Chapter 26

2469 Words
Dahil do’n ay mas binilisan ko pa ang pag-aayos sa mga damit dahil nabago na ang theme. Ibig sabihin ay panibagong set na naman ng damit ang kailangan kong ayusin. Napaunat na lang tuloy ako dahil nangangalay na rin ang mga kamay ko. “Prepare the clothing and makeup, please. And Jessica, please take the models, okay?” utos ni Miss Carol kay Jessica at agad naman ‘tong kumilos. “Come on over, Debb and Cheska,” tawag naman sa aming dalawa. Agad ko namang iniwan ang ginagawa ko at dali-daling lumapit sa pwesto niya. “Debb, take charge of the clothing and get everything ready,” utos niya kay Debb kaya naman agad ‘tong kumilos. Buti na lang at tapos ko nang ayusin ‘yong mga damit na pinaayos sa akin kanina. Kaya lang ay panibagong set ang aayusin niya dahil nga nabago ang theme ng shoot. “Please bring over all of the spring scenery props that we have already prepared, Cheska. In particular, the flowers. Please bring everything else as well, we have prepared a lot of them,” she said. “Sure, Miss Carol,” sagot ko naman at umalis na rin para kunin ‘yong mga props. Medyo marami ‘yong bulaklak na kailangan ilipat kaya naman ihuhuli ko na lang sila para hindi masira. Inuna ko munang kunin ‘yong ibang props like the chairs, fake trees, and everything. Medyo nahirapan pa ako sa paglipat dahil mabigat ‘yong ibang props pero kaya naman. Matapos ilipat ang mga ‘yon ay sunod ko nang kinuha ‘yong mga bulaklak. Totoong bulaklak kasi ‘yong gagamitin kaya naman mas maingat ako sa paglipat. Ito kasi ang main props para sa spring scenery na theme kaya naman kailangan doble ingat talaga sa paglipat. Sakto namang pagpasok ko ay narinig ko na hinahanap na ‘yong mga bulaklak.” Where are the flowers? Wala pa ba?” Mas binilisan ko naman ang pagkilos dahil kanina pa pala nila ‘to hinihintay. “Ito na, Miss Carol,” sabi ko at ipinakita ang mga bulaklak na dala-dala ko. “Be quick and go up there,” utos niya kaya naman agad akong kumilos. “Henry, buy more candies and jellies to give to the kids.” Dumiretso na ako sa gitna para ayusin ‘yong mga bulaklak. Muntik pa akong mapatid pero mabuti na lang at nabalanse ko agad ang katawan ko. Nang tignan ko ang sahig ay may wire pala sa lapag na hindi ko nakita. Hindi ko na lang pinansin ‘yon at inayos na ang mga bulaklak. Hindi ko alam kung paanong ayos ang gusto nilang mangyari kaya naman hinilera ko na lang ng maayos ‘yong mga bulaklak, para kung sakaling ipapabago nila ay madali lang ayusin ulit. Habang abala sa pag-aayos ay parang mas lalong umingay ang paligid, may narinig pa nga akong sumigaw pero hindi ko rin naman naintindihan ‘yong sinabi kaya naman hindi ko na lang pinansin. “Hey!” Agad naman akong napalingon sa likuran ko dahil parang may tumatawag sa akin. “Ikaw ba ‘yong nakasipa sa wire?” tanong sa akin no’ng photographer kaya naman dahan-dahan akong tumango. Hindi ko alam kung bakit, pero parang bigla akong kinabahan. “Hindi mo ba napansin ‘yong wire?” tanong naman sa akin ni sir Alexander kaya naman natigilan ako sa ginagawa ko at agad na napatayo. Ngayon ay nakatingin na sa akin ang lahat kaya naman napayuko ako. “Namatay ‘yong server dahil sa ginawa mo kaya naman hindi na-save lahat ng pictures na kinuha kanina,” inis na sabi pa no’ng photographer kaya naman mas lalo akong napayuko. Parang gusto ko tuloy maglaho sa pwesto ko dahil sa kahihiyan. “I'm sorry, sir, hindi ko napansin,” paghingi ko ng tawad. Unang araw ko pa lang pero grabe na agad ‘yong pagkakamali na nagawa ko. Hindi ko kasi talaga napansin ‘yong wire kanina dahil hindi ako makayuko dahil sa mga bulaklak na dala ko, nagmamadali rin kasi ako kanina. “Cheska, if you cross that line in the studio, we all need to be careful not to move anything,” wika naman ni Miss Carol. Mas lalo tuloy na parang gusto ko nang magpakain na lang sa kinatatayuan ko dahil sa sobrang hiya. Nakakainis naman, bakit ba kasi hindi ako nag-iingat. “Miss Carol, I truly had no idea. Pasensya na talaga,” paghingi ko ulit ng pasensya. Agad naman akong umalis sa gitna dahil baka makadisgrasya na naman ako. This time ay nagdahan-dahan ako sa paglalakad dahil baka mamaya ay may masagi na naman akong kung ano. “I'm sorry, sir. She just joined our department. I should have told her about this sooner, but I didn't. She is not yet familiar with the rules,” paghingi ng paumanhin ni Miss Carol kay sir Alexander. Mas lalo tuloy akong nahiya para sa sarili ko, dahil kasi sa kapalpakan na nagawa ko ay nadamay pa sila. “I’m so sorry, sir,” pagso-sorry ko ulit. Sabi na nga ba. Sana talaga ay pinilit ko na si Bryan na ibalik ako sa Fashion Department. Dahil sa nangyari ay hindi tuloy ako makatingin ng diretso kay sir Alexander dahil sa kahihiyan. Lagi na lang nangyayari ‘yong ganito, na sa tuwing nasa iisang lugar kami ni sir Alexander ay napapahiya ako. “Leave first, you are no longer needed here,” seryosong sabi pa ni sir Alexander. Sa sobrang tahimik ay rinig na rinig ko ang sinabi niya. Pakiramdam ko tuloy ay wala na akong mukhang maihaharap pa sa kanya. “Cheska, ikaw na lang muna ang bumili ng mga candies at jellies para sa mga bata,” sabi naman ni Miss Carol. “Sige na, kami na ang bahala rito,” dagdag niya pa kaya naman tumango na lang ako. Tuluyan na akong lumabas ng studio dahil pinapaalis na rin naman na ako ro’n. Gusto kong maiyak dahil sa nangyari pero wala namang magagawa ang luha ko kung iiyak ako. “Kainis ka naman kasi, Cheska, bakit hindi ka nag-iingat,” sermon ko pa sa sarili ko. “Cheska!” agad naman akong napalingon sa tumawag sa akin. “Bago ka bumili no’ng candy, bumalik ka muna sa opisina, gusto kang makausap ng editor-in-chief,” sabi ni Henry. “Sige, dadaan ako ro’n. Thank you, Henry,” sagot ko sa kanya. Bumalik na rin siya agad sa loob dahil marami pa siyang gagawin. Kinabahan naman tuloy ako bigla dahil sa sinabi niya. Expected ko na mapapagalitan ako pero hindi ko alam na ganito kabilis makakarating sa chief editor namin ‘yong nagyari. Parang wala pang five minutes ang nakalilipas simula no’ng mapagalitan ako. Sana talaga ay pagalitan lang ako at ‘wag tanggalin sa trabaho. Hindi ko afford mawalan ng trabaho, lalo na at ang hirap din makapasok. Habang pabalik tuloy ng opisina ay grabe ang kaba na nararamdaman ko. Ang bilis tuloy ng t***k ng puso ko, para bang naka-tatlong kape ako na sunod-sunod kong ininom. Pagbalik ko sa opisina ay dumiretso naman ako sa mismong opisina ng chief editor. At dahil nakabukas naman ang pinto ay dumiretso na ako sa loob. Pagpasok ko ay nadatnan ko siya na naghihintay na sa akin habang umiinom ng tsaa. Mas lalo tuloy akong kinabahan dahil ang seryoso niya masyado. “Good afternoon, miss. I'm Francheska Constantine. I am the one that was moved from the fashion department,” pakilala ko sa sarili ko. “Do you know why I invited you here?” seryosong tanong niya na mas lalong nakapagpakaba sa akin. Kabado man ay pinilit ko na kalmahin ang sarili ko para makasagot ng maayos sa kanya. “Sorry about earlier. I'm aware that I made a serious mistake back there.” “And not just that. What's wrong with you?” Nabigla naman ako sa tanong niya dahil hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin. “What’s wrong with your hair? Your outfit? Looks completely out of style.” “Miss?” nasabi ko na lang. Napahawak tuloy ako sa buhok ko para ayusin kung magulo ba, wala naman kasing salamin dito kaya hindi ko makita kung ano ng itsura ko ngayon. Pagkatapos ay inunat-unat ko rin ang damit ko kahit na hindi naman gusot. “What exactly is that? Why is that stain there?” turo niya sa damit ko kaya naman napayuko ako. Agad kong hinanap ‘yong tinutukoy niya at nang mapansin ko ‘yon ay napahinga ako ng maluwag. Akala ko pa naman ay kung anong stain na ang tinutukoy niya. “I must have spilled some sauce when eating earlier and it got on my clothes. Later, when I go down, I can simply wipe it off with some wet wipes.” “Oh my! How is it possible for me to see such an outdated person in Selfesta?” nagulat pa ako dahil bahagyang tumaas ang boses niya. Pero hindi naman siya sa akin nakatingin habang nagsasalita. “Do you realize how much I adore a stunning appearance?” at saka siya muling humarap sa akin. “Uhm—“ hindi ko na natuloy pa ang sasabihin ko dahil muli siyang nagsalita. “For this, I want that everyone I see at Selfesta has fashionable clothing, bags, and jewelry. Okay?” “Yes, miss. However, this is how I typically look,” paliwanag ko naman sa kanya. “Don't look for excuses. You must stick to our Selfesta style as long as you are working here in our department. Understand?” Nagulat pa ako dahil muling tumaas ang boses niya. Hindi naman siya galit, mukhang gano’n lang ata siya magsalita, tumataas ang boses. “Alright, miss. Selfesta style,” sagot ko na lang para mapanatag ang loob niya. “Make sure of that. I'll keep an eye on you. You can now leave,” sabi niya pa kaya dahan-dahan na akong umatras. “Yes, miss. Thank you,” paalam ko sa kanya at tumalikod na para lumabas. Nagtataka man ay tumuloy na lang ako sa pag-alis. Hindi ko alam kung nakalimutan niya lang ba akong pagalitan o kung ang concern niya talaga ay ang ayos ko. Bukod kasi sa buhok at damit ko ay wala naman na siyang ibang nabanggit pa. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong mapanatag dahil do’n. Pero imbes na isipin pa ‘yon ay dumiretso na lang agad ako sa pinakamalapit na convenient store para bumili ng candies para sa mga bata. Pagkatapos kong bilhin ang mga kailangan ay bumalik na rin agad ako sa studio. Alam kong pinaalis ako kanina ni sir Alexander pero kailangan ko pa rin bumalik. Ang dami ko pa kasing kailangan din tapusin. Siguro ay hindi na lang ako dadaan malapit sa kanya para hindi niya ako mapansin. Baka kasi kapag napansin niya ako ay magalit na naman siya kaya naman iiwas na lang ako para safe. Pagdating ko sa studio ay nag-aalangan pa ako kung papasok na ba ako o mamaya nalang. Pero baka mamaya kasi ay kailangan na ‘tong candy para sa mga bata kaya naman dumiretso na ako sa loob. Mabuti na lang at naabutan ko si Henry pagpasok ko kaya naman sa kanya ko na ipinaabot ‘yong candy. Magkatabi kasi sina Miss Carol at sir Alexander kaya naman delikado kung lalapit pa ako kay Miss Carol kaya mas mabuting si Henry na lang ang mag-abot. Pagkatapos kong magpasalamat sa kanya ay lumapit ako sa pwesto ni Debb para mag-presenta na tapusing ayusin ‘yong mga damit. Mas okay na ito ang ginagawa ko dahil nasa sulok ako kaya naman hindi kapansin-pansin ang pwesto ko. At least, ligtas ako sa paningin ni sir Alexander. Ilang oras pa ang lumipas ay natapos din ang photoshoot kaya naman isa-isa na rin nag-alisan ang iba. Tumulong naman ako sa pagliligpit ng mga gamit pero pinanatila ko ang distansya sa pwesto ni sir Alexander. Mukhang abala rin naman sila kaya naman siguradong hindi nila ako mapapansin agad. Matapos ang ilang minuto pa ay umalis na rin sila kaya naman iilan na lang kaming naiwan dito sa studio para mag-ayos. Wala naman masyadong kalat bukod sa balat ng mga candy kaya naman hindi na kailangan pang mag-walis. Ang alam ko rin kasi ay may naglilinis din naman kasi rito. “Cheska, ako na ang bahalang magligpit sa mga damit. Pakibalik na lang siguro sa stock room ‘yong ibang props,” Jessica said. “Yes, ako na ang bahala,” sagot ko sa kanya kaya naman umalis na siya para iligpit ‘yong mga damit. Hindi naman na gano’n karami ‘yong kailangan ayusin dito dahil nailigpit na nila Henry at Kathy ‘yong iba. Ngayon ay mag-isa na lang ako rito sa studio kaya naman hindi ko na kailangan magmadali. Wala na rin naman na akong gagawin sa opisina mamaya dahil anong oras na rin. Kanina pa kasi ang uwian namin, kaya lang ay napa-overtime kami ngayon dahil sa shoot. Siguro kung hindi pinabago bigla ‘yong theme ay kanina pa ako nakauwi at nakapagpahinga. Napaupo na lang din tuloy ako sa sahig dahil sa dami ng nangyari ngayong araw. First day ko pa lang pero grabe na ‘yong mga nangyari. Nalaman ko na si Bryan ‘yong dahilan kung bakit ako nalipat sa department na ‘to. Kanina ko lang din nalaman na simula ngayon ay makaka-trabaho ko si sir Alexander. Nakulong pa kami sa stock room dahil biglang sumara ‘yong pinto. At ‘yong kanina na nasagi ko ‘yong wire kaya naman hindi na-save ‘yong ibang picture sa unang photoshoot. Napasubsob na lang tuloy ako sa tuhod ko dahil sa frustrations. Pero wala naman akong magagawa dahil kasalanan ko ‘yong nangyari kanina. Nasaktan lang talaga ako no’ng pinaalis ako ni sir Alexander. Isa pa ay nakakahiya rin sa iba, first day na first day ko ay nakaabala agad ako. Siguro kung nasa Fashion Department pa rin ako ay hindi ako magkakamali ng ganito. At hindi rin ako mapapahiya katulad ng nangyari kanina. Pero ayos lang, at least sa susunod alam ko na ang dapat gawin at dapat iwasan. Napahiya at nasaktan ako kanina pero ayos lang, parte naman ‘yon ng trabaho ko. Saka normal lang naman na magkamali at mapagalitan, basta ba ay hindi na maulit ‘yong nangyari. Bakit ko ba dinadamdam ‘yong nangyari? Normal lang naman na sa akin ang mapagalitan dahil sa dati kong trabaho ay halos araw-araw ata akong nase-sermunan ng boss ko. At saka first day ko pa lang naman dito. Hindi ko pa alam kung ano ‘yong mga dapat at hindi dapat gawin. Ngayon lang din naman kasi ako naging part ng isang photoshoot. Kaya ayos lang ‘yan, kaya ko ‘to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD