Mabilis na lumipas ang mga araw at ngayong araw na ang deadline ng pagpasa naming ng draft para sa article na ginawa namin ni Bettany.
Naging matagumpay ang fashion event na ginanap two weeks ago at naging mabenta naman ang magazine na ni-release ng Esteem magazine for Valentine’s issue. Unang week pa lang simula no’ng ilabas ang magazine at mabilis na naubos ang stock kaya naman nag-reprint ng ilang kopya ang publishing team.
Naipasa ko na ang gawa ko kaninang umaga pagpasok ko kaya naman sobrang kabado ako. Ngayong araw din kasi sasabihin ni Ma’am Valerie ang feedback niya tungkol sa nasulat naming. At kung papalarin ay baka ako ang ma-featured na writer ng department naming at malaking bagay ‘yon para sa akin.
“Pansin mo ba madalas nang ma-delay ang sweldo natin,” narinig kong bulong na wika ni Marie sa katabi niya. Halos magkakadikit lang din naman kasi ang cubicle naming kaya naman rinig agad kapag nagsalita sila.
“Oo nga, pansin ko rin. Simula last year, may time na nade-delay ng ilang araw ‘yong sweldo. Akala ko nga sa atm ko lang may problema,” sagot naman ni Anna na siyang kausap ni Marie.
Hindi ko na pinakinggan pa ang kanilang pinagusapan at pinagpatuloy ko na lamang ang ginagawang design. Nagbigay kasi ng gawain si Ma’am Angel last week at this week na ang deadline niya kaya naman kailangan ko nang matapos ‘tong ginagawa ko.
Napatigil ako sa pag-drawing ng may magsalita. “Cheska at Bettany, pinapatawag ako ni Ma’am Valerie sa office niya, now na,” sabi ni Sir Marco kaya naman tumayo kaagad ako.
“Yes, sir, aakyat na kami,” sagot ko at iginilid ang ginagawa ko, mamaya ko na lang sila itutuloy.
Nauna nang lumabas si Bettany kaya naman sumunod ako sa kanya papuntang elevator. Kinakabahan ako kaya naman medyo nanginginig ang kamay ko. This is it pancit canton. Ito na ang oras ng paghatol. Wala akong background sa pagsusulat ng mga article kaya naman sobrang kinakabahan ako ngayon, samantalang itong kasama ko ay mukhang chill lang dahil nakuha niya pang mag-selfie.
“Kung may mali man po sa gawa ko sana hindi gano’n kabongga na pagkakamali. At kung hindi man po ako ang mapili ni Ma’am Valerie sana hindi ako mapahiya ng bonggang bongga,” tahimik na dasal ko sa sulok habang magkahawak ang dalawa kong kamay.
“What are you doing? You look ewan,” sabi ni Bettany ng mapansin ako sa sulok.
“Ah, eh, haha, wala lang. Don’t mind me,” I said at nanahimik na sa isang tabi. Shocks naman kasi kinakabahan talaga ako. pakiramdam ko lalabas na ‘yong puso ko sa sobrang lakas ng t***k.
“Tss, weirdo,” sabi niya at bumalik sa pagkalkal sa cellphone niya.
Maka-weirdo naman ‘tong babae na ‘to, hindi ba p’wedeng kinakabahan lang ng sobra? Bahala nga siya.
Mas dumoble ang bilis ng t***k ng puso ng tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang floor na kami. Agad na lumabas si Bettany kaya sumunod na ako sa kanya. Habang naglalakad ay kumakatog ang tuhod ko. Minsan napapaisip na lang din ako na parang ang OA kong kabahan kaso wala eh, mabilis talaga akong kabahan.
“Good afternoon, ma’am,” bati namin ni Bettany ng makapasok sa office ni Ma’am Valerie.
“Good afternoon, ladies. Please take a seat,” turo niya sa sofa na nasa harapan niya kaya naman agad kaming naupo.
Magkatabi kami ni Bettany sa isang mahabang sofa habang nasa kaliwan naman niya si Ma’am Valerie.
“I think you already know bakit ko kayo pinatawag sa office ko, right?”
“Yes, ma’am,” we answered in unison. Humigop naman siya sa kape niya bago muling nagsalita.
“Good. Let me get to the point, I’m already done reading both of your articles and I must say, it’s good,” napahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Psh, nag-alala lang pala ako sa wala. “And, nakapili na ako kung kaninong article ang gagamitin natin. You both ready to know who?” tanong niya na nagpakabang muli sa akin.
“Yes, ma’am.”
“So, as for the person who will represent our department, I choose… Ms. Constantine,” mabilis akong napatingin kay Ma’am Valerie ng magbanggit siya ng pangalan.
“Wait… Ms. C-constantine raw. Constantine? Ang pangalan ko ay Francheska Beatrize Constantine. Ako? Ako ang napili?”
“Yes, Cheska, ikaw ang napili ko,” napatigil ako ng magsalita si Ma’am Valerie. Agad akong napatakip ng bibig ng ma-realize ko na napalakas pala ang pagkakasabi ko ng nasa isip ko. Pero hindi pa rin ako makapaniwala na ako ang napili.
“OMG! Talaga ma’am? Ako po talaga?” tanong ko ulit sa kanya, baka mamaya kasi nabingi lang pala ako tapos nag-assume ako na ako ang napili tapos hindi pala. Maganda na ‘yong siguro.
“Yes, you heard it right. Congratulations Ms. Constatine,” she said as she plastered a smile on her face. “As for you, Bettany, your article is good but Cheska’s article is easy to read and catchy so I think that the readers and employees would like it. I hope you understand.”
“I understand, ma’am,” she said and smiled back to Ma’am Valerie. Napatingin naman ako kay Bettany at hindi ko mapigilang ngumiti sa kanya, tumingin siya sa akin at ngumiti pabalik. Akala ko magtatampo siya pero mali ako, sa isang b’wan na naka-trabaho ko si Bettany ay napansin ko na may pagka-attitude siya pero hindi naman pala always. Kagaya ngayon na masaya rin siya for me.
“Good job for the both of you. You can go back to your work, thank you.”
“Thank you, ma’am,” sabi namin at naghanda na palabas.
Hindi pa kami tuluyang nakakalabas ay nagsalitang muli si Ma’am Valerie.
“Cheska, please edit your article and pass it to the publishing team until Friday. I’ll send you the email later, okay?”
“Yes, ma’am,” I answered.
“Okay, you may go,” she said at tuluyan na kaming lumabas.
Nang makarating sa elevator ay hindi ko mapigilan ang impit na tili kaya naman napabaling sa akin si Bettany.
“Sorry, masaya lang.”
“Tss, enjoy your victory. That wouldn’t change the fact that I’m still beautiful than you,” she said at tinalikuran ako. Nagulat naman ako sa inasal niya. Akala ko ay ayos kami kanina dahil nginitian niya ako pero hindi pala. Akala ko lang pala.
Kahit na nagtaray siya ay hindi pa rin mawala ang ngiti sa mukha ko dahil sa magandang balita na narinig ko ngayong araw. Buo na naman ang araw ko dahil sa nangyari.
And it calls for a celebration!
Bago bumalik sa office ay tinawagan ko muna si Nicholai para sabihin sa kanya ang balita at yayain siya na mag-celebrate sa bahay mamaya.
“Yay! What a good day for me~” I said at tuluyan ng pumasok sa loob.