Chapter 30

1797 Words
Kung kailan pauwi na ako ay saka pa ako inabutan ng traffic. Mabuti na lang at hindi ko naisipang mag-commute ngayon dahil paniguradong aabutin ako ng dis oras ng gabi sa kalsada. Marami-rami pa naman akong aaralin kaya naman kailangan kong makauwi kaagad. Makalipas lang din ang ilang minuto ay umusad na rin ang mga sasakyan. Akala ko na tuloy ay traffic talaga, ‘yon pala ay may na-flat-an lang ng gulong at hindi naaalis agad sa gitna ng kalsada ‘yong sasakyan. Pero ngayon ay ayos naman na dahil mabilis na ulit ang daloy ng traffic. Pagdating ko sa apartment ay nag-shower din ako agad para makapagsimula na sa mga gagawin ko. Pagkatapos ko namang maghanda ay nilatag ko na ang lahat ng magazine na dala-dala ko. Kanina kasi bago umuwi ay nagpaalam ako kay Miss Carol kung pwede akong mag-uwi ng ilang magazines at pumayag naman siya kaya naman ang dami kong dala pauwi. Isa-isa kong tinignan at mabilis na binasa ang nasa magazine at masasabi ko na ayos naman siya. Maganda naman siya actually, pero tama rin naman si sir Alexander kanina. Kasi may ibang parte rito sa magazine na tinatamad akong basahin kaya naman nilalaktawan ko. Natigilan naman ako sa ginagawa ko ng biglang tumunog ang cellphone ko kaya naman tinignan ko kung sino ang nag-text at hindi ko mapigilan na matuwa ng makita ko ang pangalan ni Hershey. Pero hindi ko rin mapigilan na malungkot dahil ang tagal niyang hindi nagparamdam. Ilang minuto pa kaming nagpalitan ng text hanggang sa nagyaya siyang makipag-video call dahil may kwento raw siya kaya naman pumayag ako. Kung kanina ay nagtatampo ako, ngayon ay natutuwa na akong makita siya. Ilang araw na rin kasi kaming hindi nagkikita kaya naman na-miss ko siya. “Ang tagal mong hindi nagparamdam,” malungkot na sabi ko sa kanya kaya naman natawa siya. At nagawa niya pa talaga akong tawanan, napakabait talaga niyang kaibigan. “Sorry na kasi. Ang dami ko kasing inasikaso pagdating ko rito kaya naman hindi kita natawagan agad. At saka biglaan din kasi ‘yong alis ko kaya naman hindi ako nakapagpaalam sa’yo,” wika niya. Napakunot naman ang noo ko sa kanya dahil hindi ko masundan kung ano ang ibig niyang sabihin. “What do you mean?” nagtatakang tanong ko sa kanya. “Hmm, ganito kasi… nasa US ako ngayon,” mabilis na sabi niya pa pero naintindihan ko rin naman. Agad na nanlaki ang mga mata ko ng ma-realize ko kung ano ang sinabi niya. Kaya lang ay hindi rin ako nakapag-react kaagad dahil sa gulat. “Ayos ka lang ba?” tanong niya pa. “You mean, nasa US ka right now?” paglilinaw ko pa sa sinabi niya kanina. Baka kasi mamaya ay namali lang ako ng rinig. Pero mukhang tama nga ako dahil tumango siya. “Kailan pa? Kailan ka umalis? Anong ginagawa mo r’yan? At saka bakit iniwan mo rito si sir Alexander?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya. “Okay, wait, kalma ka lang,” sabi niya pa kaya naman huminga muna ako ng malalim. “No’ng isang araw lang ako umalis at kahapon lang din ako dumating dito. Biglaan lang din kasi talaga ‘tong pag-alis ko kaya naman hindi ako nakapagpaalam sa’yo.” “Anong oras na ngayon d’yan?” tanong ko sa kanya dahil napansin ko na maliwanag pa sa labas no’ng lumipat siya ng pwesto. “Ten in the morning pa lang dito, d’yan ba?” balik na tanong naman niya kaya napatingin ako sa orasan. “Ten in the evening,” sagot ko. Kung gano’n ay twelve hours pala ang difference ng time naming dalawa. Bigla ko tuloy naalala si Nicholai kaya naman agad akong napatingin sa kanya. Ilang oras pa kaming nag-kwentuhan kaya naman hindi ko napansin ang paglipas ng oras. Grabe, ang bilis ng oras, parang saglit ko pa lang siyang kausap pero halos dalawang oras na agad ang lumipas. Mukhang napahaba pa talaga ang chikahan naming dalawa. “Why? What's the matter with you? Why are do you look so dejected?” narinig kong sabi ni Hershey kaya naman napatingin ulit ako sa kanya. Hindi ko napansin na napatulala na pala ako. “Should I go and quit?” seryosong tanong ko sa kanya kaya siya naman ang natigilan. Na-kwento ko kasi sa kanya kanina ‘yong tungkol sa pagkakalipat ko ng department at ‘yong mga nangyari pa no’ng nakaraang araw kaya naman paniguradong madali niyang maiintindihan ang nararamdaman ko. “Ayos ka lang ba? Kulang ka ba sa tulog? Even Sir Alexander is unaware of your admiration for him. But you keep having the feeling that you will be found out. That you're going to make mistakes. Do you realize how difficult it is to work for such a big company?” sermon naman niya kaya napaisip ako. Walang pang ilang taon kaming magkaibigan pero parang kilalang-kilala na niya ang pagkatao ko. May punto naman ang mga sinabi niya kaya naman inisip kong mabuti kung ano ang pwede kong gawin. Kaya lang ay napupunta pa rin ako sa idea na mag-resign na lang at maghanap ng ibang trabaho. “And now that this minor issue has come up, do you want to resign?” dagdag niya pa kaya naman hindi ko mapigilan na makaramdam ng unting inis. Hindi niya kasi alam ang nararamdaman ko, at wala siya sa posisyon ko kaya naman para sa kanya ay hindi big deal ang bagay na ‘to. Feeling ko tuloy ay hindi niya pa rin ako naiintindihan kahit na na-kwento ko naman na sa kanya ang lahat ng nangyari. Hindi ko tuloy maiwasan na malungkot, kasi akala ko, maiintindihan niya ang nararamdaman ko pero mukhang mali pala ako. “Para sana hindi big deal ang bagay na ‘yon. Pero para sa’kin, parang may mabigat na batong nakapatong sa dibdib ko,” at napatapik pa ako sa dibdib ko. “Is it really that serious?” tanong niya pa kaya naman tumango ako. “I truly don't want him to turn out differently than I had anticipated,” malungkot na sabi ko. Ayoko kasing dumating ako sa punto na unti-unti nang nawawala ‘yong paghanga ko sa kanya at mapalitan na lang ng inis at galit. Kahit na hindi ko kasi sabihin o ipahalata, sa loob-loob ko ay nasasaktan pa rin ako. “Then go ahead, mag-resign ka na. Wala namang pipigil sa’yo kung sakaling umalis ka,” sabi niya pa kaya naman napayuko na lang ako. “Hindi ko kaya,” nasabi ko na lang. Ang lakas pa ng loob ko na mag-reklamo, pero hindi ko rin naman pa pala kayang umalis. Hindi rin naman kasi gano’n kadali na kapag napahiya ako ay pwede akong mag-resign ng ano mang oras ko gusto. “See, hindi mo kaya. First week mo pa lang naman, ganyan lang talaga si sir pero mabait naman siya. Kapag nakilala mo siya, mare-realize mo na hindi naman siya gano’n ka-arogante. Confident at perfectionist lang talaga siya,” dagdag niya pa kaya naman napatango na lang ako. Sana nga. Baka naninibago lang talaga ako dahil ilang araw pa lang naman. Maya-maya ay nagising na lang ako ng maramdaman ko na masakit ang batok ko. Agad tuloy akong naptingin sa paligid ko dahil napansin ko na wala ako sa kwarto ko. At saka ko lang napansin na sa sala pala ako nakatulog. Nakakalat pa sa sahig ‘yong mga magazine at papel. Lowbat na rin ‘yong iPad, mukhang nakatulog pa ako habang kausap si Hershey. Hinanap ko naman agad ‘yong cellphone ko para mag-text sa kanya pero pagkabukas ko ay may text siya kagabi pa. Pagkatapos kong mag-reply sa kanya ay nag-asikaso na ako papasok sa trabaho. Mabuti na lang talaga at nagising ako kaagad kaya naman may oras pa ako para maghanda. Kung hindi kasi ay paniguradong male-late ako, may meeting pa naman kami ngayong araw. Habang nagliligpit ng mga gamit ay hindi ko na mabilang kung ilang beses akong humikab kaya naman naisipan ko na mag-kape na muna. Medyo maaga-aga pa naman kaya naman may oras pa ako para mag-almusal. Sakto kasi mukhang marami-rami ang gagawin mamaya kaya dapat ay kumain na ako ngayon. Ilang oras pa ang lumipas at nakarating din ako sa opisina. Sakto lang naman ang dating ko dahil medyo maaga pa kaya naman dumiretso muna ako sa tea room para mag-kape ulit. Parang wala kasing epekto ‘yong kape na ininom ko kanina dahil inaantok pa rin ako ngayon. “Anong nangyari sa’yo? Bakit mukhang wala kang tulog?” agad naman akong napatingin sa nagsalita at bumungad sa akin ang mapang-asar na ngiti ni Bryan. Hindi ko na lang siya pinansin dahil wala ako sa mood kaya naman bumalik na ako sa pagti-timpla ng kape ko. “I had a hard time finding a work, but I now have to quit. How should I explain this to Hershey and Nicholas?” bulong ko pa sa sarili ko. Hanggang ngayon kasi ay pinag-iisipan ko pa kung magre-resign na ba ako o mag-stay pa. Kasi kung magre-resign ako ay dapat ngayon na habang maaga pa, para makahanap din ako kaagad ng pamalit na trabaho. Kaya lang ay hindi talaga ako sigurado dahil naguguluhan pa rin ako, kaya naman napaupo na lang ako sa tabi matapos kong mag-timpla. Buti na lang talaga at hindi ka sisitahin kahit na mag-coffee break ka kaya naman mae-enjoy ko pa ‘tong kape ko. “Hoy!” nagulat naman ako dahil sa bahagyang pagsigaw na ginawa ni Bryan. Sinamaan ko tuloy siya ng tingin dahil sa ginawa niya. Pasalamat siya at hindi pa ako umiinom kaya naman hindi ako natapunan, dahil kung hindi ay sasabuyan ko talaga siya ng mainit na kape. “Ano bang problema mo?” iritableng tanong ko sa kanya dahil wala talaga ako sa mood ngayon. Hindi niya ba napapansin na wala ako sa mood makipagkulitan? Nakaka-bad trip tuloy. “Baka po nakakalimutan mo po na ililibre mo dapat ako ng lunch po kahapon. Kaya lang po, anong nangyari?” tanong naman niya kaya bahagya akong nahiya. Nawala sa isip ko. Nakalimutan ko na pumayag pala ako sa kanya kahapon na ililibre ko siya. Kaya lang ay na-busy din kasi ako kahapon kaya naman nawala talaga sa isip ko. Isa pa ay hindi rin naman kasi ako bumaba para mag-lunch kaya hindi ko talaga maalala. Parang bigla tuloy akong na-guilty dahil tinarayan ko siya kahit na ipapaalala lang naman niya ‘yong pangako ko kahapon. “S-sorry, nakalimutan ko na kakain nga pala tayo,” pag-amin ko sa kanya. Akala ko pa nga ay kukulitin niya pa ako pero ngumiti lang siya. “Ayos lang, next time na lang,” sabi naman niya at lumabas na kaya naman naiwan na akong mag-isa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD