“Cheska!” narinig kong tawag sa akin kaya naman agad akong lumapit sa kanya. “Please help me grab reflectors from the stock room,” she said.
“Sure,” sagot ko sa kanya. Iginilid ko na lang din muna ‘yong mga nakakalat sa mesa ko.
“Okay, thank you,” sabi niya pa. Agad din naman akong tumayo para dumiretso na sa stock room. Nalibot na rin naman nila ako kanina sa buong opisina kaya naman alam ko na kung saan dapat pumunta para kumuha ng mga kailangan na gamit.
Pagdating sa stock room ay nagulat pa ako dahil sa laki nito. Parang nagmukha tuloy na mini warehouse ang lugar. Nakita ko lang din naman kasi ‘to sa labas kaya naman hindi ko ini-expect na malawak at malaki pala ang space nito sa loob.
At dahil hindi pa naman ako pamilyar sa mga nandito ay nagtingin-tingin muna ako, para tuloy akong nagwi-window shopping sa ginagawa ko. Hindi ko pa naman kasi kabisado kung saan nakalagay ‘yong mga reflectors kaya naman mas mabuti na magtingin-tingin muna.
“Oh my!” muntik pa akong mapasigaw ng malakas, mabuti na lang at natakpan ko agad ang bibig ko. “G-good afternoon, sir,” nauutal na sabi ko pa. Ramdam ko ang bilis ng t***k gn puso ko hindi dahil sa kilig, kung hindi dahil sa nerbyos.
Sobrang nagulat kasi talaga ako kanina, akala ko pa naman ay mag-isa lang ako. Mas nakakagulat pa na makita si sir Alexander dito sa stock room. Parang bigla tuloy akong nataranta. Hindi ko alam kung ako lang ba pero parang ang awkward masyado kaya naman mabilis kong hinanap kung nasaan ‘yong reflectors, para na rin makaalis din ako kaagad.
"Ah, I'm here to grab some items, they need me to get these pictorial materials for them," nasabi ko na lang para hindi masyadong tahimik.
Ang awkward kasi talaga, idagdag mo pa na parang nakakabingi ‘yong katahimikan. Bukod pa ro’n ay nakatingin siya sa ginagawa ko kaya naman ramdam ko ang bahagyang pangingig ng mga kamay ko. “Uhm, may kailangan ka rin bang kunin dito, sir?”
“Nope. I'm just taking a look around,” sagot niya kaya naman tumango-tango ako. Hindi ko na rin kasi alam ano pa sasabihin ko sa kanya. Isa pa ay hindi ako komportable na kausap siya ngayon, pakiramdam ko kasi ay baka magkamali na naman ako sa harapan niya. Nakakahiya.
At dahil wala na rin naman na akong sasabihin ay binilisan ko na lang ang pagkuha ng reflector para makaalis na rin ako kaagad. Kung dati, gusto ko na araw-araw siyang makita, ngayon ay parang binabawi ko na ang mga sinabi ko rati. Masaya naman ako na araw-araw kaming magkikita, kaya lang ay natatakot ako na baka magkamali na naman ako.
Naalala ko kasi, no’ng college ako, may naging crush din ako na kasama ko sa club. Actually, siya ‘yong president ng club namin, ng journalism club. Gusto ko pa nga siyang maging ka-close no’n, kaya lang kapag sinusubukan ko na makipag-kaibigan sa kanya ay lagi ko lang napapahiya ang sarili ko. Hay naku, naalala ko na naman mga kahihiyan na nangyari no’n.
Matapos kong ma-kumpleto ang mga kailangan kong kunin ay pa-simple muna akong tumingin kay sir Alexander. Mukhang abala siya sa pagtingin ng mga materials kaya naman pa-simple sana akong aalis para hindi ko na siya maabala pa. Kaya lang ay hindi pa man ako nakakahakbang, biglang sumara ng pagkalakas-lakas ang pinto kaya naman parehas kaming nagulat.
Agad kong binitawan ang hawak-hawak ko at mabilis na dumiretso sa pinto para tignan kung anong nangyari. Nang subukan ko na buksan ang pinto ay ayaw bumukas kaya naman ilang beses ko pang sinubukan pero hindi talaga bumubukas ‘yong pinto.
At saka ko lang napansin na wala rito sa loob ‘yong lock ng pinto kaya naman mataas ang tyansa na na-lock kami ngayon dito. Napansin ko naman na lumapit sa pwesto ko si sir Alexander kaya naman gumilid ako para makita niya ang nangyari. Baka kasi mamaya ay masyado lang akong malamya kaya hindi ko mabuksan ang pinto.
“What’s wrong?” agad na tanong niya ng makalapit, napaurong tuloy ako lalo dahil masyadong magkalapit ang pwesto namin.
“Biglang na-lock 'yong pinto, sir. When I entered, it was still open. Kasi iniwan ko 'yan na nakabukas,” paliwanag ko naman. Baka kasi mamaya ay isipin niya na kasalanan ko ang nangyari. Pero bakit naman kaya biglang nagsara ‘tong pinto, hindi naman mahangin sa labas.
Alam ko na walang may kasalanan ng nangyari pero parang bigla akong na-guilty dahil ako ang huling pumasok. Kaya naman sinubukan ko ulit na buksan ang pinto. Kahit na ilang pihit ang gawin ko ay naka-lock talaga, ilang beses kong sinipa pa ang pinto pero wala pa ring epekto.
Nagulat naman ako ng biglang may humawak sa braso ko. “Wala ring sense kung pipilitin mo na buksan ‘yan dahil nasa labas ang lock ng pinto. We have no choice but to wait for someone,” he said. Matapos niyang magsalita ay dahan-dahan akong umatras, mukhang napansin niya naman ‘yon kaya naman binitawan na niya ako.
Agad ko namang kinapkap ang bulsa ko para sana kunin ‘yong cellphone ko, pero late ko na rin na-realize na hindi nga pala ako nagdala ng cellphone dahil iniwan ko ‘yon sa mesa ko. Napa-face palm na lang tuloy ako dahil pakiramdam ko ay matatagalan pa bago kami makalabas dito.
Pero saka ko lang din napansin na may dala palang cellphone si sir Alexander nang mapansin ko na may tinatawagan siya. Pero ilang segundo na ang nakalipas ay wala pa rin sumasagot sa tawag niya, mukhang wala pa atang signal dito sa loob dahil hindi ma-direct ‘yong call.
“Hello? Do you hear me? I'm currently trapped in the stock room… Bring someone quickly to open the door.” Matapos ‘yon ay ibinaba na niya ang tawag. Binalot na tuloy kami ng katahimikan. Hindi ako sanay na masyadong tahimik dahil pakiramdam ko ay nabibingi ako.
Napansin ko na nakatingin sa akin si sir Alexander kaya naman agad akong umiwas ng tingin. Hindi ako mapakali dahil nakatingin pa rin siya sa akin kaya naman muli akong bumalik kung saan nakalagay ‘yong mga reflectors at muling kinuha ‘yong mga kailangan ko.
Matapos ‘yon ay naupo na lang ako sa isang gilid para hindi niya mapansin agad. Ewan ko ba pero naiilang talaga ako sa mga tingin niya, siguro ay dahil hindi rin ako sanay na tinitignan ako ng gano’n. Kung ibang babae siguro ang tinignan niya ng gano’n ay baka kibikilig na ‘yon ng todo.
Mas gusto ko kasi na nakikita ko lang siya sa malayo, mas okay sa akin ‘yon. Kaysa kagaya ‘yong ngayon, ‘yong araw-araw ko siyang makikita at makakasama sa opisina. Pakiramdam ko kasi kapag nagtagal ay wala mawala ‘yong paghanga ko sa kanya.
Bigla ko tuloy na-miss si Hershey. Nasaan na kaya ‘yong babae na ‘yon. Hanggang ngayon kasi ay wala pa rin akong naririnig mula sa kanya. Nakakahiya naman kung direkta kay sir Alexander ako magtatanong, baka isipin niya pa ay ang chismosa ko kaya ‘wag na lang.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating din si Miss Carol na may kasamang security guards. Napatayo tuloy ako bigla dahil makakalabas na rin kami sa wakas. Hindi ko kaya 'yong ganito katahimik, parang nai-stress tuloy ako bigla.
“Are you okay?” narinig kong tanong ni Miss Carol. Mukhang hindi niya ata alam na nandito rin ako sa loob. Lalapit sana ako sa pinto para magpakita rin kaya lang ay sinimulan na nilang buksan ‘yon kaya naman nanatili na lang ako sa gilid.
Saglit lang din ay bumukas na ang pinto kaya naman nakahinga na ako ng maluwag. Dala-dala ang mga reflectors ay naglakad na rin ako papalapit sa pinto. Nang mapansin ako ni Miss Carol ay mukhang nagulat pa siya kaya naman pa-simple na lang akong ngumiti.
“Cheska? Why are you here as well?” nagtatakang tanong niya.
“Uhm, Debb asked me to come over here to fetch some things,” sagot ko at ipinakita ang dala-dala ko. Mabuti na lang talaga at dumating din sila kaagad.
“Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong niya pa.
“I'm fine now, Miss Carol. Kinuha ko lang talaga 'yong mga kailangan,” sagot ko sa kanya para hindi na siya mag-alala pa.
“Okay. Hurry and go then. Baka kanina ka pa hinihintay do'n.” Hindi naman na ako sumagot at nagpaalam na sa kanila. “Send someone from the Engineering Department right away to fix the door.” Narinig ko pang sabi ni Miss Carol habang papalayo ako sa pwesto nila.
Habang pabalik sa opisina ay medyo binagalan ko ang lakad ko. Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla akong nalungkot. Nababaliw na nga ata ako dahil ang bilis magbago ng mood ko. Hindi naman ako ganito na bigla-bigla na lang nalulungkot ng walang dahilan.
Habang naglalakad ay napansin ko si Bryan kaya naman agad akong yumuko at nag-iwas ng tingin. Sigurado ako na mangungulit na naman siya, at wala ako sa mood kaya naman ayoko muna makipagsabayan sa kanya.
“Hey, anong problema? Para kang pinagbagsakan ng langit at lupa,” sabi niya pa pero hindi ko siya pinansin. “Why do you usually look so dejected? Share mo naman kung bakit,” dagdag pa niya. Pero pinanindigan ko talaga na ‘wag siyang pansinin.
At mukhang nakuha naman niya ata na ayaw kong makipag-usap dahil hindi na siya sumunod pa sa akin. Kaya naman nagtuloy-tuloy na rin ako sa paglalakad hanggang sa makabalik sa loob. Pagpasok ko ay nagulat pa ako dahil nagkakagulo ang lahat. Parang bumalik tuloy ako sa araw na una akong pumunta rito sa Editorial Department.
-----
Nandito kami ngayon sa may studio dahil may nagaganap na photoshoot at ang team namin ang naka-assign don. Kaya naman sobrang busy ng lahat dahil ang daming kailangan gawin at tapusin. Kanina pa ako nag-aayos ng mga damit na susuotin ng mga model pero parang hindi naman nababawasan ‘yong inaayos ko.
Family Day ang theme ng photoshoot ngayon kaya naman sobrang dami nitong mga damit na kailangan ihanda. Habang inaayos ‘yong mga damit ay tinignan ko naman ‘yong iba at halos mataranta na nga rin sila sa dami ng kailangan asikasuhin. Pakiramdam ko tuloy ay ang chill ko masyado rito sa pwesto ko kahit na ang dami ko ring inaasikaso.
“Huh? Saan mo nakuha ang mga 'yan? Hurry and change it, now!”
“Hey, just write your letter, tell them to fix this first, and then let them to forward the items a little.”
At kung ano-anong utos pa ang naririnig ko. Hindi ko ini-expect na ganito pala talaga ang eksena sa likod ng camera. Habang todo pose ‘yong mga model ay nagkakagulo ang lahat para aasikasuhin ‘yong mga damit, props, at kung ano-ano pa.
Saglit naman akong napahinto sa ginagawa ko nang makita kong papasok si sir Alexander. Pakiramdam ko tuloy ay may hindi magandang mangyayari. Naalala ko kasi 'yong araw na nakita ko siya no'ng nasa Fashion Department pa ako. May audition no'n at grabe lang dahil pati 'yong hanger ay napansin niya.
“Miss Carol,” pagtawag niya. Hindi naman gano’n kalayo ang pwesto nila sa akin kaya naman naririnig ko ang usapan nila.
“Can you check these out? Are these alright? What do you think?” sunod-sunod naman na tanong ni Miss Carol kay sir Alexander. Sasagot na sana si sir Alexander kaya lang ay natigilan siya ng biglang tumunog ‘yong cellphone ni Miss Carol.
Habang abala sa pagtingin no’ng mga picture si sir Alexander ay napansin ko naman na nakakunot ang noo ni Miss Carol, dahil siguro sa kausap niya sa cellphone. Kahit hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila ay parang nai-stress din ako dahil sa reaksyon niya.
Para tuloy akong chismosa rito. Kaya naman imbes na maki-chismis pa ay inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtapos sa ginagawa ko. Patapos na rin naman na ako rito pero iilan pa rin ‘yong damit na kailangan ko ihanda. Pagkatapos ay isa-isa ko pa ‘yong ihi-hilera para hindi mahirapan ‘yong mga stylist.
“The chief editor called. She claimed that the current main theme is problematic. The entire blue backdrop is overly regional. She instructed us to change the theme,” narinig kong sabi ni Miss Carol. Napaangat tuloy ako ng tingin dahil mukhang seryoso ‘yong usapan.
“Do you have any back-up themes?”
“We do have some, yes,” sagot ni Miss Carol at saka tumingin-tingin sa paligid. “Steven! Halika rito sandali.” May iba pa silang pinag-usapan pero hindi ko na masyadong marinig dahil medyo umingay.
“Two backups are available. The first is a summer theme, and the second is a springtime backdrop. These two are available,” rinig kong sabi naman ni Steven.
“However, I believe the springtime backdrop could be more fitting. Look at these initially. This is how it would seem,” sabi naman ni Miss Carol. Parang na-curious tuloy ako kung ano ang pinag-uusapan nila. May iba pa kasi silang sinasabi na hindi naman maintindihan.
“Let's first give it a try,” pag-sang-ayon naman ni sir Alexander sa suggestion ni Miss Carol.
“Please pay attention, everyone! Let's switch the focal point. Change it to spring scenery for the backup plan. Right now.”
“Yes, miss,” sagot naman namin.