Chapter 31

1822 Words
Ilang oras na rin ang lumipas at nakararamdam na rin ako ng gutom. Pagkatapos ko kasing mag-kape kanina ay tuloy-tuloy na rin ako sa paggawa ng mga task ko dahil nga ang dami rin naming aasikasuhin pa talaga. At simula kanina ay hindi pa ako tumatayo sa pwesto ko kaya naman nararamdaman ko na rin ang sakit ng likod ko. Sakto naman ay nag-uusap-usap sila tungkol sa pagkain kaya naman mas lalo akong nakaramdam ng gutom. Parang natatakam pa tuloy ako dahil sa sinasabi nila. “Aside from meat, what else can you think of? Can we have a filling meal?” narinig kong tanong ni Bryan. Kaya naman kahit hindi ako ang kinakausap niya ay sinubukan ko na mag-issip ng ibang pwedeng kainin. Habang nag-iisip tuloy ay mas lalo ko lang ginugutom ang sarili ko. “Sige nga, Bryan, ikaw ba anong naiisip mo na pwede nating kainin? ‘Yong masarap dapat ah,” sabi pa ni Henry. Ang unang pumasok naman sa isip ko ay ramen. May nakita kasi akong ads ng ramen kanina kaya naman parang nag-crave ako bigla. Parang gusto ko rin mag-pizza at pasta today. Saka ko lang na-realize na ang tagal ko na rin palang hindi nakakapag-food trip, busy din kasi kaya naman wala nang time lumabas. “Okay, pag-isipan ko, madali lang 'yan. Who will pay is the main concern, though,” Bryan said. Binalot tuloy kami ng katahimikan dahil sa sinabi niya. Napansin ko na isa-isa niyang tinignan ‘yong mga malapit sa kanya pero lahat ay nag-iiwas ng tingin, mukhang mga ayaw gumastos. “Okay, Steven, it’s your treat!” Hindi pa man nakakapag-react si Steven sa sinabi ni Bryan ay natuwa na ang lahat at nag-celebrate pa dahil hindi sila ang gagastos ngayong araw. Ilang segundo pang napatulala si Steven dahil mukhang pina-process niya pa sa isip niya ang nangyari, pa-simple tuloy akong natawa sa kanila. “Sandali lang nga—“ hindi na natapos pa ni Steven ang sasabihin niya dahil nagtaas ng kamay si Kathy. Kaya naman lahat kami ay napatingin sa kanya para abangan ang sasabihin niya. “Then, pwede ba tayong mag-sushi? O kaya naman ramen!” sabi niya kaya naman samu’t saring komento ang binigay ng iba. Mukhang mahilig pala sila sa Japanese food. Hindi tuloy maipaliwanag ang itsura ni Steven dahil masyado nang nagkakatuwaan ang lahat. “Malaki kasi ang sweldo mo kaya ayan ang gusto mong kainin,” reklamo niya pa. Natawa na lang tuloy kami dahil pa-simple siyang nagdabog. “Bahala kayo, hindi ako ang magbabayad dahil hindi naman ako kakain,” sabi niya pa kaya naman tuluyan na kaming natawa. Kinulit-kulit pa tuloy siya ni Bryan dahil mukhang nagtatampo nga siya. Kahit kailan talaga ay ang pasaway nitong lalaki na ‘to, mabuti na lang at mukhang sanay na rin sa kanya ang iba. Kung hindi ko lang siya katrabaho ay iisipin ko na may problema sa pag-iisip niya, though, not in a bad way naman. “You can use my card. It doesn’t have a password.” Lahat naman kami ay natigilan dahil sa nagsalita. Napatayo tuloy agad si Steven para tanggapin ‘yong card ni sir Alexander. At dahil din do’n ay mas lumawak ang ngiti ng lahat, lalong-lalo na si Steven. “Oh, ano pang hinihintay natin? Sagot na ni sir Alexander ang lunch natin kaya naman tara na agad, baka magbago pa ang isip niya,” pabirong sabi pa ni Bryan kaya naman natawa kami sa kanya. Kahit kailan talaga masyadong maloko ‘tong lalaki na ‘to. “Kayo na lang, I'm not going. Just be sure to stop wasting time. And please, put your enthusiasm into work after eating.” At pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay umalis na rin siya agad at bumalik sa opisina niya. Lahat tuloy kami ay natigilan at hindi alam kung paano magre-react. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ba ako na sasagutin niya ang lunch namin, o maiinis dahil tingin niya ay nagsasayang lang kami ng oras. At kung kanina mukhang natutuwa sila, ngayon naman ay parang hindi sila makapaniwal, mukhang nagulat pa nga ang iba. “Sandali, parang nabingi ako. What did he say? Tama ba 'yong pagkakarinig ko?” sunod-sunod na tanong naman ni Debb habang nagkakamot pa ng tainga. “What a party pooper,” pabulong na sabi naman ni Jenn. “Tss. Parang sinasabi niya na wala tayong pera para pambili ng pagkain,” hindi makapaniwalang sabi naman ni Steven habang nakatingin sa card ni sir Alexander. Akala ko pa ay ibabato niya ‘yong card pero inabot niya lang naman kay Bryan dahil ito ang malapit sa kanya. “Hindi na ako kakain kung gano'n. Hindi pa naman ako masyadong nagugutom,” sabi pa ni Kathy at bumalik na sa pwesto niya. “Ako rin, ayoko nang kumain. Nakakawalang gana,” wika naman ni Deborah at bumalik na rin sa pwesto niya. “Didn't you want someone to pay? Bakit ayaw niyo na biglang kumain? Kanina ay mga excited pa kayo,” Bryan said pero wala namang sumagot sa kanya. “Hindi na rin ako kakain. Sa kanya na ‘yang card niya,” inis na sabi naman ni Jenn at naupo na rin. Lahat tuloy sila ay nagsiupuan na at bumalik na sa ginagawa nila. Kung kanina ay ang saya-saya nila at nagkakatuwaan pa, ngayon ay ang tahimik na ng paligid. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil hindi rin naman gano’n kagandahan ‘yong mga sinabi kanina ni sir Alexander, kaya naman naiintindihan ko ang nararamdaman nila. Pero tingin ko rin ay hindi naman gano’n ang intensyon niya, kaya lang ay parang iba ang dating sa amin. Dahil do’n ay bumalik na lang din ako sa ginagawa ko. Nagsusulat ako ng resignation letter ko ngayon kaya naman parang ang bigat ng pakiramdam ko. Okay naman ako kanina, pero ewan ko ba, parang may biglang sumapi sa akin at gusto na mag-resign na ako. Kaya naman kahit gusto ko pang mag-stay dito ay parang mas okay na umalis na lang talaga ako ng tuluyan. At dahil tapos ko na ring isulat ‘yong resignation letter ko ay ni-print ko na ‘yon para ipasa. Dumiretso na ako sa opisina ng editor-in-chief namin pero wala siya sa loob kaya naman iniwan ko na lang ‘yong letter sa mesa, para madali niyang makita pagbalik niya. Matapos ‘yon ay dumiretso muna ako sa tea room para magpalipas ng ilang minuto. Nag-text din ako kanina ay Hershey bago ako magpasa para lang alam niya na aalis na ako rito sa kompanya. Pero ilang minuto pa lang ang lumilipas ay naka-receive ako ng tawag mula sa kanya. Nagtataka man ay sinagot ko na lang din. “Bakit ka napatawag?” tanong ko sa kanya pagkasagot ko sa tawag. Anong oras pa lang naman kasi rito kaya naman palagay ko ay umaga na ro’n sa kanila. “Nababaliw ka na ba? Hindi mo ba talaga na-gets ‘yong mga sinabi ko sa’yo kahapon? Hay, nababaliw ka na nga. You are aware of how difficult it is to join a company like that,” sermon niya agad sa akin. Napabuntong hininga na lang tuloy ako bago sumagot sa kanya. “Pero sa ngayon ay parang ayaw ko na talagang mag-stay pa. In the past, I considered myself to be fairly competent. However, I feel like a complete joke right now,” malungkot na sabi ko. Akala ko talaga dati ay ang galing kong empleyado, hindi man sobrang galing, pero mas madalas na napupuri ako kaysa ang mapagalitan. Kaya naman ngayon ay nanliliit ako sa sarili ko. Hindi na rin ako confident na magagawa ko ng maayos ‘yong mga ipapagawa sa akin. Pakiramdam ko kasi ay lagi akong magkakamali kahit na hindi ko pa naman nasisimulan gawin ‘yong bagay na ‘yon. Kaya naman para maiwasan ko ang mga gano’ng insidente ay mas mabuting mag-resign na ako kaagad habang maaga pa. Matapos naming mag-usap ni Hershey ay bumalik na rin ako sa pwesto ko. Since na-plano ko naman na mag-resign, kailangan kong tapusin agad lahat ng task na binigay sa akin para naman wala akong maiiwan na gawain pag-alis ko. Ilang oras pa ang lumipas pero hindi pa rin ako natatapos sa mga ginagawa ko. Ako na lang din mag-isa ngayon dito sa opisina dahil lumabas silang lahat para kumain. Niyaya nila akong kumain pero tumanggi ako dahil ayaw ko nang makipag-close pa sa kanila para hindi ako mahirapan umalis. Inaayos ko ngayon ‘yong mga headdress na gagamitin kaya naman may dala-dala akong malaking box na galing sa storage. Kailangan ko kasing i-check kung maayos pa ba ‘yong mga headdress kasi kung hindi ay kailangan ko silang ayusin para magamit pa ulit namin. Kaya lang ay habang pabalik ako sa pwesto ko ay may nakabangga sa akin kaya naman ilang beses akong napaatras. Matapos kong mabalanse ang katawan ko ay ibinaba ko muna ang dala-dala ko. Mabuti na lang talaga at hindi ako natumba sa sahig, inis na napatingin tuloy ako sa nakabangga sa akin. Pero agad ding umunat ang kilay ko ng makita ko kung sino ‘yon. At this time, kilay naman ni sir Alexander ang nakataaas. Hindi ko tuloy mapigilan na makaramdam ng inis dahil parang wala man lang siyang balak mag-sorry sa nagawa niya dahil tinignan niya lang ako. “Bakit kasi sa gitna ka naglalakad,” sabi niya kaya naman hindi ko na naiwasan na mapakunot ang noo ko. “Kayo po ang nakabangga sa akin, sir. Isa pa ay may dala-dala ako kaya hindi ko kayo napansin,” paliwanag ko pa sabay turo sa karton na nasa sahig. “Fine, sorry. Ang dami mo pang sinabi,” iritableng sagot niya kaya mas lalo akong nainis. Kahit hindi pa ako nakakapagsalita ay nagsimula na siyang maglakad pabalik ng opisina niya. “Talaga, sir! I really do have a lot to say to you,” hindi ko mapigilan sabi kaya naman muli siyang napalingon sa akin. “My mistake during the shoot in the studio, it’s my fault, and I’m sorry for that. Hindi ko talaga sinasadya na mapatid do’n sa wire, kasalanan ko na hindi ako nag-ingat,” I said. “I'm too busy to listen to what you have to say,” sabi niya pa pero hindi ko siya pinansin kaya naman nagpatuloy lang ako sa pagsasalita. “Pero hindi mo rin ako masisisi. Hindi ko naman ginusto na mapunta rito. They just pushed that I get transferred even though others wanted to work in this department just as much as I did. I also admitted to you right away that I didn't know how your department worked,” mahabang wika ko. “Pero hindi ako ang naglipat sa’yo rito—“ hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin niya dahil nagsalita ulit ako. Kapag kasi hindi pa ako nagsalita ay hindi ko alam kung kailan ulit ako magkakalakas ng loob.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD