It’s been four days since the meeting of our department. At ngayong araw na rin ang audition for new models ng Model HR team.
We’re on our way to the basement, kung saan gaganapin ang audition for new models.
Tahimik kaming naglalakad ni Bettany habang nasa unahan naming si Ma’am Valerie. Kanina kasi ay pinatawag niya kami sa office at ngayong niya nga raw kami isasama sa pago-observe. Nakapagsimula na rin kami sa article na ginagawa namin, isinama rin kasi kami sa meeting ng Work Team kahapon kaya naman may mga na-notes ako.
Pagdating namin sa basement ay naabutan namin na naghahanda na sila Sir Marco.
“How far along are the models? How was the application?” pambunga na tanong ni Ma’am Valerie nang makalapit kami sa kanila.
“We prepared for today’s audition and we were going to filter through them first,” sagot ni Sir Marco.
“That’s right. By the way, how about the clothes? Did you bring all the clothes over?” muling tanong ni Ma’am Valerie.
“Yes. The clothes, we’ll move them over a little later.”
“Alright, then I’ll be back in an hour. Make sure to prepare everything.”
“Yes, ma’am,” they all said in unison at umalis na kami para bisitahin pa ang ibang team.
Habang papunta kami sa room ng designer team, bulong naman ng bulong ang kasama ko, buti at hindi siya napapansin ni ma’am.
“My ghad! So sakit na ng feet ko, I want to rest na,” maarteng reklamo niya. Kanina pa kasi siya nagre-reklamo na masakit na ang paa niya kalalakad, eh paano ba naman, kay taas-taas ng heels niya, akala mo naman siya ‘yong magmo-model.
‘Yan tuloy, magdusa siya mag-isa. Buti na lang naka-flats ako ngayon, hindi rin naman kasi ako sanay magsuot ng heels.
“Good morning, ma’am,” bati ng buong team ng mapansin kami kaagad.
“Good morning, how was the preparation going? You prepare everything, right?” muli kong nilabas ang maliit kong notebook para mag-notes, habang itong kasama ko, tamang chill lang sa pagtingin-tingin sa paligid.
“Preparation’s going good, ma’am. As of the moment, wala masyadong problema sa designs and clothes. And for the makeups, it’s all ready. Also, we’re hiring more makeups artist since this would be a big event,” paliwanag ni Ma’am Angel.
“Okay, good. Give me a report for today’s progress. Also, notify me if you need something, okay?”
“Noted, ma’am,” saot ni Ma’am Angel.
Pagkatapos makipag-usap sa Designer Team ay nagsabi na babalik na sa kanyang office si Ma’am Valerie at magkikita-kita na lang kami after an hour sa basement later.
“Okay, ma’am,” Bettany and I answered. Pagkaalis ni Ma’am Valerie ay dumiretso na ako sa cubicle ko.
Matapos ang kalahating ay wala na akong ginagawa, ‘yong mga sketch na pinagawa sa akin ay tapos ko na rin kahapon, nakapag-draft na rin ako mula sa mga notes na nasulat ko simula last Tuesday hanggang kanina.
At dahil bored na ako sa p’westo ko, naisipan ko na bumaba na agad sa basement para makapag-observe pa, pandagdag din sa article na sinusulat ko. Buti nga may photographer ng kumukuha sa mga behind the scene kaya hindi na hassle sa part namin. Parang journalist tuloy ang trabaho ko rito.
“Bettany, gusto mong sumama sa basement para mag-observe?” tanong ko sa kanya, nagse-cellphone na lang naman kasi siya kaya baka gusto niyang sumama.
“Nah, I’m really tired na. I’ll go down na lang later,” sagot niya pero sa cellphone niya pa rin siya nakatingin.
“Okay,” I said. Umalis na ako at hindi ko na siya pinilit pa.
“Good morning, sir,” batik o kay Sir Marco ng mapatingin siya sa akin.
“Oh, akala ko after an hour pa kayo babalik?”
“Yes, sir. Nauna lang ako kasi gusto kong makita kung paano kayo nagp-prepare for the audition, for the article purposes na rin po,” sagot ko sa kanya.
“Okay, help yourself na lang, we’re really busy as of the moment,” he said at bumalik na sa pag-aasikaso.
Nilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng basement at bawat empleyeado ay busy sa kanya-kanyang gawain. Naghahanda na rin ang mga models para mamaya.
“Make sure your numbers don’t fall off,” bilin ni Berna sa mga models. Bumaling naman siya kay Lorna na kasama niya sap ag-aasikaso. “Ilan pa ang kulang?”
“Lima pa ang hindi dumadating,” sagot ni Lorna habang tinitignan ang papel na hawak niya na mukhang listahan ng mga models.
“What? They’re late. Malapit na tayong magsimula.”
“Stranded daw kasi, ‘yong iba naipit sa traffic jam.”
“Sana inagahan nila, alam nilang importante ‘tong araw na ‘to. By the way, tawagan na agad ‘yong mga wala pa, bago pa makarating kay Sir Marco ‘yan,” bilin ni Berna sa kasama at inasikaso naman ang mga damit na gagamitin ng models.
Matapos ang ilang minuto ay dumating na ang ibang model, sakto naman ay napansin din sila ni Sir Marco. Patay! Nakita sila.
“What’s with the tardiness? Hurry up! Ma’am Valerie and the CEO will be here,” nagulat naman ako sa sinabi ni Sir Marco. CEO? Si Sir Alexander? Pupunta?
Okay, parang ang OA naman ng pagkagulat ko. Eh kasi naman, sa dalawang linggo na nagtrabaho ako rito sa kumpanya, hindi ko man lang siya nakakasalubong, bihira ko na nga rin makita si Hershey kasi sobrang busy daw talaga.
Buti, nagkaroon pa ng time si Sir Alexander na manood ng audition.
“Is everyone here? Ready na ba ang lahat?” tanong ni Berna sa mga models, maya-maya lang kasi ay magsisimula na ang audition.
“Kulang pa sila. Two of them aren’t here yet,” sagot naman ni Lorna.
“Two of them? Bakit? Nasaan na ba sila? It’s already past the starting time, maya-maya bababa na si Ma’am Valerie at Sir Alexander.”
“I’ll call them again.”
“Okay, kung wala pa rin sila after 5 minutes, we’ll start without the two,” sabi ni Berna at muling umalis.
Habang busy sa pag-aasikaso ang lahat, sakto naman ang pagdating ni Ma’am Valerie at Bettany.
“Marco, prepare everything, pababa na si Sir Alexander,” anunsyo ni Ma’am Valerie kaya naman lalong bumilsi ang pagkilos ng buong grupo.
“Yes, ma’am,” sagot ni Sir.
Well, naiintindihan ko kung bakit biglang nagbago reaksyon nila. Paano ba naman kasi, base sa naririnig kong chismis sa office kapag break time, bukod sa super gwapo si Sir ay super sungit din at perfectionist. Kaya naman kahit maraming umiiyak na empleyado dahil sa kanya, marami pa rin ang may gusto sa kanya.
And yeah, pati ako nagka-crush na kay, sir. Excited na tuloy akong ma-meet ulit siya for the second time.