Chapter 32

2408 Words
“Ilang araw pa lang akong nandito kaya naman kailangan ko ng time para makapag-adjust. Ang daya lang kasi I've been working hard, yet you keep telling me I'm not serious or that I'm not working hard enough,” inis na dagdag ko pa. “Isa pa, minsan, 'yong mga sinasabi mo ay nakakasakit na sa iba. Hindi mo ba napapansin na nakakasakit ka na ng kapwa mo dahil sa mga sinasabi mo?” “Stop being so unreasonable.” “Sir, bakit ang hirap makipag-usap sa’yo? Bakit ang hirap mong pakiusapan? Hindi mo naman kailangan mag-open up sa mga tao, maayos na communication lang ang gusto namin.” Pagkatapos kong sabihin ‘yon ay parang gusto ko nang maglaho sa harapan niya. Saka ko lang na-realize kung ano ang mga pinagsasabi ko. Gusto kong sabunutan ang sarili ko kaya lang ay paniguradong magmu-mukha akong tanga sa harapan niya kapag ginawa ko ‘yon. Pinagsisisihan ko na tuloy ang mga sinabi ko, masyado naman kasi akong nagpadala sa bugso ng damdamin ko. “Do you know what makes me so dissatisfied with you? It's not because your abilities are constrained. It’s because you always waste everyone's time by always coming up with excuses for your mistakes,” pakiramdam ko ngayon ay tinutusok ako ng ilang daang kutsilyo. Gusto kong magalit sa mga sinasabi niya pero na-realize ko rin ang mga mali ko dahil do’n. At ang mas nakakainis pa ay nasasaktan ako sa mga sinasabi niya kahit na tama naman siya. Gusto ko na siyang patigilin sa pagsasalita pero gusto ko rin marinig kung anong tingin niya sa akin. “You don't put much effort into your work, and you complain often that no one is teaching you, when in fact you can teach yourself. Are you aware that thousands of people are competing for your position? They'd put in much more effort than you would. And honestly, you are incapable and careless in my opinion.” Matapos niyang sabihin ang masasakit na salita na ‘yon ay umais na siya sa harapan ko at dumiretso sa opisina niya. Naiwan naman akong nakatayo habang nakatulala sa kawalan. Malinaw kong narinig lahat ng sinabi niya kaya naman mas damang-dama ko ang sakit. Hindi ko alam kung gaano katagal pa akong naiwan na nakatayo sa gitna nang makaramdam ako ng pangangalay, kaya naman bumalik ako sa reyalidad. Muli kong kinuha ‘yong karton at dinala sa pwesto ko, pero hindi pa rin maalis sa isip ko ang mga sinabi ni Sir Alexander. Mabuti na lang talaga at walang ibang tao rito ngayon kaya naman ayos lang kung iiyak ako. Pero hindi ko gagawin ‘yon. Hindi ako iiyak. Hindi pwedeng magpatalo ako sa kanya. papatunayan ko na karapat-dapat ako sa pwesto ko ngayon. Dali-dali naman akong tumakbo papunta sa opisina ng editor-in-chief para kunin ‘yong resignation letter na pinasa ko kanina. Mabuti na lang at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakababalik kaya naman nando’n pa rin ‘yong letter. Mabilis ko naman ‘yong kinuha at dumiretso ako sa banyo pagkatapos. Buti na lang at walang ibang tao rito sa banyo kaya naman magagawa ko ang kailangan kong gawin. Habang nakaharap sa salamin ay inaalala ko ang mga sinabi sa akin kanina ni Sir Alexander. At dahil do’n ay pinunit ko sa maliliit na piraso ang papel na hawak ko. Hindi ako magre-resign hangga’t hindi ko napapatunayan sa kanya na deserve ko ‘to. Na kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Na hindi ako incompetent. Papatunayan ko na mali lahat ng sinabi niya tungkol sa’kin. Matapos 'yong mga nangyari kanina ay bumalik ako sa pwesto ko at umakto na parang walang ibang nangyari. Kababalik lang din naman nila galing sa labas kaya naman sinimulan na namin 'yong mga dapat ayusin. Hanggang ngayon ay naiinis na pa rin ako pero dapat ay hindi ako magpatalo sa kanya. Sakto naman at dumating na 'yong mga damit na kailangan namin kaya naman nagtulong-tulong kami para ayusin ang mga 'yon. Hindi ko pa alam kung paano aayusin 'yong mga accessories kaya naman hinayaan ko na sila Debb na mag-ayos no'n at dumiretso ako sa pagha-hanger ng mga damit. Kahit na nasa iisang department kami ay nahahati pa kami sa iba't ibang team, kaya naman may mga naka-assign na sa mga task kahit na hindi na ayusin ni Miss Carol 'yon. Kagaya na lang na ang head namin ay ang editor-in-chief, sumunod naman si Sir Alexander na siyang Associate Editor. Ang sumunod naman sa kanya ay ang Fashion Editor o ang nagsisilbing team leader ng lahat ng team, si Miss Carol. Sa Beauty Team naman ay si Jenn ang team leader, habang ang assistant niya ay sina Jessica at Debb. Sa Public Relation naman sina Deborah, Kathy, at Henry. Habang si Steven ang Column Editor at si Bryan naman ang sa publication. Ako, hindi ko alam. Hindi ko alam kung anong role ko sa department namin, pero lahat naman kasi sila ay may pinapagawa sa akin, siguro ay dahil bago ako kaya gano’n. Pero wala namang problema sa akin dahil ang focus ko lang ngayon ay mapatunayan na mali ang mga iniisip ni Sir Alexander sa akin. At para na rin hindi puro pagkakamali lang magawa ko rito sa department namin. Ipinapangako ko na babaguhin ko ang pananaw niya sa akin simula sa araw na ‘to. “Shouldn't we have a party to celebrate the appointment of our new Associate Director?” lahat naman kami ay natigilan at napatingin sa chief editor. Mukhang kararating lang niya dahil kanina ngayon lang naman namin siya nakita ngayong araw. “Then we may have Sir Alexander's dinner party later. At lahat kailangan pumunta, walang reasons,” sabi naman ni Miss Carol. Hangga’t maaari sana gusto ko munang iwasan si Sir Alexander pero mukhang hindi rin mangyayari ‘yon. Hindi ko tuloy alam kung paano makikitungo ulit sa kanya matapos ‘yong nangyari kanina. Nakakainis naman kasi, bakit ba bigla akong nagkaro’n ng lakas ng loob kanina. Hindi ko man lang napigilan ang sarili ko, nasabi ko tuloy sa kanya lahat ng nasa isip ko. Sakto naman na lumabas ng opisina niya si Sir Alexander kaya naman agad akong nagtago sa gilid kung saan hindi niya mapapansin. Baka kasi mamaya ay may kung anong pagkakamali ko na naman ang mapansin niya. “Sir, we’re planning to have a dinner party for you,” masayang sabi ni Debb ng makita niya ito. “Party? So you’re all going to eat again? A celebration is not necessary. Just save your time so you can all work efficiently,” sagot naman niya. Parang gusto ko tuloy sabihin na, “syempre kakain ulit dahil three times kailangang kumain sa isang araw,” pero nanahimik na lang ako. “How about tomorrow? During lunch or dinner?” tanong pa ni Miss Carol. “No need to change the days, I’ll be busy,” diretsong sagot naman niya. Halata tuloy ang disappointment sa mukha ng lahat. Kahit ilang araw pa lang ako rito, napansin ko na agad na mahilig sila sa simple gathering. Kagaya kanina na sabay-sabay silang kakain o lalabas. Kaya lang ay mukhang hindi niya alam ‘yon dahil hindi naman siya nakikihalubilo sa amin. “Hindi naman bonggang party ‘yong mangyayari. It’s just a simple gathering. Simple dinner,” dagdag pa ni Miss Carol. “I still have a meeting to attend to,” maikling sagot naman niya. Halata naman na ayaw niya, pero sana ay pinag-isipan niya man lang kahit saglit. At mukhang napansin naman na ng chief editor na nahihirapan si Miss Carol na kumbinsihin ‘to kaya naman nagsalita na siya. “Don't be a killjoy. Isa pa, mas makakapag-trabaho sila ng maayos kapag busog sila. Take a look around, everyone deserves a break as well,” she said. Mukhang hindi naman na makatanggi si Sir Alexander kaya naman napabuntong hininga na lang siya. “Then, you can wait until I have time,” sabi niya at umalis na rin. Biglang nanlumo tuloy ang lahat dahil sa pagtanggi niya. Akala ko pa naman ay papayag na siya. Saglit lang naman ‘yong dinner, kakain lang naman, tapos kaunting kwentuhan. Ang simple lang naman no’ng request, hindi niya pa mapagbigyan. At saka para sa kanya naman yong dinner na yon. Pero hindi rin naman namin siya pwedeng pilitin dahil busy din naman kasi talaga. “Edi wala ng dinner mamaya?” malungkot na tanong ni Debb. No’ng una talaga hindi ko ini-expect na mahilig sila sa mga gathering. Sa akin, okay lang naman, kasi for me, mas nabi-build ang teamwork ng team sa gano’n at saka mas makikilala mo ang mga kasama mo sa trabaho. Pero may iba kasi na ayaw sa mga gano’n kasi nga gustong umuwi ng maaga o kaya naman hindi sanay sa crowd. “Sadly, yes. But leave the party to me, ako ang bahala,” nakangiting sabi pa ni chief editor. “Carol, come to my office. Let’s talk,” tawag niya pa kay Miss Carol at bumalik na rin siya sa opisina niya. “Cheska, could you also hang these clothes? Thanks,” sabi ni Jenn kaya naman agad kong kinuha ‘yong mga damit at isa-isang sinampay. At dahil puno na ‘yong isang rack ay lumipat naman ako ng pwesto kaya naman nasa gitna na ako at nakaharap sa kanilang lahat. “How is he able to be so snobbish?” hindi makapaniwalang sabi ni Kathy. “His true personality is a mystery to us. Hindi natin alam kung paano talaga siya makitungo sa iba kaya naman hindi rin natin siya basta-basta pwedeng i-judge,” sabi naman ni Henry. “Para siyang bata kung umarte,” Jenn said. “Para naman talaga siyang bata,” wala sa sariling sabi ko. Napansin ko na bigla silang tumahimik kaya naman napaangat ako ng tingin. “Mali ba ako? Don't you all agree that he behaves just like a child? He needs to do something to earn people's trust if he truly is a person of that kind, if he is so competent and responsible,” tuloy-tuloy na sabi ko pa. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko kaya naman lahat ng nasa isip ko ay nasasabi ko na naman. Hindi ko alam kung anong nakain ko ngayong araw bakit ako nagkaganito, pero mabuti lang din pala na ganito dahil nasasabi ko ang lahat ng gusto kong sabihin. “Parang wala naman kasi siyang pakialam sa atin, lagi lang siyang nasa opisina niya. And just stands there and talks without even moving. Everyone is excited to attend a group meal, so if he chooses not to, he should be polite and explain that he has a meeting later, otherwise, everything will be okay,” sabi ko pa. Nanatili naman silang nakikinig sa mga sinasabi ko kaya naman nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. “Why does he have to talk to people like that? Hindi naman tayo ibang tao. Chief Editor na 'yong kausap niya kanina pero parang wala lang—“ natigil ako sa pagsasalita nang mapansin ko na may tao sa likuran ko. “Uhm, what was I just saying?” nasabi ko na lang nang makilala ko kung sino ‘yon. At sa ikalawang pagkakataon, parang gusto kong putulin ang dila ko dahil sa sobrang kadaldalan. Salita ako nang salita rito pero hindi man lang nila sinabi na nasa likuran ko na pala si Sir Alexander. Kung ano-ano pa naman ang pinagsasabi ko kanina. Nakatalikod din kasi ako sa pwesto ng opisina niya kaya naman hindi ko napansin ang paglapit niya sa pwesto ko. Hindi ko tuloy alam kung hanggang saan ang narinig niya o kung narinig niya ba lahat ng sinabi ko kanina. Lagot na naman tuloy ako nito. “You should speak up more at the next meeting with such a foul mouth,” he said. Nanatili naman akong tahimik dahil wala naman akong magiging palusot dahil nahuli niya ako sa akto. “Steven, do you have your article finished?” Akala ko ay may sasabihin pa siya sa akin pero kinausap na niya si Steven. “Yes, katatapos ko lang kanina,” sagot naman nito at saka lumapit sa pwesto namin. Gusto ko na sanang umalis sa kinatatayuan ko kaya lang ay baka mapansin niya ulit ako kapag gumalaw ako. Hindi na ako gumagalaw sa pwesto ko, kulang na nga lang ay hindi na rin ako huminga. “Okay, give that to me, I’ll proofread it for you,” sabi pa nito at kinuha ‘yong gawa ni Steven. Bakit ba bigla siyang naging ganyan, parang pinagsisisihan ko na tuloy na nilait ko siya kanina. Kung ano-ano pang pinagsasabi ko tungkol sa personality niya. Pagkatapos no’n ay tumalikod na siya. Pero bago pa man siya tuluyang lumayo ay tumingin pa ulit siya sa akin kaya naman agad akong napaiwas ng tingin. Nang mapansin ko na nakaalis na siya ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. “Paano ka na niyan, Cheska?” parang naawang sabi ni Debb. “Nanginginig ka ba? Ano ka ba 'wag kang kabahan masyado, relax a little. Sir Alexander will see your good points soon,” sabi naman ni Steven at bumalik na sa pwesto niya. Hindi ko tuloy alam kung pinapalakas niya lang ang loob ko o nang-aasar siya. Pero hindi ‘yon ang problema ko ngayon. Ang malas ko naman ngayong araw. Bakit ba kasi bigla siyang lumbas kung kailan may sinasabi ako sa kanya kanina. O kaya naman dapat ay kinuha na niya kanina pa ang kailangan niya para hindi na siya bumalik pa. Napasabunot na lang tuloy ako sa sarili ko dahil sa nangyari. Masyado na akong quota ngayong araw, nakakailan na ako sa kanya. At saka ano bang problema sa akin ngayon? Bakit ang lakas ng loob kong magsalita nang gano’n? Parang kasasabi ko pa lang kanina na dapat iwasan ko muna siya pero ito pa ang nangyari. Kinakabahan tuloy ako sa susunod na meeting dahil feeling ko ay ako ang mapag-iinitan niya. Um-absent na lang kaya ako sa susunod na meeting para hindi niya ako mapagdiskitahan? Kaya lang pala minsan ay may biglaan na meeting kaya wala rin pala akong takas. Mag-resign na lang kaya ako para hindi na kami magkita pa araw-araw? Sinira ko nga pala kanina ‘yong resignation letter ko. Napakamalas. Ang malas ko talaga ngayong araw. Isang malaking goodluck na lang talaga sa akin sa mga susunod na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD