Chapter 33

2390 Words
Hanggang sa makauwi ako ay iniisip ko pa rin ‘yong mga nangyari kanina. Una ‘yong pagsagot ko kay Sir Alexander. Harap-harapan pa ‘yon kaya naman sobrang nakakahiya dahil pakiramdam ko ay nabastos ko siya, kahit na sinasabi ko lang naman ‘yong mga hinaing ko sa kanya. At pangalawa ay ‘yong ni-backstab ko siya, at sa harap pa ng ka-team namin. Nakakainis naman kasi talaga ‘yong ginawa niya kanina, kaya siguro ay napikon din ako at hindi ko na napigilan sabihin ang lahat ng nasa isip ko. Ang malas ko lang talaga dahil nahuli niya ako. “Cheska,” narinig kong tawag sa akin ng kausap ko pero hindi ko siya pinansin dahil iniisip ko pa rin ‘yong mga nangyari ngayong araw. Parang kanina lang ay handa na akong mag-resign, pero binawi ko pa. Kung nakita sana ng chief editor ‘yong resignation letter ko ay baka wala na ako bukas, pero kung nangyari rin ‘yon ay baka isipin ni Sir Alexander na mahina ako. Na hindi ko kaya ‘yong pressure ng trabaho. “Cheska!” this time ay napatingin na ako sa kanya dahil sa pagkagulat. Bigla-bigla ba naman kasi siyang sumisigaw, akala mo ay napakalayo ng kausap niya. Well, malayo naman talaga kami sa isa’t isa dahil nasa US siya habang nandito ako sa Pilipinas. Tuluyan naman akong humarap sa kanya dahil baka tuluyan nang ma-imbyerna sa akin ang babae na ‘to. Kanina kasing pagkauwi ko ay tumawag siya, pero hanggang ngayon ay hindi naman niya sinasabi kung bakit siya napatawag, kaya naman parehas kaming tahimik lang. “Bakit? Ano ba ‘yon?” tanong ko sa kanya. Kanina rin kasi ay tinatanong ko siya kung bakit siya napatawag pero sabi niya ay mamaya na lang. Pero ilang minuto na rin ang lumipas ay hindi naman siya nagsasalita kaya naman naalala ko ‘yong kahihiyan na ginawa ko kanina. “Kanina ka pa kasi nakatulala. Ano bang problema? May nangyari ba?” sunod-sunod na tanong niya pa kaya naman umayos ako ng pagkakaupo at saka muling humarap sa kanya. Mukhang ready na rin naman na siyang makinig sa akin dahil umayos din siya ng pwesto. “Hindi magandang pangyayari,” nasabi ko na lang sa kanya sabay subo ng pizza dahil bigla akong nagutom. Mabuti na lang at may natira pa akong pizza kaya naman hindi ko na kailangan magluto ng pagkain ko. Wala pa naman ako sa mood kumilos ngayon. “And what is that?” tanong niya pa kaya naman muli akong humarap sa kanya. “Sinasabi ko sa’yo, I will totally change Sir Alexander's perception of me.” “Ano nga kasi ang nangyari?” “I was about to quit, but I decided not to continue. Ibibigay ko talaga ang hundred percent best ko para mas galingan at sipagan pa sa trabaho. I will make sure that I'm going to excel and become the team's best employee.” “Tama! I support your decision not to quit and don’t give up. Pero ano nga muna ang nangyari ngayong araw? Kanina ka pa nagsasalita pero hindi mo naman kinu-kwento ang nangyari,” inis na sabi niya pa. “Kasalanan talaga ‘to ni Sir Alexander.” “Okay, pang-limang tanong ko na ‘to, anong nangyari? Kwento mo naman girl para nakaka-relate ako sa’yo,” sabi niya pa pero hindi ko masyadong pinansin ‘yon. “I put in a lot of effort at work. Why does he treat me in this way? Naging boss mo siya ‘di ba? Paki-explain nga bakit gano’n siya,” sabi ko pa at napasabunot na lang sa sarili ko. “Nakakainis lang dahil lagi siyang may sagot sa mga sinasabi ko, ayaw niyang magpatalo.” “Mabait naman siya. Masungit lang naman minsan si sir kapag pagod, pero lagi naman siyang kalmado.” Napatingin tuloy ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Kalmado? Maiintindihan ko pa ‘yon, pero ‘yong mabait at masungit minsan? No! Lagi kaya siyang masungit at ang sakit-sakit niya kayang magsalita. Wala man lang filter ‘yong mga sinasabi niya. “Kung gano'n ay nagkakamali ka, kaya naman makinig kang mabuti sa sasabihin ko. You have no idea how bad his temper is. It's awful,” sabi ko pa sa kanya. Hindi ko alam kung ilang oras pa kaming nag-usap hanggang sa naisipan na naming magpahinga dahil inaantok na rin ako. Maaga pa kasi ang pasok ko bukas kaya naman kailangan ko na rin matulog. Baka kasi kapag na-late ako ay kung ano na naman ang sabihin ni Sir Alexander. Pagkatapos kong linisin ‘yong mga kalat ko ay dumiretso na rin ako sa kwarto para magpahinga. Pero nagcheck muna ako ng cellphone ko kung may importante ba na text or email, pero wala naman kaya nahiga na rin ako. At dahil pagod at inaantok na rin naman na ako ay nakatulog din ako kaagad. Kinabukasan ay maaga rin akong nagising dahil pagkatunog ng alarm ko ay bumangon na rin ako agad. Hindi gano’n kahaba ang tulog ko pero sapat naman na ‘yon para makapagpahinga ako. Kaya lang ay hindi ko alam kung bakit parang pagod pa rin ako kahit na hindi pa naman ako pumapasok. Parang gusto ko tuloy um-absent, kaya lang ay marami-rami rin ang gagawin ngayong araw kaya naman hindi pwede. Kahit ayaw kong pumasok at tinatamad akong kumilos ay nagsimula na akong mag-asikaso. Wala rin naman akong magagawa dahil kailangan kong pumasok sa trabaho. Nasa tapat na ako ng kompanya, kaya lang ay hindi ko magawang pumasok kaagad. Napapatingin pa lang ako sa entrance ay parang gusto ko nang umuwi kaagad. Tapos ang lakas pa ng loob ko na sabihin kagabi na papatunayan ko ang sarili ko at magiging best employee ako. Pero ano ‘to, Cheska? Simpleng pagpasok lang sa trabaho ay hindi ko pa magawa. Para tuloy akong tanga dahil pabalik-balik ako sa pwesto ko. Kaya lang ay parang hindi ko talaga kayang pumasok ngayong araw. Hindi pa talaga ako handa na makita ulit si Sir Alexander. “Hoy!” nagulat pa ako dahil biglang may humawak sa braso ko. Inis tuloy akong napatingin kay Bryan. Umagang-umaga ay gusto na niya agad sirain ang araw ko. “Anong ginagawa mo kanina ka pa pabalik-balik sa pwesto mo?” “Wala. Pumasok ka na,” sabi ko sa kanya at hindi ko na siya pinansin pa ulit. Kaya lang ay makulit talaga siya kaya naman hindi pa rin niya ako tinantanan. At dahil wala talaga ako sa mood ngayon ay hindi ko siya tinapunan ng tingin. “Oh, sa’yo na lang,” sabi niya kaya naman napatingin ako sa inaabot niya. Akala ko kung ano ‘yong binibigay pero fortune cookie pala ‘yon. Nagtataka tuloy akong napatingin sa kanya. “Kunin mo na.” Wala naman na akong nagawa kaya kinuha ko na. Pagkatapos ay binuksan ko na rin para makita kung ano ang nakasulat sa papel. Nakaabang lang naman siya sa ginagawa ko kaya hinati ko sa gitna ‘yong cookie. Kapag hindi talaga maganda ang nakalagay dito ay ako naman ang araw-araw na mangungulit sa kanya. Habang binubuksan ko ‘yong cookie ay medyo kinakabahan pa ako. Hindi talaga ako naniniwala sa mga ganito pero pakiramdam ko ay kung ano ang nakalagay dito ay mangyayari talaga. Nakita ko na ‘yong papel kaya naman dahn-dahan kong sinilip kung ano ang nakasulat, hanggang sa mabasa ko ang mga katagang, “you will be lucky today.” Kaya naman nakangiti akong napatingin kay Bryan. Napa-apir pa nga ako sa kanya dahil sa sobrang tuwa. Parang bigla tuloy akong nabuhayan dahil pakiramdam ko rin talaga ay may magandang mangyayari ngayong araw. Bigla tuloy nagbago ang mood ko dahil sa fortune cookie na ‘yon. May mabuting dulot din naman pala ‘tong si Bryan, akala ko ay puro pangungulit lang ang alam niya. “Ano pang hinihintay mo? Tara na, baka ma-late pa tayo,” masayang sabi ko sa kanya at nauna nang pumasok sa loob. Hanggang sa makarating sa opisina ay ang lawak-lawak pa rin ng ngiti ko. Binati ko pa nga sila isa-isa ng good morning dahil good talaga ang morning ko ngayon. Kaya lang ay ilang minuto pa lang ang nakalilipas simula ng makaupo ako ay dumating na si Sir Alexander. “We will have a meeting in ten minutes,” sabi niya. Hindi niya man lang kami tinignan at dumiretso na rin siya agad papasok sa opisina niya. At dahil saglit lang din ay magsisimula na ang meeting ay kinuha ko na agad ang laptop at notebook ko. “Hindi talaga ako magpapatalo sa kanya. Papatunayan ko na mali siya sa lahat ng sinabi niya tungkol sa akin. I need to survive for a few months at the very least,” sabi ko pa sa sarili ko bago pumasok. Pagpasok ko sa loob ay kumpleto na rin naman na kami, si Sir Alexander na lang ang kulang. Pero saglit lang din ay dumating na siya kaya naman nagsimula na ang meeting namin. At kagaya no’ng topic last meeting, magsa-suggest kami ng idea para sa susunod na issue ng magazine. “For the following issue, I want to focus on the combination of science and aesthetic skin care. For instance, a lot of consumers support some facial masks that use translucent plant cellulose sheaths. Like how it works to moisturize and treat the skin,” suggest ni Miss Jenn. “Many magazines have previously covered the topic. Don't you even know about this, as the beauty editor?” walang emosyong sabi ni Sir Alexander kaya naman hindi ko mapigilan na mainis sa kanya sa isip ko. Parang imbes na mas magustuhan ko siya ay unti-unti na akong naiinis sa kanya. “Okay, next.” “We primarily want to create a city that embodies the laws of the jungle on our primary page for this issue. Currently, a quiet sort of expression for admiration of beauty is quite common among them, whether it be in the realm of culture or entertainment,” Miss Carol said. Pakiramdam ko ay biglang sumakit ang ulo ko dahil sa sinasabi ni Miss Carol. Hindi ko siya masyadong maintindihan. Ramdam ko na nga ang pagkunot ng noo ko pero pinipigilan ko lang at nagse-seryoso na ulit ako dahil baka mamaya ay mapansin na naman ako. “Because of this, we decided to shoot the issue's main photos in the lively garden of the city. With the lofty structures serving as the backdrop—“ “Oh my! Wala talaga akong maintidihan,” bulong ko sa isip ko. Parang ako lang tuloy ang walang ideya sa mga sinasabi ni Miss Carol. Parang ayaw pa ngang i-digest ng utak ko ‘yong mga sinasabi niya dahil parang naiiba ‘yong lenggwahe ng salita niya kapag naririnig ko na. “We can connect with our readers by forming it. Everything about it was exactly what we wanted. The brand has already been contacted, and they are ready to offer help,” Miss Carol said. “Parang naiiyak na ako na ewan kasi hindi ko siya maintindihan talaga. Nothing makes any sense to me.” “Please check our proposal if you think it’s plausible.” “Sure, please present your proposal,” sabi naman ni Sir Alexander kaya naman tumingin sa akin si Miss Carol. Ako kasi ang naka-assign na maging technical for the presentation. Habang inaayos ko ‘yong laptop ay parang nataranta pa ako dahil napansin ko na nakatingin sa akin si Sir Alexander. Mukhang may sasabihin pa nga siya pero inunahan ko na siyang magsalita dahil baka kung ano na naman ang sabihin niya. Mabuti na lang din at naayos ko rin agad ‘yong laptop. Kinakabahan kasi ako kanina kaya naman hindi ko masaksak ng maayos ‘yong HDMI, pero mabuti na lang din at umaayon naman sa akin ang kapalaran dahil wala ng iba pang aberya. Buti na lang din at binibigyan ako ng signal ni Miss Carol kapag ililipat ko na ng slides kaya naman naging smooth din ang transition and presentation ng proposal. Kahit na wala pa naman akong nagagawang mali ay hindi ko maiwasan na kabahan. Nakaka-praning din pala kapag conscious ka sa isang tao. “What else do you need?” tanong ni Miss Carol nang matapos niya ang presentation. “Just provide me the updated proposal right away,” sagot naman ni Sir Alexander. Nagulat pa nga ako ng bigla siyang humarap sa pwesto ko. “After you've categorized the meeting notes, bring them to me.” “Yes, Sir,” kinakabahang sagot ko pa. Kainis, bakit ba ako nai-intimidate sa kanya? Dapat ay masanay na ako sa presence niya lalo na at pinili ko na kalabanin siya, in a way na, mags-stay ako ng matagal sa company na ‘to hangga’t hindi ko napapatunayan ang sarili ko. “Meeting adjourned,” sabi niya pa at nauna nang umalis. Nang tuluyan siyang makalabas ay umalis na rin ang iba habang naiwan naman ako sa loob. Aayusin ko pa kasi 'tong mga ginamit sa presentation kanina. Habang nagliligpit ay bigla namang lumapit sa akin si Bryan. Wala pa naman siyang ginagawa pero parang naiinis na agad ako sa kanya. “Ano na namang kailangan mo?” iritang tanong ko sa kanya. Ang dami ko pang aayusin pero nang-iistorbo pa siya, minsan tuloy hindi ko maiwasang isipin kung paano niya tinatapos ‘yong mga gawain niya. “Takot ka talaga kay Sir Alexander?” “What do you mean?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “You're alright up until you see Sir Alexander. Pero kapag nakita mo na siya, bigla-bigla kang nagpa-panic. May nangyari ba sa inyong dalawa?” “Huh? Ano bang pinagsasabi mo? Alam mo napansin ko, simula no’ng binigay mo sa akin ‘yong fortune cookie, minalas na ako. Hindi naman pala totoo na magiging swerte ako ngayong araw,” inis na sabi ko pa sa kanya. “Tabi na nga, marami pa akong gagawin,” I said at umalis na. Umasa pa na magiging maganda ang buong araw ko pero hindi naman pala. Kanina pa lang ay minalas na ako sa pag-aayos ng ng presentation. Imbes na isipin pa ‘yon ay bumalik na rin ako sa pwesto ko at tinuloy ‘yong mga gawain ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD