Chapter 28

1838 Words
“What plan do you then have? Share it with us,” seryosong sabi niya pa sa malalim na boses kaya naman bahagya akong natigilan. Pinagsisisihan ko na agad ‘yong ginawa ko kanina less than five minutes ago. Sana talaga ay nanahimik na lang ako, edi sana ay wala ako sa ganitong sitwasyon. “To be really honest, sir, I didn't comprehend a lot of what you were saying earlier,” pag-amin ko. Hindi ko naman kasi talaga maintindihan ‘yong ibang term na sinasabi nila dahil ngayon ko lang narinig ang mga ‘yon. Nag-review at nag-aral naman ako kagabi pero hindi ko naman makukuha agad lahat. Pero kasi habang nagbibigay sila ng idea ay napapansin ko na sumasang-ayon ‘yong iba, kaya naman sa palagay ko ay maganda ‘yong mga suggestions nila kung okay para sa iba. Hindi ko lang magets talaga kung bakit hindi niya pinapakinggan ng buo ‘yong suggestions nila. “I apologize, sir. She is the new hire that we moved from the Fashion Department,” narinig kong sabi ni Miss Carol kaya naman napayuko na lang ako para magtago sa harap ng laptop ko. Ito na ang pangalawang beses na nag-sorry para sa akin si Miss Carol, nahihiya na tuloy ako sa kanya. “From Fashion Department?” “Yes, sir,” kinakabahan na sagot ko. Ramdam ko na ang sakit ng hita ko dahil sa pagkurot na ginagawa ko, mabuti na lang at hindi nila napapansin ‘yon dahil sa mesa. Hindi naman ako pasmado, pero ngayon ay ramdam ko na parang pinagpapawisan na ang mga kamay ko. “Regarding the suggestions made by the other editors, you are not entitled to give any advice. Just chuckling when you feel like it. So even in your situation, you have to let Miss Carol speak for you?” dahil sa sinabi niya ay parang dumoble ‘yong kahihiyan na naramdaman ko. Parang gusto ko na lang talagang maglaho ngayon. Mas malala pa ‘yong kahihiyan na nararamdaman ko ngayon kaysa ro’n sa kahapon na insidente. At sa mga oras na ‘to, gusto ko talagang makausap si Hershey para magsumbong. Gusto ko na lang din talagang bumalik sa dati kong department. “I apologize, sir. I don't really intend it that way,” paghingi ko ng tawad. “You're only supposed to record the meeting's minutes, right? You are no longer required to participate in the meeting,” sabi niya pa kaya naman agad akong napatingin sa kanya. Hindi naman siguro gano’n ka-grabe ‘yong nagawa ko dahil simpleng napangiti lang naman ako, hindi nga ngiti ‘yon actually. Hindi ko tuloy lubos maisip kung gano’n ba talaga kalala ‘yong nagawa ko o sadyang may galit lang talaga siya sa akin dahil sa pagkakamali na nagawa ko kahapon. Parang gusto ko na tuloy maiyak pero pinigilan ko lang ang sarili ko. First meeting ko ‘to kasama ang buong team kaya naman hindi pwedeng basta-basta na lang ako umalis at hindi mag-participate. “I’m sorry, sir,” pagso-sorry ko ulit dahil baka sakaling magbago pa ang isip niya at hindi ako palabasin. Kaya lang ay mukhang buo na ang pasya niya na paalisin ako. “Go. Do not waste everyone's time,” sabi niya pa habang hindi nakatingin sa akin. Napatingin na lang din tuloy ako sa iba at parang naaawa pa sila sa akin. Kaya naman napayuko na lang ako dahil sa hiya. Kahit siguro ilang beses pa akong mag-sorry ay hindi na magbabago ang desisyon niya kaya naman pinatay ko na ang laptop ko at lumabas na. Pagbalik ko sa pwesto ko ay napatulala na lang ako dahil sa nangyari. Bakit ko ba naman kasi ginawa ‘yon. Dapat talaga ay nanahimik na lang ako para hindi na niya ako napansin pa. At saka grabe naman, napansin niya pa ‘yon? Halos magtago na nga ako sa harap ng laptop kanina para lang hindi niya makita. Hindi ko tuloy maiwasan isipin na binabantay niya ang lahat ng galaw ko. Feeling ko tuloy, any moment ay pwede akong mawalan ng trabaho, mukhang naghihintay lang siya ng tamang pagkakataon para reasonable ang pagkakatanggal ko. Pero hindi naman siguro siya gano’n, baka naiinis lang ako kaya nasabi ko ang mga bagay na ‘yon. Napasabunot na lang tuloy ako sa sarili ko dahil sa frustrations. Kung kanina ay ang good mood ko, ngayon ay para na naman akong pinagbagsakan ng langit at lupa. Napatingin naa lang tuloy ako sa labas ng meeting room dahil naiinggit ako ngayon. Ito na sana ‘yong magandang time para marami pa akong matutunan tungkol sa department na ‘to pero nasayang pa dahil napalabas ako. At habang nakatingin do’n ay may biglang naisip ako na idea. Dahil mag-isa lang naman ako ngayon dito sa labas ay dahan-dahan akong lumapit sa gilid ng meeting room. Nakasara naman ang blinds kaya kung sakali na sumilip sila ay walang makakakita sa akin. Matapos kung humanap ng maayos na pwesto ay napangiti ako ng marinig ko ang pinag-uusapan nila. “I had already read your magazines. Information that can be gathered by conducting simple web and other agency searches. You know, when I see the cover topic, I want to yawn,” narinig kong sabi ni sir Alexander. Kahit hindi ko siya nakikita ay parang nai-imagine ko na ang pagiging arogante sa mukha niya. Ayoko man siyang i-judge pero ganon talaga siya. Siguro dahil bago siya maging associate director namin ay siya ang CEO nitong kumpanya? Pero may nabasa na rin akong article before na mayabang daw talaga si sir Alexander, pero hindi ako naniwala ro’n dahil ‘yon pa ‘yong panahon na gustong-gusto ko siya, kaya naman hindi ako naniwala. Ngayon kasi ay sakto na lang. Gusto ko pa rin naman siya pero hindi na nga lang katulad no’ng dati. “The two-year-old report was revised and redone. The reports lack substance and are excessively lengthy. None of your previous publications meet my criteria, based on my standards,” dagdag niya pa. Kahit wala ako sa loob ay parang ramdam ko ang tensyon. Mukhang okay din pala na napalabas ako ngayon. Kasi kung nasa loob ako ay baka mapalabas din ako any moment. Habang nakikinig din sa meeting ay nagt-take down notes pa rin ako, mabuti na nga lang at nakakuha ako ng notepad. “In the market, the former Selfesta held a highly prominent position. But I do hope that moving forward, you can let go of everything from the past and start over,” sabi pa ni sir Alexander. “You want to raise us to one of the top three magazines globally, then?” palagay ko ay si Bryan ‘yong nagsalita. Dahil palagi niya akong kinukulit ay pamilyar na rin sa akin ang boses niya. Pakiramdam ko tuloy mamaya ay aasarin niya ako dahil sa nangyari. “I'm sorry, sir, but I have to mention a few things. We aren't the first in the world, in fact. However, in the Philippines, people prefer to read useful information,” sabi naman ni Miss Carol. Hanggang ngayon pa rin ay ang malumanay niya magsalita. Nakakagaan tuloy ng pakiramdam. “So a fashion magazine should allow readers make their own decisions rather than telling them what is best. Do you mean to imply that, Miss Carol?” sabi naman ni sir Alexander. Ilang segundo matapos niyang magsalita ay naging tahimik ang lahat. Buti na lang talaga at wala ako ro’n sa loob, kung hindi ay baka ako na ang napagbuntunan niya. May narinig pa akong kung anong ingay pero hindi ko naman matukoy kung ano ‘yon dahil hindi ko makita ang loob. “Please come prepared tomorrow for our meeting,” sabi ni sir Alexander at sunod na narinig ko ay paghakbang kaya naman dali-dali akong tumakbo pabalik sa pwesto ko. Sakto namang pagkalabas niya ay nakaupo na ulit ako kaya. Napansin ko naman na tumingin siya sa pwesto ko kaya naman tumayo ako dahil baka may gusto siyang sabihin pero umalis na rin siya agad. Mukhang tinignan niya lang kung nandito pa rin ako. Napaupo na lang din tuloy ulit ako. Ilang saglit pa ay lumabas na rin ang lahat at parang ang lungkot ng itsura nila. Sabagay, hindi ko naman sila masisisi. Grabe rin kasi ‘yong mga sinabi ni sir Alexander kanina. Lahat tuloy sila ay parang walang gana na bumalik sa pwesto nila. Nakita ko naman si Miss Carol na huling lumabas. Lalapit sana ako sa kanya para mag-sorry kaya lang ay dumiretso siya sa opisina ng editor-in-chief, kaya naman naupo na lang ulit ako. Kailangan ko talagang mag-aral mamaya para naman hindi na ako mapalabas sa meeting bukas. “Everyone, sinong gustong mag-coffee break muna?” narinig kong sabi ni Miss Jenn kaya napatingin ako sa kanya. Napansin ko naman na nakataas ang kamay ng ilan kaya naman nagtaas na lang din ako. Nakapag-breakfast naman ako kanina pero hindi pa ako nakakapag-kape. “Let’s go on the tea room.” Sumunod naman kami sa kanya papunta sa snack and tea room. Buti na lang talaga at hindi gano’n ka strict ‘yong working hours namin, kaya naman pwede kaming mag-coffee break. Sayang lang dahil walang ganito sa Fashion Department. Do’n kasi ay kapag gusto mong mag-kape ay kailangan mo pang pumunta sa cafeteria sa ibabang floor, iba pa kasi ‘yong cafeteria na pang-lahatan. Dito kasi ay nasa loob din ng opisina ‘yong tea room kaya naman hindi na need lumabas pa, tipid din sa time. Napansin ko naman na mag-isa lang na nagti-timpla ng kape si Miss Jenn kaya naman lumapit ako sa pwesto niya at tinulungan siya. Habang ang iba naman ay naghahanda ng simpleng snacks and pastries na pwede naming kainin. “Thank you, Cheska,” wika ni Miss Jenn kaya naman ngumiti ako sa kanya. “Ayos ka lang ba?” tanong niya pa kaya naman tumango ako. “Yakang-yaka ko ‘to, Miss Jenn,” sagot ko naman kaya natawa siya. Mabuti na lang talaga at mababait dibn ‘yong mga katrabaho ko rito kaya naman hindi na ako gano’n na naiilang. Kahit na bago lang kasi ako ay ramdam ko na welcome na welcome ako sa team nila. “Hindi mo natapos ‘yong meeting. Siguro ay abangan mo na lang ‘yong minutes of meeting kay Debb, siya kasi ang nagtuloy,” sabi naman niya kaya nagpasalamat ako. “Actually, Miss Jenn, natapos ko ‘yong meeting,” sabi ko sa kanya kaya naman nagtataka siyang napatingin sa akin. “Nakinig kasi ako sa labas kanina kaya naman narinig ko ‘yong mga sinabi ni sir Alexander,” dagdag ko pa kaya naman tumango siya. “Kaya naman bukas, be prepared and try to keep a serious face. Para hindi ka na niya mapansin,” she said. “Yes, Miss Jenn. Tatandaan ko ‘yan,” sabi ko pa sa kanya kaya naman nginitian niya ako. Kailangan ko talagang maghanda para sa meeting bukas para hindi na ako mapalabas pa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD