Matapos maayos ang lahat mula sa mga models, dumiretso na kami sa mismong lugar kung saan gaganapin ang audition.
“Naayos niyo na ba ang mga damit—“ hindi na natapos ni Ma’am Valerie ang sasabihin niya dahil siya namang saktong pagdating ni Sir Alexander, habang nasa likod naman niya si Hershey na may dala-dalang tablet at folder.
“Good afternoon, Sir,” bati namin sa kanya ng makalapit siya.
“Good afternoon. How was the preparation going?” tanong niya kay Ma’am Valerie at saka sinuri ang buong lugar.
“Going good, sir,” sagot naman niya.
“Did you prepare all the music?” dagdag na tanong pa ni sir.
“Yes, sir. We prepared the music from the last season show and the clothes that will be use are on the hangers,” sagot ni Sir Marco at tinuro ang kanang bahagi ng basement kung saan naka-hanger ang mga damit.
Ilang segundong tinitigan ni Sir Alexander ‘yong mga damit na nakasabit sa gilid, kaya naman lahat kami ngayon ay kabado na naghihintay ng sasabihin niya.
“What’s that? What happened to that?”
Napatingin naman kaming lahat sa tinuro ni, sir. Sa mga damit na naka-hanger sa gilid.
“What’s wrong, sir?” tanong ni Ma’am Valeri.
“Sino nag-ayos ng mga ‘yan? Who prepared the clothes? What’s wrong with the hangers?” sunod-sunod na tanong ni Sir Alexander habang nakatingin pa rin sa mga damit. Hindi ko alam kung ako lang ba hindi makakuha sa sinasabi niya pero maayos naman ‘yong mga damit at hanger, well, para sa akin lang.
Lumapit naman si Sir Marco at Ma’am Valerie sa mga damit kaya sumunod kami sa kanila. “Is there a problem with the hangers?” tanong ni Sir Marco kay Ma’am Valerie ng makalapit.
“Bakit ganito ang ayos ng mga ‘to? ‘Yong mga hanger. Why are they all in different shapes? The height and shapes are all different,” puna naman ni Ma’am Valerie habang isa-isang tinuturo ang mga damit.
“I’m sorry, Ma’am. Papalitan na lang naming ‘yong mga hanger,” sagot ni Sir Marco habang nakayuko.
Napabaling naman kaming lahat kay Sir Alexander ng magsalita siya. “Is this how you prepare for the auditions?”
“Yes, Sir,” mahinang nsagot ni Sir Marco. Binalot naman ng katahimikan ang buong basement dahil sa tensyon.
“Well, let’s proceed,” sabi ni Sir Alexander at dumiretso na sa p’westo niya kung saan ija-judge nila kung pasok o hindi ‘yong model for this season.
“Let’s start!” anunsyo ni Sir Marco sa lahat kaya naman pumunta na kami sa mga pwesto namin.
Nasa harapan naming sina Sir Marco, Sir Alexander, and Ma’am Valerie, sitting respectively. Nasa likod naman kami ni Bettany, ako at Hershey.
“Ang tagal kitang hindi nakita, ah,” bulong ko sa katabi kong si Hershey.
“Oo nga, sobrang busy din kasi ni, Sir. Ang dami naming meeting this past few days,” bulong naman niya pabalik.
Nagsimula na ang audition kaya naman hindi na kami muling nag-usap pa ni Hershey, hindi rin maganda ang atmosphere rito sa loob kaya naman mas mabuting tahimik na lang muna, baka mapagalitan pa kami.
Isa-isang rumampa sa gitna ang mga model habang mabuti silang sinusuri ng judges. Ang mangyayari kasi ssa audition ay dalawang round, una ay casual wear kung saan sarili nilang damit ang suot nila at ang pangalawa naman ay designer’s wear, wherein they will wear the clothes na gagamitin sa mismong fashion event.
Habang rumarampa ang mga model, narinig namin na nagsalita si Sir Alexander. “Isn’t the color of the stage is white and red?”
“Yes, Sir,” sagot sa kanya ni Ma’am Valerie.
“The background as well, right?”
“Yes, it is.”
“Can you check how the models will look with a white and red background if the audition is held with a gray background? Is this really how you always conduct your auditions?”
“Uhm, yes, sir,” mahinang sagot ni Sir Marco.
“I’m sure you are all busy and we have auditions almost every day and a piled of works, but you should install something so that you’re be able to distinguish the difference,” paliwanag ni, sir.
“Will do, sir,” sagot ni Sir Marco. Wala nang nagsalita pa sa kanila at nag-focus na lang sa pagpili ng model.
“Hershey,” tawag ko sa katabi ko.
“Uhm? Bakit?”
“’Di ba hindi uma-attend ng audition si sir? Bakit nanood siya ngayon?” tanong ko sa kanya.
“Ah, kagaya ng sabi ko sa’yo no’ng nakaraang nagkita tayo, big event ang inaasikaso ng company ngayon kaya naman as much as possible gusto raw ni sir na maging hands on sa lahat,” sagot naman niya.
“Ah, kaya pala.” Ang tanging nasabi ko.
Grabe nga ang pagka-hands on niya, pati audition at pagpili ng model gusto niyang ma-monitor ng sarili niya kahit na p’wede naman niyang ipaggawa sa iba.
No’ng nakaraan, nag-search ako tungkol kay Sir Alexander, ewan ko ba, bigla akong na-curios sa kanya that time. Nalaman ko na at the young age, nakapagtayo siya ng sarili niyang company, which is ‘tong company na pinagta-trabahunan ko ngayon.
Nagsimula rin siya as a model hanggang sa sumikat at nakilala siya sa iba’t ibang bansa. May nabasa akong article na may mga naka-fling siya na model at artista pero wala pa siyang nagiging girlfriend talaga.
Isa rin ang mga Montes sa pinaka-mayaman, sikat, at kilalang pamilya hindi lamang dito sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa iba’t ibang panig bansa. Nag-iisa siyang anak kaya naman siya ang nag-iisang tagapagmana ng lahat-lahat ng arian ng kanilang pamilya.
Nawala na ang atensyon ko sa audition at napunta na kay Sir Alexander na siyang nasa harapan ko. Kahit na likod niya lang ang nakikita ko ay ang lakas pa rin ng dating niya.
Wala pa akong masyadong alam sa kanya, dalawang beses pa lang din kaming nagkikita. Pero hindi ko alam kung paanong nagkagusto agad ako sa kanya. Oo, hindi ko na itatanggi sa sarili ko.
Mukhang may gusto nga ako sa boss ko. May gusto ako kay Alexander Montes.