, hindi naman laging pwede na mag-cellphone sa work dahil baka isipin nila na wala akong ginagawang trabaho.
Medyo ma-trabaho lang talaga ‘tong ginagawa ko pero okay na rin dahil mas madali kong maaaral ‘yon mga dapat kong matutunan. Nagiging pamilyar na rin sa akin ‘yong ibang damit dahil madali lang naman tandaan. Pagkatapos ‘yon ay sunod ko naman na ginawa ‘yong para sa mga makeup at skin care products.
Marami-rami rin ang isang ‘to kaya naman puro gupit ako ng mga pictures. Habang gumagawa ay nakita ko ‘yong mga pictures na nagupit ko na. Akala ko pa naman medyo may alam na ako sa mga makeup at skin care products dahil madalas kong makita, pero hindi rin pala.
Biglang may mga bagong makeup at skin care products kasi akong nakikita na hindi ko naman alam before. Kung gano’n ay sobrang lawak pala talaga ng fashion and beauty. Bukod kasi rito sa mga damit at makeups ay may mga accessories din, bags, and shoes.
Ang dami pa rin pala talaga. At dahil sigurado naman ako na hindi ko ‘to matatapos agad ay ginawa ko na lang kung ano ‘yong mga magagawa ko tapos ‘yong iba ay sa susunod na araw ko na lang gagawin. Naggupit na lang din muna ako nang nanggupit para kahit sa work ay pwede ko siyang matuloy.
Hindi ko alam kung gaano katagal na ako sa pwesto ko dahil kahit inaantok na ay tinutuloy ko pa rin ang paggawa. Hanggang sa magising na lang ako na ang daming nakadikit sa mukha ko na papel. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pwesto ko kagabi.