“Bakit, ano bang problema? Ayaw mo ba rito?” Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakasagot sa kanya.
“It's because I used to work in the fashion department. That is the reason,” pagdadahilan ko na lang.
“You feel quite anxious because of the Editorial Department, is that right?”
“Hmm,” pag-sang-ayon ko sa sinabi niya.
“It's okay. Workplace pressure can be found anywhere. However, let me tell you, isn't your level of anxiety a little bit over the top right now?”
“Huh?” nasabi ko na lang dahil sa gulat.
“Anyway, it's alright. Just bring me food the next time. And you still owe me something,” sabi niya pa at saka pumasok na sa loob. Naguguluhan man kung anong tinutukoy niya ay sumunod na lang din ako papasok sa loob.
Kaya lang ay napatigil ako sa paglalakad ng bigla siyang humarap sa akin. Nagtataka tuloy akong nakatingin sa kanya dahil nasa gitna pa kami.
“You owe me a huge favor, you see. You have been moved from our Magazine Department to the Fashion Department, thanks to my efforts. Have you heard about that? Our editing team wants to hire a recent graduate who wanted to gain experience initially,” mahabang wika niya.
Nanatili naman akong nakatingin sa kanya habang nagsasalita siya. Malinaw kong narinig ang mga sinabi niya pero para bang ibang lenggwahe ang sinasabi niya dahil hindi ko siya maintindihan.
“But after some thought, I realized that you do a really fantastic job of working. So why not simply transfer you to our department? I deserve all the credit,” patuloy niya pa. At sa mga oras na ‘to ay parang gusto ko na maglaho ngayon ang lalaking nasa harapan ko. Kung gano’n ay siya pala ang dahilan ng lahat.
“Don't you think it would be nice to go out to dinner with me?”
So ito pala ‘yong tinutukoy niya na utang ko sa kanya. Akala ko pa naman ay tungkol do’n sa pagkakabangga ko sa kanya. Ang daming mas magaling sa akin at mas gustong lumipat pero ako pa ang napili. Mukhang totoo nga ‘yong kasabihan na “kapag hindi mo ginusto, makukuha mo.”
“Then, if you'll move me back to the Fashion Department, can I treat you for an entire week?” kulang na lang ay lumuhod na ako sa harapan niya para lang ibalik niya ako sa department namin kaya lang ay hindi ko nagustuhan ang sagot niya.
“Ayos ka lang ba? Our department is greater than the fashion department. Is it because you're so anxious?”
“Please, just send me back,” sabi ko pa kaya lang ay wala talagang epekto. Kung alam ko lang talaga ay sana hindi ako masyadong nagsipag, sana ay hindi ko ginawa ang best ko. At mas lalong sana ay hindi ko tinanggap ‘yong task na pinagawa nila sa akin.
“Don't worry. I will assist you since part ka na ng team namin,” wika niya pa at tinapik-tapik ako sa balikat. Sasagot pa sana ako kaya lang ay narinig ko na tinawag ang pangalan ko.
Nagda-dalawang isip pa nga ako kung lalapit ba ako agad pero naka-dalawang tawag na sa akin kaya naman lumapit na agad ako. Habang papalapit sa pwesto niya ay nakayuko lang ako dahil baka mamaya ay mapansin ako ni sir Alexander. May nakaharang naman na blinds sa opisina niya pero baka mapansin pa rin ako yumuko pa ako, kulang na nga lang ay gumapang pa ako.
"Anong problema, ayos ka lang ba?” nagtatakang tanong ni Ms. Carol kaya naman tumango ako. “Okay, let's go to the coffee shop and have a cup of coffee, then,” sabi niya pa.
Ewan ko ba pero parang ang weird talaga ng mga tao rito. Una si Bryan, kanina ko pa napapansin na parang wala naman siyang ginagawa samantalang busy ‘yong iba. Sunod naman ay si Miss Carol, imbes kasi na magbigay siya ng gawain ay niyayaya niya pa akong magkape.
“Hindi na miss, ayos lang ako,” pagtanggi ko dahil nahihiya rin ako. Saka ngayon ko pa lang din naman kasi sila nakilala kaya naman ang awkward pa. Hindi katulad sa Fashion Department na nakakausap ko halos lahat.
“Fine, then doon na lang tayo sa tea room,” sabi niya na lang at nauna na maglakad. Nakakahiya naman kung hindi ako susunod sa kanya kaya naman umayos na ako ng tayo at mabilis na naglakad.
Napansin ko, ang bongga rin pala ng department na ‘to, bukod kasi sa solo nila ang isang floor ay sobrang lawak ng working space. Bukod do’n ay may snack and tea room pa, kaya naman kung gusto mong mag-kape o mag-miryenda muna ay hindi na kailangan bumaba pa.
Pagdating sa tea room ay nagsimula na agad mag-timpla si Miss Carol kaya naman naupo na lang ako sa gilid. Wala rin naman kasi akong maitutulong kung lalapit pa ako sa kanya kaya naman hihintayin ko na lang siya na matapos.
“Is Americano okay?” tanong niya kaya naman tumango ako at nagpasalamat. Agad ko namang kinuha ang kape na inaabot niya. Parang unti-unti na tuloy ako nagkaka-interest sa department na ‘to. Mukhang malaking impact sa akin na may sarili silang snack and team room.
Kaya lang ay mas lamang pa rin sa akin na gustong bumalik sa dati kong department. Mamaya nga ay kakausapin ko ulit si Bryan kung pwede niya akong ibalik, tutal siya naman ang nag-recommend sa akin dito kaya naman posible na magawan niya ng paraan para makabalik ako.
“You did a great job organizing the files and data I requested previously. Have you ever worked in this field before?” tanong niya kaya naman saglit kong ibinaba ang baso na hawak ko.
“I used to work in a small printing company while I was in college. And some students requested for help organizing and proofreading their research papers.”
“That's great. Are you interested in working in our editorial department for the following three months?”
“T-three months?” pag-uulit ko pa.
“Yes. For the next three months, we'll be really busy, so we truly hope you'll stay with us,” bigla tuloy akong napaisip kung kakayanin ko ba na mag-stay dito ng tatlong buwan. Kaya lang ay nandito si sir Alexander kaya naman hindi ako sigurado.
“Honestly, I believe the Fashion Department is a better fit for me, Miss Carol,” pag-amin ko.
“You know, after seeing our department, you were the first person to want to return to the fashion department. May I ask why that is?”
Akala ko ay magagalit siya kung bakit aayaw ako pero malumanay pa rin siyang nakikipag-usap kaya naman hindi ako nahihirapan na sumagot sa mga tanong niya. Sana nga lang ay tama ang desisyon na pipiliin ko. Isa pa ay mukhang maganda nga talaga sa department na ‘to, kaya lang ay hindi ako sigurado.
“Because I'm afraid I can't live up to the expectations.” Hindi naman talaga mababa ang self-esteem ko, pero ewan ko ba parang hindi ako confident ngayon. Biglang hindi ko na rin maintindihan kung anong nangyayari sa akin.
Biglang humarap sa akin si Miss Carol kaya naman napaayos ako ng upo. “Cheska, right? Let me explain. There are many things that are learned when working after we leave the school. If you choose not to, everything will be based solely on knowledge from books.”
Hindi ko makuha ang gustong iparating niya pero nanatili akong nakikinig. Habang nakatingin at nakikinig sa kanya ay para bang ang gaan-gaan ng pakiramdam ko. Ang lumanay din kasi magsalita ni Miss Carol kaya naman hindi ako nahihiyang magpaliwang sa kanya.
“Selfesta is a fashion magazine with a readership between the ages of 20 and 50. It is distributed in almost 50 different countries. We publish information from the Philippines on an annual basis in the range of 40 to 50 percent. The editors are tasked with coming up with the rest.”
Selfesta. Ang kakaiba naman ng pangalan ng magazine na ‘to. Hindi kasi ako mahilig magbasa ng magazine kaya naman hindi ko alam ‘to, pero parang pamilyar itong pangalan ng magazine. Sabagay, sikat din kasi ‘tong kompanya naman paniguradong kilala rin ang magazine na ‘to.
“Only fashion, beauty, and special section articles fall under our scope. Fashion includes advertisements, fashion news, and other related items. When it comes to beauty, everything like skin care, cosmetics, weight loss, and wellness are important. In terms of information, things like movies, designs, culture, interviews, and information on these trending subjects are all listed in a special column.”
Kung gano’n ay ang lawak din pala ng sakop ng magazine na ‘to. Mukha rin madaling pakinggan ‘yong mga dapat gawin pero sa totoo lang ay mukhang paguran talaga. Lalo na at magiging busy pa sila sa susunod na tatlong buwan. Ang tanong ay kakayanin ko ba?
“You have approximately a fifty percent understanding of it if you understand them,” dagdag pa ni Miss Carol. Naintindihan ko naman ‘yong mga sinabi niya. Kung gano’n ay mukhang nakukuha ko na rin kung paano ang gagawin pero kailangan ko pa rin ng guide.
“Regarding these, I believe I may have many questions later on.” Sa ngayon kasi ay wala pa naman akong tanong dahil naintindihan ko naman ang lahat ng ipinaliwanag niya, pero sa mga susunod na araw ay baka mangapa na ako. Iba pa naman kapag ginagawa mo na ‘yong task.
"Do you need any help, Associate Editor?" tanong ni Miss Carol kaya naman para akong na-estatwa sa pwesto ko. Napansin ko na may dumaan sa likuran ko kaya naman pa-simple ko na lang na ininom ang kape ko.
“No, I’m all good,” sagot naman ni sir Alexander. Hindi ako direktang nakatingin sa kanya pero napapansin ko na nagti-timpla na siya ng kape.
Mas lalong hindi tuloy ako mapakali sa pwesto ko. Napansin ko na papalapit siya sa pwesto ni Miss Carol kaya naman agad akong tumayo at pumunta sa gilid. Mukhang hindi pa naman niya ako napapansin kaya naman pa-simple ko na lang na binilang kung ilan ‘yong bote.
Pero hindi ko rin naman mabilang ng maayos dahil hindi ako maka-focus sa ginagawa ko. Gustuhin ko man na umalis agad kaya lang ay nakakahiya kay Miss Carol. Wala tuloy akong magawa kung hindi ang magpanggap na abala sa ginagawa ko.
“I had a look at the work schedule. And this afternoon there seems to be a picture?” tanong niya ng makalapit kay Miss Carol.
“Yes, there is,” maikling sagot naman nito.
“I'd like to look around and get to know the photographers.” Grabe, first day niya pa lang dito pero natignan na niya kaagad kung ano ang mga pwedeng gawin. Samantalang ako, ito, hindi pa rin sigurado kung mag-stay ba ako rito sa department na ‘to o pipilitin na bumalik sa dati kong lugar.
“Sure, it's okay. Are you going to meet them then?”
“No need. Anyway, there are still a lot of things that I want to check with you about.” At mukhang mapapatagal pa nga ang usapan nila. Hindi ko tuloy alam kung dapat na ba akong lumabas o hintayin silang matapos na mag-usap.
“Where do you want to talk, then? Here or at the office?”
“At office,” maikling sagot ni sir Alexander kaya naman nakahinga ako ng maluwag.
“Sure, let’s go,” sabi pa ni Miss Carol at tuluyan na silang umalis.
Pagkaalis nila ay muli akong bumalik sa pwesto ko at napayuko na lang. Hay, hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Alam ko naman na may protocol, pero sana kasi ay sinabihan muna nila ako bago ako pinalipat, hindi ‘yong agad-agaran na nasa ibang department na ako.
Kasalanan talaga ‘to ni Bryan. Kasi kung hindi niya ako ni-recommend ay sana may ibang nakakuha nitong trabaho. O kaya pwede naman na kung sino na lang ang may gustong lumipat ay ‘yon ang kinuha nila. Mas madali ko pa sanang matatanggap kung wala si sir Alexander.
Kaya lang ang malas ko dahil sabay pa kaming napunta rito. At saka, gaano katagal naman kaya siyang mag-stay dito? Kung siya ang magiging bago naming Associate Director, sino naman na kaya ang bagong CEO nitong kompanya?
Wala naman kasing naging announcement kaya naman hindi ko alam kung anong nangyayari sa hierarchy nitong kompanya na ‘to. Isa pa ay hanggang ngayon, wala pa rin paramdam si Hershey kaya naman wala akong mapagtanungan.
Inubos ko na lang ang kape na iniinom ko at bumalik na sa pwesto ko. Wala pa naman akong gagawin kaya naman mag-aayos na lang muna ako ng pwesto ko. At pakaupo ko pa lang ay lumapit kaagad sa akin si Bryan. Magkatapat lang naman kasi ang pwesto namin kaya naman nakalapit siya agad.
“What did you and Editor Carol talk about? And why are you disoriented?” tanong niya. Hindi ko alam na magpagka-chismoso pala ang lalaking ‘to. Sa lahat ng kakilala ko, siya ang kauna-unahang lalaking maraming tanong.
“Wala,” walang ganang sagot ko sa kanya.
“Hanggang ngayon ba takot ka pa rin? You have to defeat yourself, I tell you. There is a lot of dread in this world, but it is all just fiction. Kaya mo ‘yan,” sabi niya pa at bumalik na rin sa pwesto niya. Mabuti na lang dahil wala na rin akong lakas na makipag-usap muna sa kanya.