Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin natatapos ayusin 'yong minutes of meeting kanina. May ibang details kasi akong hindi nakuha kanina dahil hindi ko naintindihan. 'Yon pa naman 'yong mga importante kaya naman hindi ko matapos-tapos 'to para mapasa ko na rin agad.
Sakto naman at napadaan sa harap ko si Steven kaya naman agad akong lumapit sa kanya para magpatulong. Hindi ko kasi talaga matandaan ‘yong iba pang sinabi sa meeting kanina. “Steven, excuse me, why does this portion—“ hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko dahil nagsalita na agad siya.
“Why are you still walking around here with a laptop in hand? Kapag nakita ka ni Sir Alexander na palakad-lakad paniguradong mapapagalitan ka na naman no’n,” sabi niya pa at umalis na rin agad.
Sunod na nilapitan ko naman si Debb na nasa harapan ko lang. “Earlier in the meeting, Debb, what is that thing they were referring to earlier?” tanong ko sa kanya pero bigla na lang din siyang umalis at dumiretso sa pwesto ni Henry.
Napakamot na lang tuloy ako sa ulo ko dahil wala akong mapagtanungan. Sabi pa naman ni Sir Alexander ay i-send sa kanya ‘to kaagad. Kaya lang ay ilang minuto na ang nakalilipas pero hindi pa rin ako tapos. Hindi ko naman ‘to pwedeng i-send ng ganito lang dahil mapapagalitan ako.
“Kathy, what does that thing about the backdrop they mentioned earlier?” tanong ko naman kay Kathy. Sana lang ay matulungan niya ako dahil hindi ko talaga alam kung ano ang ilalagay ko.
“I'm sorry, but I'm too busy. You do an internet search for it,’ sagot niya kaya naman bumalik na lang ako sa pwesto ko. Parang gusto ko na lang maiyak dahil hindi ko nga alam kung ano ‘yong se-search ko kaya naman wala ring matutulong sa akin kung mag-search pa ako sa online.
“Hi Cheska, do you have time?” tanong ni Jessica kaya naman napatingin ako sa kanya. Sakto naman at lumapit siya kaya naman tumayo ako agad at ipinakita sa kanya ang laptop kaya lang ay may inabot siya sa aking papel. “Kung hindi ka masyadong busy, pwede bang pa-proofread ako nito?”
“Okay,” sagot ko at saka kinuha ‘yong papel. Inilapag ko lang sa mesa sandali ‘yong papel para sana magtanong sa kanya, kaya lang pagtingin ko sa likuran ko ay nakaalis na siya.
Nagulo ko na lang ang buhok ko dahil wala talaga akong mapagtanungan ng maayos. Bahala na. Aayusin ko na lang ‘to base sa kung anong narinig ko kanina. Dapat pala kasi ay nag-record ako kanina para naman pwede kong mapakinggan ulit ‘yong meeting.
Nakakaloka naman kasi, ‘yong mga term na ginamit nila kanina ay hindi pamilyar sa akin kaya naman hindi ko talaga maalala ‘yong mga sinabi ni Miss Carol kanina. Kaya naman tinapos ko na ‘yong minutes of meeting base sa kung anong alam at natatandaan ko.
Pagkatapos kong gawin ‘yon ay dumiretso na ako sa opisina ni Sir Alexander para ipasa ‘yon. Pakiramdam ko ay mapapagalitan ako kaya naman hinanda ko na ang sarili ko para naman kapag nagsalita na siya ay hindi ako masyadong masaktan at madali kong matanggap.
“After you had completed writing, did you proofread it?” tanong niya kaya naman napailing ako. “Are you treating your work in this manner? Who can comprehend it?” dagdag niya pa. Nagmamadali kasi ako kanina dahil ang tagal ko ng hindi nagpapasa kaya naman hindi ko nan a-proofread ‘yong gawa ko.
“Sorry, Sir. May ibang terms kasi akong hindi maintindihan,” pag-amin ko. Wala rin naman kasing mangyayari kung magsisinungaling ako, baka mas lalo pa akong mapagalitan.
“How did you end up working here? Do you have a supporter? A backer?”
Kahit na medyo na-offend sa tanong niya ay sumagot na lang din ako. “No, to get in here, I had to go through the selection procedure and pass the interview.”
“So how can you be this awful? You don't even know the fundamental terms,” naiinis na sabi niya pa.
“As I was told you before, galing po ako sa Fashion Department,” sabi ko pa sa kanya. Baka lang kasi makalimutan niya. Iba naman kasi ‘yong mga ginagawa namin do’n kaya naman sobrang nanibago ako rito.
“So sa tingin mo magiging ayos lang ang lahat dahil do’n?” tanong niya kaya lang ay hindi rin ako nakasagot. “Thus, it is understandable why you perform poorly. Do you intend to return to the Fashion Department in a few months?”
“That's not what I meant at all. I was referring to how drastically different the work is in these two departments. The time is also very limited. There isn't enough time for me to make better preparations.”
“Don't do it then. Don't waste my time, leave. Use your full potential if you want to stay here, and stop giving me such a mess to read if you don't,” diretsang sabi niya pa.
Ilang segundo pa akong natigilan dahil sa sinabi niya bago ko kinuha ‘yong pinasa ko at umalis na. Paglabas ko ng opisina niya ay saka ko lang na-realize na hindi ata lilipas ang isang araw ng hindi niya ako napapagalitan. Nakakainis lang din dahil nakuha ko pang magdahilan imbes na tanggapin ang sinasabi niya.
Habang pabalik sa pwesto ko ay hindi ko napansin na may tao pala sa harapan ko kaya naman bahagya ko siyang nabangga. Nagulat pa nga ako dahil si Miss Carol pa ‘yong nabangga ko. Dali-dali naman akong nag-sorry sa kanya at tinanggap naman niya ‘yon.
“Ayos ka lang ba? May problema ba?” tanong niya pa sa akin. Pero mukhang kahit hindi ko na sabihin ay alam na niya kung ano ang dahilan kung bakit ako ganito. “Failure is the beginning of all improvements, right? If you are aware of your weaknesses, you may begin to improve.”
Napangiti naman tuloy ako sa sinabi niya. Wala kasi kanina si Miss Carol kaya naman hindi ako nakapagtanong sa kanya. Pero ayos lang din naman, dahil na-realize ko na hindi siya laging nand’yan para tulungan at saluhin ako.
“Hindi ka pwedeng umiyak, sigurado ako na pagtatawanan at aasarin ka nila kapag nakita ka nilang umiiyak,” natatawang sabi niya pa kaya naman natawa na lang din. Matapos ‘yon ay bumalik na rin ako sa pwesto ko dahil may mga kailangan pa akong gawin.
“Cheska, did you finish the one I asked you to proofread?” tanong ni Jessica kaya naman napatingin ako sa folder na inabot niya sa akin kanina. Hindi ko pa pala ‘to nagagawa.
“I’m sorry, I was a bit preoccupied at the time. Galing kasi ako sa opisina ni Sir Alexander kaya naman hindi ko naasikaso kaagad ‘tong pinapagawa mo. Akala ko pa kung anong gagawin niya, ‘yon pala ay kukunin niya lang sa akin ‘yong folder.
“Nevermind. Tulungan mo na lang si Henry do’n, now na,” sabi niya pa kaya naman umalis na rin ako agad para tulungan sina Henry. Paglapit ko sa pwesto nila ay do’n ko lang napansin ang tambak ng damit na kailangan ayusin. Imbes na umangal ay dumiretso na lang ako sa kanila para tumulong.
Sa susunod na araw kasi ay magkakaro’n ulit kami ng shoot kaya naman ngayon pa lang ay inaayos na namin ‘yong mga props, accessories, at damit na kailangan gamitin. Para kung sakaling may mga nasira o kaya kulang ay maayos agad namin.
Hindi ko na rin naman na nakita pa si Sir Alexander dahil buong araw siyang nasa opisina niya, habang abala na rin naman na kami sa pag-aasikaso ng mga damit kaya naman nawala rin sa isip ko kahit papano ‘yong nangyari kanina.
Hindi ko na mabilang kung ilang oras na kaming nag-aayos dito hanggang sa makaramdam ako ng gutom. At dahil abala ang lahat ay wala na kaming oras para bumaba pa para kumain. Kaya naman nag-volunteer na ako na lang ang bibili ng lunch namin.
Kaya lang ay ayaw pa nilang mag-lunch kaya naman sabi nila ay snacks na lang. Ang gagawin ko sana ay ihahanda ko na lang ‘yong nasa snack room kaya lang ay wala na rin palang stock, mukhang bukas pa ulit malalagyan ‘yong pantry.
Mabuti na lang at may malapit din na convenient store rito kaya naman hindi ako matatagalan bumili. Pinalista ko na rin kasi ‘yong mga gusto nilang bilhin para hindi ako malito at para mabilis ko rin ‘yon mabili, lalo na at marami-rami ang mga ‘yon.
Pagkababa ko ay dumiretso agad ako sa convenient store para isa-isahin nang bilhin ‘yong pagkain nila. Akala ko talaga ay saglit lang ako pero dahil nga marami ang pinabili nila ay inabot pa ako ng mahigit kalahating oras, kaya naman nagmamadali na rin ako pabalik.
Pagkaakyat ko ay binigay ko na rin sa kanila ang mga pagkain nila kaya naman bumalik na rin ako sa ginagawa ko. Hindi pa naman ako nagugutom kaya mamaya na lang ako kakain. Habang inaayos ‘yong ibang bag ay napatingin naman ako sa pwesto nila Miss Carol dahil may inaayusa sila na mannequin.
“You shouldn't dress your model in all the vogue aspects at once. Understand?” rinig kong sabi niya kaya naman napatingin ako sa damit no’n. “For the bottom, what do you think we should use, Henry?”
“Parang mas bagay sa kanya ang shorts o kaya naman ay miniskirt,” sagot naman niya kaya naman in-imagine ko ‘yong ayos ng damit na sinasabi niya. Okay naman ‘yong suggestion niya, kaya lang tingin ko may mas babagay sa croptop na damit ng mannequin ay skirt.
“Hmm, I think it would look best with a pleated midi skirt,” sabi naman ni Miss Carol. “Cheska, bring that Chiffon’s pleated midi skirt,” sabi niya pa. Kaya lang ay hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. Wala naman kasing kulay chiffon dito.
Isa pa ay hindi ko alam kung ano ang itsura ng pleated midi skirt, hindi ko nga alam na may gano’ng skirt pala. Kaya naman kinuha ko na lang ‘yong sa tingin ko na sakto as pleated midi skirt. At dahil hindi nga ako sigurado ay nasa limang palda ang dinala ko sa kanila.
“Oh! Hindi ‘yan, Cheska,” medyo gulat pa na sabi ni Miss Carol kaya naman bahagya akong napayuko dahil sa hiya. Ang dami ko pang kinuha pero puro mali pala. “Debb, pakuha naman no’ng Chiffon’s pleated midi skirt, please. Thanks!”
At ilang segundo lang ay lumapit na rin si Debb na may dala-dalang itim na palda. Kung gano’n ay brand pala ‘yong tinutukoy nila na Chiffon, akala ko pa naman ay kulay no’ng skirt.
Pagtalikod ko ay napansin ko na papalapit sa pwesto namin si Sir Alexander kaya naman mabilis akong dumiretso sa likuran, malayo sa pwesto niya. Mukhang napansin niya pa ako dahil napatingin siya sa akin.