Chapter 27

1776 Words
Pagkagising ko kanina ay paranng ang gaan ng pakiramdam ko kaya naman ang good mood ko habang papasok sa trabaho ngayon. Siguro dahil nailabas ko rin ang sama ng loob ko kahapon pagkauwi. Mukhang nakatulong din talaga na iniyak ko ‘yong nangyari kahapon. Dati naman, kapag napapagalitan ako ay hindi ko masyadong dinadamdam ‘yong mga sinasabi sa akin. Dahil na rin siguro iniisip ko na that’s for my own good na rin and for the betterment me accomplishing the tasks. Pero parang iba kasi ‘yong kahapon, siguro ay hindi ko lang ini-expect na mapapagalitan ako ng gano’n, at ni sir Alexander pa na crush ko. Hindi ko ma-explain pero grabe talaga ‘yong hiya na naramdaman ko that time. Parang gusto ko talagang maglaho sa kinatatayuan ko. Naisip ko pa nga na sana ay may kapangyarihan ako to turn back the time para naman makabalik ako sa time before the incident happen. Pero syempre, hindi naman totoo ang kapangyarihan kaya naman sobrang imposible no’ng iniisip ko. Mabuti na nga lang after no’ng shoot ay hindi na kami nagkita pa ulit ni sir Alexander. Hindi ko alam kung saan siya pumunta pero ayos na rin ‘yon, at least hindi ako maiilang. Pagkatapos ko rin naman kasi mag-ayos at magligpit ng mga props kahapon ay umuwi na rin ako agad. Gustong-gusto ko na kasi talagang makauwi no’n kaya naman nagmamadali rin ako. Sa totoo lang kasi, may nabasa ako before, na kapag nasaktan ka, nalungkot, naging masaya, o kung ano man ang naramdaman mo, dapat ay ilabas mo. Na you don’t have to bottle up everything. Like kung nasaktan ka pwede kang umiyak, kung naging masaya ka pwede kang tumawa, at kung frustrated ka you can bent it out. Kaya naman umiyak ako kagabi. Alam ko na nagkamali ako pero nasaktan din kasi ako. After that, ilang beses kong sinuntok ‘yong unan ko, dahil sa sobrang frustrations ko. Naiinis din kasi ako sa sarili ko kaya naman inilabas ko na lahat ng hinanakit ko kagabi. I let it all out. Kaya naman ang good mood ko rin today. Pagpasok ko pa nga ay binati ko silang lahat, isa-isa. Nagtataka pa nga sila kung bakit ang saya-saya ko pero nginitian ko lang sila. Technic ko rin kasi ‘to, plano ko na ngumiti buong araw hangga’t kaya ko para naman maiwasan ko na magkamali. Hindi ko pa rin naman kasi gamay ‘yong mga ginagawa rito sa department lalo na at second day ko pa lang naman. Kaya naman dahil do’n ay susubukan ko na aralin lahat ng ginagawa. Narinig ko na may papalapit sa pwesto namin kaya naman naghanda na akong tumayo para sana batiin kung sino man ‘yon, kaya lang ay nahinto ako sa pagtayo ng makilala ko kung sino ang papalapit. Nang magtama ang tingin naman ay agad akong umiwas at bumalik sa pagkakaupo. “Be ready in fifteen minutes, we will have our meeting,” narinig kong sabi niya. Sunod no’n ay narinig ko ang papalayong hakbang kaya naman palagay ko ay bumalik na siya sa opisina niya. Dahan-dahan naman akong sumilip dahil baka mamaya ay nand’yan pa siya, pero mabuti na lang at wala na. At dahil maya-maya pa naman ang meeting ay inayos ko muna ang gamit ko, kararating ko lang din kasi kani-kanina kaya naman hindi pa ako tapos mag-ready. Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula na rin sila mag-ayos para sa meeting. “Let’s go to the meeting,” narinig kong sabi ni Jessica kaya naman kinuha ko na agad ang laptop ko at saka notebook. Pagkatapos kong maghanda ay hindi rin ako makatayo kaagad dahil parang hindi pa ako ready na makita si sir Alexander. Feeling ko kasi ay mainit pa ang dugo niya sa akin dahil sa nangyari kahapon. Saka lang ako napatayo sa kinauupuan ko ng mapansin ko si Miss Carol. “Observe, listen, and learn more during the meeting. You will become accustomed to it gradually,” mahinahon na sabi niya kaya naman ngumiti ako sa kanya. Hindi ko alam pero parang nakagagaan ng pakiramdam kapag kausap ko siya. “Yes, Miss Carol” sagot ko sa kanya kaya naman ngumiti siya pabalik. “You can afterwards maintain meeting minutes, right?” tanong niya pa kaya naman tumango ako sa kanya. “Sure, miss,” sagot ko pa at naghanda na para sa meeting namin ngayon. Pagpasok ko sa loob ay kumpleto na ang lahat at naghahanda na rin. Ilang minuto na lang din ang lumipas ay dumating na rin si sir Alexander kaya naman nagsimula na rin kami sa meeting namin. “We have already had enough time to get to know one another. Please make an effort this time to demonstrate your ability to do quality work,” he said kaya naman parang kinabahan ako bigla. Ang seryoso niya kasi masyado kaya naman nakadagdag din ‘yon sa kaba ko. “Yes, sir,’ sagot naman namin. Feeling ko naman ay hindi lang ako ang kinabahan dahil parang hindi rin komportable ‘yong iba. Ilang beses naman na akong naka-attend ng meeting pero ewan ko ba at parang iba ‘yong meeting namin ngayon, para tuloy kaming hahatulan. “Please provide me a thorough explanation of your proposed topic within the next two minutes using the five-year anniversary as the main theme,” seryosong sabi niya pa. Nabigla naman kami dahil sa sinabi niya, medyo mahirap kasi ‘yong gusto niyang mangyari, like paano mo mae-explain ng maayos ‘yong idea mo kung two minutes lang ang allotted time. “Two minutes? Definitely a foreign-style,” narinig ko pang bulong ni Henry habang nagpapanggap na tinitignan ang laptop niya. Mabuti na lang at hindi gano’n kalakas ang pagkakasabi niya kaya naman kaming katabi niya lang ang nakarinig no’n. “Let’s begin,” seryosong sabi niya pa. Wala namang nakapagsalita agad pagkatapos niya. Siguro ay lahat din kabado dahil baka mamaya ay mapagalitan din sila ni sir Alexander. Parang habang tumatagal tuloy ay nagbabago na ang pananaw ko sa kanya. Kung dati ay gusto ko siya, ngayon ay parang unti-unti na ‘yong nababawasan. Sa nakikita ko kasi ay parang iba ‘yong ugali niya sa inaasahan ko. Naisip ko naman tuloy si Hershey. Wala naman kasi siyang nabanggit sa akin na pinapagalitan siya ni sir pero hindi ko maiwasan na ma-imagine. Sa tagal niya kasing nagta-trabaho bilang secretary ni sir Alexander ay imposible na hindi pa siya napapagalitan. Parang gusto ko tuloy siyang makausap agad para alam kung anong nangyari. Kaya lang ay hanggang ngayon ay wala pa rin siyang paramdam sa akin, nagaalala tuloy ako. “We have always considered publishing articles concerning the publicized private lives of celebrities. To demonstrate to the reader their perspective on lifestyle and beauty,” narinig kong sabi ni Jessica kaya naman itinuon ko na ulit ang atensyon ko sa meeting. Mukhang may gusto pa sanang sabihin si Jessica pero nagsalita na agad siya. “You only provide wire copies for interviews, yet you still anticipate that they will be open to having their private lives made public? Please stop wasting everyone's attention on unimportant subjects,” natahimik tuloy ang lahat dahil sa sinabi niya. “My suggestion is a list of essentials that all women under the age of 30 must own,” suggestion naman ni Debb. “Another idea,” agad na sabi ulit ni sir Alexander kaya naman hindi na natapos pa ni Deb bang gusto niyang sabihin. Hindi ko ini-expect na magiging ganito kahigpit at kaperpekto sa trabaho si sir Alexander. Kaya rin siguro naging successful siya sa murang edad. Sunod naman na nagsalita ay si Jenn. “For our fifth anniversary edition, we've decided to create a mix-and-match album featuring an island getaway based on the magazine's past sales records and the topic that will be covered afterward, which will include a report on a celebrity wedding. Three of the most well-known runaway models have been invited. I've already had a phone conversation with them.” “Summertime with an island theme. So inventive, huh? Next.” “I’m planning on inviting an established fashion designer and fashion blogger to do a product knowledge—“ suggestion naman ni Henry pero hindi na siya pinatapos pa ni sir Alexander sa pagsasalita. “Next.” “This is how I'm thinking. I'm considering compiling an album of all those young models to compare their differences,” sabi naman ni Kathy. “Another one,” sabi ulit ni sir Alexander. Sana pala ay hindi na siya nagbigay ng two minutes na time kung hindi niya rin naman pala pakikinggan at patatapusin ‘yong mga nagsasalita. Hindi ko tuloy mapigilan na mainis sa kanya dahil do’n. Pangalawang araw ko pa lang pero parang quota na agad sa akin si sir Alexander. Kapag nag tuloy-tuloy pa na ganito ang mangyari ay baka unti-unti nang mawala ang paghanga ko sa kanya. Alam ko naman na he works professionally, pero para kasing dini-disregard na niya agad ‘yong idea kahit hindi pa naman niya tapos pakinggan. Sana pala ay sinabi na lang niya na may iba na siyang kino-consider na sagot para naman hindi na kami naglalaro pa ng hulaan dito. Parang sayang kasi ‘yong oras at effort namin kung ganito lang din pala ang nangyayari. Edi sana ay hindi na nagpa-meeting, edi may natapos pa kaming ibang task. Ang dami ko pang reklamo sa isip ko pero pinigilan ko na lang na mag-isip ng kung ano-ano para iwas bad vibes. Dahil do’n ay nakinig na lang ulit ako sa pinag-uusapan dahil kailangan kong i-note kung ano ang mangyayari sa meeting ngayon. Ilan pa ‘yong nag-suggest pero gano’n pa rin ang sagot niya. Ewan ko ba kung nagmamaang-maangan lang ba siya o hindi niya ba talaga nararamdaman na parang hindi na kami interesado sa meeting na ‘to? Hindi ko tuloy maiwasan na mapa-smirk na lang. “Why are you smiling?” agad naman akong napaangat ng tingin ng marinig ko ‘yon. Nagpalinga-linga pa ako sa mga katabi ko para hanapin kung sino ang sinabihan ng gano’n pero nakatingin silang lahat sa akin. Bigla tuloy akong kinabahan dahil pati sila ay seryosong nakatingin sa pwesto ko. “You dare to laugh?” At do’n ko nga nakumpira na ako nga ang sinasabihan ni sir Alexander ng gano’n. Pa-simple ko tuloy kinurot ang hita ko dahil ako na naman ang may kasalanan. Wala pang ilang araw ang nakalilipas simula no’ng nangyari kahapon pero ito na naman ako, may nagawa na namang mali. “All they stated doesn't seem to have made much of a difference, that's all,’ nasabi ko na lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD