Chapter 29

2386 Words
“He actually claimed that the quality of my beauty column didn't even measure up to the standards of those social media advertisements,” narinig kong sabi ni Jessica kaya naman napatingin ako sa pwesto nila. “Claiming that my fashion selections are even more awful than the celebrities' red carpet outfits,” sabi naman ni Henry. Tapos na silang maghanda ng snacks kaya naman nagku-kumpulan na silang lahat sa mesa. Bigla tuloy akong na-guilty dahil ang lungkot ng mga itsura nila. “Stating that you want to yawn after reading my article. So that's how my articles can relax you, is that it?” naiinis na sabi naman ni Steven. At dahil tapos na rin naman na kaming maghanda ng kape ay lumapit ako sa pwesto nila para ibigay ang sa kanila. “I’m so sorry everyone. I’m sorry for laughing earlier, hindi ko talaga sinasadya,” sabi ko pa habang isa-isang inaabot ang kape nila. Pakiramdam ko kasi ay kasalanan ko kaya naman naging gano’n ang mood ng meeting kanina. Nahihiya tuloy ako sa kanila dahil kabago-bago ko pa lang ay grabe na ang abalang nagawa ko. Kaya naman mag-aaral talaga ako mamaya, ire-review ko ‘yong mga magazines. “’Wag na nga nating pag-usapan ‘yong kanina, nakakasira lang ng mood, ikain na lang natin ‘to,” sabi naman ni Kathy kaya naman hindi na ako umimik pa. Nagsimula na rin naman na silang magsikainan kaya naman naupo na lang din ako at nagsimulang kumain. Hanggang ngayon ay wala pa rin si Miss Carol, mukhang hindi pa sila tapos mag-usap ng editor-in-chief. Hindi ko alam pero hindi pa rin kasi ako mapanatag, kailangan ko rin kasing makausap si Miss Carol para makapag-sorry ako sa kanya. Ito na kasi ang pangalawang beses na tinulungan niya ako, pakiramdam ko tuloy ay ang pabigat ko sa grupo. No’ng una ay naabala ko ‘yong shoot kahapon dahil sa ilang pictures na na-delete, ngayon naman ay ‘yong nangyari sa meeting kanina na hindi ko naman sinasadya talaga. “The submission deadline for the fifth anniversary edition won't be far off. And now we have to start again from scratch?” reklamo naman ni Deborah. “If sir Alexander keeps acting in this way, how are we supposed to live?” sabi naman ni Debb. “You're right. Such harsh comments come from him. Before, he was the CEO, okay, so what makes him so great?” sabi naman ni Kathy kaya naman napatingin sa kanya ang lahat. Nagtataka tuloy siyang tumingin sa amin kung bakit gano’n ang naging reaksyon ng lahat sa sinabi niya. “Ikaw na nagsabi, CEO siya before,” simpleng sagot naman ni Debb kaya naman napatango si Kathy ng ma-realize niya ang sinabi niya. Napatulala na lang din tuloy siya habang kumakain. Tahimik na nakikinig lang ako sa kanila dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko kung sakali. At saka kahapon lang din nabanggit sa akin ‘yong gagawin na 5th anniversary magazine edition. Pero ‘yong iba pang details regarding do’n ay wala pa kaya naman hindi ko rin gano’n masundan ‘yong usapan. “He didn't say anything incorrectly, in my opinion,” singit naman ni Bryan. “Although he used harsh words, his argument was reasonable. Our magazine is having a lot of issues right now,” dagdag niya pa kaya naman napatango ang iba. May ganap din pala si Bryan, akala ko kasi ay puro pangungulit lang ang alam niya. “Pero hindi naman natin totally kasalanan na gano’n ang nangyari. Currently, there is a fierce market competition. And we're already second or third, which I believe is really nice,” sabi naman ni Jessica kaya naman napatango rin ako. I know na mas okay at mas beneficial sa magazine kung laging nasa top. Pero kasi minsan ay hindi rin talaga maiiwasan na may mas mangunguna dahil gano’n naman talaga. Hindi sa lahat ng panahon ay ikaw ang nasa itaas. Kaya naman naiintindihan ko rin sila. “The attitude of being content with our current circumstances, being overly confident in our abilities, and being contented with our work, in my opinion, is what Sir Alexander dislike the most about us. Have you guys given it any thought?” sabi pa ni Bryan kaya naman tila napaisip ang lahat. Hindi naman sa pagiging judgmental, pero akala ko talaga no’ng una ay puro kalokohan lang ang alam niya, na ang hilig niya ay ang pangungulit. Kaya naman medyo naninibago ako na makita at marinig siya na nagsasabi ng ganitong bagay. “Have we put any effort into coming in second? We have the biggest distributor and biggest finance source in the company. Absolutely nothing has been done by us,” dagdag niya pa. “Ayos ka lang ba? Have we been idle? Okay fine, sabihin mo na gano’n nga ang nangyari. But it doesn't give him the right to start insulting us as soon as he gets here,” inis na sabi naman ni Steven. Sabagay, parehas naman silang may punto. “Oo nga naman. Wala pang ilang araw siyang nandito pero na-insulto na agad tayo,” sabi naman ni Henry. Kung gano’n ay mukhang na-offend nga talaga sila sa mga sinabi ni sir Alexander, sabagay, hindi ko rin naman kasi sila masisisi, medyo harsh naman talaga ‘yong mga comments ni sir Alexander kanina. Saka nakakatakot din kapag nagkamali ka, kasi grabeng sermon din talaga ang aabutin mo, nakakahiya lalo na at hindi naman na kami mga bata. Understandable naman sa part na professionals at working na kami, pero nakakapanliit lang talaga kapag nangyari ‘yon. “He's just arrogant, that's all,” inis na sagot muli ni Steven. Kahit hindi niya sabihin ay palagay ko ay hindi niya gusto ang pamamalakad ni sir Alexander. Nakalulungkot tuloy marinig na hindi siya gusto ng karamihan. Pero kasi ay pangalawang araw niya pa lang naman, baka mahigpit lang talaga siya dahil nga malapit na ang anniversary. Okay, bakit ko ba siya pinagtatanggol? Masyado kong tina-traydor ang sarili ko. Hindi ko na alam kung ilang beses na akong napahiya sa harapan niya at napagalitan pero humahanga pa rin ako sa kanya. Ganito siguro kapag inlove. Mukhang totoo pala ‘yong sinasabi nila na nakakatanga ang pag-ibig. “Bahala kayo, babalik na nga ako sa pwesto ko. Baka mamaya ay mapagalitan na naman tayo dahil hindi tayo nagta-trabaho,” sabi ni Deborah at nauna ng umalis. Sumunod naman na sa kanya ang iba kaya naman iilan na lang din kaming naiwan. Hanggang sa ilang minuto pa ang lumipas at umalis na rin silang lahat. Akala ko nga ay aalis na rin si Bryan pero napansin ko na nakatingin siya sa akin kaya naman napakunot ang noo ko sa kanya. Mangungulit na naman kaya ‘tong lalaki na ‘to? Wala pa naman ako sa mood ngayon. “Kailan mo ako ililibre ng lunch?” tanong niya. Akala ko pa naman kung anong sasabihin niya dahil ang seryoso niya masyado makatingin, ‘yon pala ay magpapalibre lang siya. Gusto ko sanang sabihin na hindi naman ako pumayag sa gusto niya pero hindi ko na sinabi, baka kulitin na naman niya kasi ako. “Sige na, mamayang lunch,” sabi ko na lang. Baka kasi kapag tumanggi ako ay mas lalo niya lang akong guluhin. Ngumiti naman siya at nag-thumbs up pa bago umalis kaya naman mag-isa na lang ako ngayon rito. Hindi rin ako makaalis agad dahil nagi-guilty pa rin ako. Pero wala namang mangyayari kung paiiralin ko ang guilt ko. Babalik na sana ako sa pwesto ko kaya lang ay nakita ko na nando’n na si Miss Carol kaya naman dumiretso ako papalapit sa kanya. Mukhang ang lalim pa ng iniisip niya dahil hindi niya ako napansin kaagad. “Miss Carol, I’m so sorry about what happened earlier,” sabi ko sa kanya. Nang tumingin naman siya sa akin ay hindi ko maiwasan na mapayuko dahil sa hiya. “It’s okay, ano ka ba, hindi mo naman sinasadya,” sabi niya pa kaya naman mas lalo akong nahiya sa kanya. bakit ba naman kasi ang bait-bait niya masyado. Mas okay pa sa akin na pinapagalitan ako para hindi ako nagi-guilty ng sobra. Matapos din naming mag-usap ni Miss Carol ay pinabalik na niya ako sa pwesto ko kaya naman sinimulan ko na ring gawin ‘yong mga task na binigay sa akin. Mabilis na lumipas ang oras dahil abala na rin kaming lahat sa ginagawa. Pare-parehas naman kaming nagulat ng biglang may malakas na ingay. Akala ko na tuloy kung anong nangyari, ‘yon pala ay hinampas ni Steven ang mesa niya. Mabuti na lang at wala akong sakit sa puso, kaya lang ay sa sobrang dalas ko mag-kape ay ang bilis ko nerbyosin. “Nakakainis! A blogger disclosed what was going on at the fashion show in Paris. Why are we still interviewing a fashion icon, then?” reklamo niya pa habang napapasabunot na lang sa sarili niya. “The first fashion show ended a few hours ago,” komento naman ni Debb kaya naman parang mas lalong nanlumo si Steven. “That quick? Ang bilis masyado. Prior to publication, we still have two more weeks,” sabi naman ni Jessica kaya napatingin ako sa kalendaryo sa harap ko. Wala pa man pero nararamdaman ko na magiging madalas na ang pag-overtime namin dahil sa dami ng gawain. Kahit wala silang sabihan ay ramdam ko na ang frustrations ng bawat isa. Nakakaloka naman pala kasi ang mga ganap dito, bukod sa fast pacing ay tamabakan din talaga. Kaya naman kaunting pagkakamali lang ay lahat magdudusa dahil kailangang ayusin ang articles. Bigla namang natahimik ang lahat kaya naman napaangat ako ng tingin at do’n ko lang napansin na lumabas ng opisina niya si sir Alexander. Wala naman akong ginawang mali pero ewan ko ba at kinakabahan ako. Parang lagi na tuloy ako mapa-praning kapag makikita ko siya. “Steven, natapos mo ba ‘yong article regarding Paris’ fashion show?” tanong niya kaya naman lahat kami ay napatingin kay Steven. Mas lalo tuloy kaming natahamik, parang kakasabi niya pa lang kasi kanina na may problema dahil do’n sa blogger pero ito ngayon si sir Alexander at hinahanap na ‘yong article. “Ahh… Uhm…” hindi naman siya makasagot agad dahil siguro hindi niya alam paano maipapaliwang ‘yong nangyari. “Anyway, I'm going to give you a phone number whether or not you're finished. Go talk with them. They are in charge of the fashion show's official PR. For this season's fashion show, you must get the official scoop,” Sir Alexander said. Pa-simple tuloy na napangiti ang iba dahil sa sinabi niya. Mukhang ginamit ni sir Alexander ang connections niya para makakuha kami ng exclusive scoop. Pagkatapos no’n ay humarap naman siya kay Miss Carol. “Additionally, I want to give the cover photo and full page photos for the upcoming three months in our US, China, and South Korea issues to this fashion show. Please let the fashion department know.” Alam kong hindi naman ako kasali sa usapan pero hindi ko mapigilan na pa-simpleng makinig sa kanilang dalawa. Medyo nakakapanibago lang kasi na kusang nagbibigay na agad siya ng idea o gagawin. Normally kasi ay hinahayaan niya muna kami, kapag hindi niya nagustuhan ay saka lang siya kikilos. “However, our international issues have never brought us any resources,” sabi naman ni Miss Carol. Hindi ko na tuloy sila masundan kung ano na ang pinag-uusapan nila. Hindi pa naman kasi natuturo sa akin ang part na ‘yan kaya naman hindi ko pa magets. Mukhang marami-rami tuloy ang aaralin ko mamaya. Pero hindi ko maiwasan na ma-amaze habang nakatingin sa likuran ni sir Alexander. Kahit na ilang beses na niya akong napagsabihan, napahiya sa harapan niya hindi pa rin naman nawawala ‘yong paghanga ko sa kanya. “You don't have to speak to them personally. Let the senior fashion department executive draft the memo. The global market is already fully occupied. We are the only location where it is still a possibility to grow. This is a good place to start.” Kung titignan tuloy ay sobrang layo naming dalawa. Sobrang professional ng dating niya. ‘Yong tipong kapag may business meeting, kahit isang sentence lang ang sabihin niya ay mapapa-yes ka kaagad. Pakiramdam ko tuloy ay sobrang liit ko kung ikukumpara sa kanya. Sabagay, sino ba naman ako para patulan niya. At saka mabuti na lang, hindi rin naman ako umaasa dahil hanggang crush o paghanga lang talaga ako. Alam ko naman na hindi ako kagandahan kaya naman bakit pa ba ako aasa na may magkakagusto sa isang katulad ko. “Okay, I understand,” sagot ni Miss Carol. Matapos ‘yon ay dumiretso na rin siya pabalik sa opisina niya kaya naman nakahinga na rin ako ng maluwag. “Let's get started, everyone,” dagdag pa ni Miss Carol kaya naman bumalik na ako sa ginagawa ko. “I see that Sir Alexander has a lot of skill,” narinig kong bulong ni Kathy sa katabi. Katapat ko lang naman kasi sila ng pwesto kaya naman naririnig ko ang usapan nila. “Well, he’s not bad,” sabi naman ni Steven. Palihim tuloy akong napangiti dahil parang nagbago agad ang tingin nila kay sir Alexander. “Hindi ko alam na ganitong klaseng tao ka pala. Even earlier this morning, you said that he is conceited,’ panloloko naman ni Bryan kay Steven. Hindi naman pala siya gano’n makasarili. Alam kong masamang manghusga ng tao pero pumasok kasi sa isip ko na wala siyang pakialam kung may masaktan man siyang tao base sa kung paano siya makitungo sa amin. But in fact, hindi naman talaga siya gano'n. Mukhang hindi lang siya expressive pero halata naman na may paki pa rin siya sa ibang tao. Sana lang ay kagaya ko, magbago rin ang pananaw nila tungkol kay sir Alexander. At isa pa, dalawang araw pa lang naman namin siyang nakakasama, paniguradong mas makikilala pa namin siya kapag nagtagal. Kung kanina ay parang wala akong gana, ngayon naman ay nakangiti ako habang tinatapos ko ang mga gawain ko. Sana lang talaga ay magtulot-tuloy na gano’n siya at ako na hindi na magkamali pa. Kaya naman mas sisipagan at mas gagalingan ko pa sa mga susunod na araw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD