Chapter 10

1209 Words
“How was your work? Kumusta naman? Hindi ka ba nahihirapan?” tanong ni Nicholai. Nandito kami ngayon sa may coffee shop na malapit sa unit ko. Ang tagal na rin kasi naming hindi nagkikita dahil sobrang naging busy din ako no’ng mga nakaraang linggo. “Ayos naman, medyo tambak lang ‘yong gawain pero ayos naman. Masaya actually,” sagot ko sa kanya habang nakangiti. Sa tuwing naaalala ko talaga ang araw na ‘yon hindi ko maiwasang ngumiti, buti na lang talaga hindi ako mukhang ewan na ngingiti mag-isa, buti na lang kasama ko si Nicholai. “Nangingiti ka na naman?” napatingin naman ako sa kanya ng magsalita siya. “Ano na namang iniisip mo r’yan at nakangiti ka?” Tumingin muna ako sa kanya bago sumagot. “Close ba kayo ni Sir Alexander?” tanong ko sa kanya. Tinignan niya muna ako ng ilang segundo bago siya sumagot. “Bakit mo naman natanong? At kailan ka pa nagka-interes sa lalaki?” “Excuse me ‘no, anong akala mo sa’kin? Hindi naka-experience ng crush?” sagot ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. “Kahit na minsan may pagka-maton at siga akong kumilos, babae pa rin ako ‘no.” At ang loko lalo pang nilakasan ang pagtawa niya. napatingin tuloy sa amin ‘yong ibang kumakain. “Wala naman akong sinabing gano’n. Pero seryoso nga, may gusto ka kay Alexander?” seryosong tanong niya. No’ng una ay nagda-dalawang isip pa ako kung sasabihin ko sa kanya, pero dahil kaibigan ko naman siya sinabi ko na rin, malay mo, matulungan niya pa ako. “Well… wala naman akong sinabi pero… parang gano’n na nga,” pabulong na sagot ko. Kahit na close kami at matagal ng magkakilala ay nahihiya pa rin ako minsan na i-share sa kanya ang mga ganitong bagay, lalo na at lalaki siya. “’Wag mo nang ilihim sa akin. Halata ka naman kasi kapag nagkaka-crush ka.” “Talaga ba? Pinipigilan ko nga eh, saka wala akong ibang pinagsabihan kun’di ikaw pa lang.” Ngumiti lang siya at saka ginulo ang buhok ko. Hay naku, hilig niya talaga kahit kailan na guluhin ang buhok ko. Kung hindi buhok ko, pisngi ko naman ang hilig niyang pisilin, hindi naman malaman pisngi ko. Ilang oras pa kaming tumambay sa may coffee shop. Ilang linggo rin kasi kaming hindi nagkita dahil bukod sa busy ako ay busy din siya sa trabaho.   -----   “Cheska!” napahinto ako sa pagpasok ng building ng may sumigaw ng pangalan ko. Tumingin ako sa likuran ko para tignan kung sino ang tumawag sa akin at nakita ko si Hershey na naglalakad papalapit sa pwesto ko. “Hershey! Good morning,” bati ko sa kanya ng makalapit siya. “Good morning, Cheska. Nabasa ko ‘yong article tungkol sa department niyo,” at pinakita niya sa akin ang hawak na magazine. “Nabasa ako ang sulat mo. Ang galing mo!” sabi niya pa at niyugyog ang braso ko. Nawala sa isip ko na ngayon pala ang release ng magazine polio ng company. Every month kasi ay nagkakaroon ng magazine release ang SelfSteem tungkol sa mga bagong project ng kumpanya at bukod pa ro’n ay kada b’wan din, pumipili sila ng issang department na isasama nila sa issue na ‘yon for that month. At sa kabuting palad, ang department namin ang napili this February. “Ikaw talaga, by the way, thank you. Tara na sa loob,” yaya ko sa kanya papasok. Pasakay na kami ng elevator ng maabutan kami ni Bettany. Agad akong pinindot ang open button para makasabay pa siya sa amin. Nang makapasok siya ay akala ko babatiin niya kami, imbes ay tinarayan niya pa kaming parehas ni Hershey. “Ang maldita talaga nito. Ahitin ko kilay mo, eh,” bulong ni Hershey pero paniguradong narinig pa rin ni Bettany dahil lumingon siya sa pwesto namin. “Ah, hehe. Good morning, Bettany,” bati ko na lang sa kanya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at muling tumingin sa kanyang harapan. Nang makarting sa floor namin ay agad akong nagpaalam kay Hershey at sumunod kay Bettany papasok, pero bago pa kami tuluyang makapasok ay bigla siyang humarap sa akin kaya naman napahinto ako. “Ah, may nakalimutan ka ba?” tanong ko sa kanya pero hindi niya pinansin ang sinabi ko. “You. You!” at itinuro niya ako, pati tuloy ako ay napaturo sa sarili ko. “Ako? Bakit? Bakit ako?” “Oo, ikaw! Kahit kailan talaga ang tanga-tanga mo. Nagtataka nga ako bakit ikaw napili ni Ma’am Valerie, eh ‘di hamak na mas maganda at mas sexy naman ako sa’yo.” Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Wait, ako ba ang may issue rito? Parang papasok lang naman ako. “Teka, sandal. Parang ilang linggo na simula no’ng sinabi ‘yon ni Ma’am Valerie pero hanggang ngayon can’t forget ka pa rin?” “Kahit anong sabihin mo, mas maganda at mas sexy pa rin ako sa’yo,” at umarte pa siya na akala mo ay magpo-pose para sa isang photoshoot. “Sandali lang, Bettany. Base kasi sa pagkakaalam ko, isip, mata, at kamay ang ginagamit sa pagsusulat. Ano namang kinalaman ng ganda at katawan mo?” mukha namang nainis siya sa sinabi ko dahil bigla siyang nawala sa poise. “Aba’t! Nakapagsulat ka lang ng isang article, naging mayabang ka na. Eh, pangit ka naman!” biglang tumaas ang boses niya na sing taas ng kilay niya kaya naman napatingin sa amin ang ibang dumadaan. “Alam ko, excuse nga, dadaan ako,” sabi ko at hinawi ko siya sa daanan. Nakaharang eh, mukha namang poste. Akala mo talaga si ate girl. Napakainit ng ulo sa akin, lagi na lang. sa tuwing magkikita kami kung hindi lalaiitin ang itsura ko bigla naman akong tatarayan. Wala naman akong ginagawa sa kanya. Maganda nga, maldita naman. Kung gaano kaganda ang katawan niya gano’n naman kapangit ang ugali niya. At dahil iwas bad vibes ako, ngumiti ako isa-isang binati ang mga empleyado na nadadaanan ko hanggang sa makarating ako sa sarili kong cubicle. Matapos naman ang ilang minute ay saka pumasok si Bettany na may pagkaway-kaway pa habang pumapasok. Naku, pasalamat talaga siya at hindi ko siya pinapatulan. Hindi ko na lang siya pinansin at itinuloy na ang mga gawain na dapat kong gawin.   -----   Lunch break na at naisipan namin ni Hershey na sa labas kumain dahil lilibre ko siya ng lunch dahil sa successful na kinalabasan ng article na ginawa ko. May malapit lang naman na mall sa company kaya naman hindi na namin kailangan pang bumyahe. “Sa KFC na lang tayo,” suggest ni Hershey habang namimili kami kung saan kakain. “Okay,” sagot ko dahil wala rin naman akong mahanap na p’wedeng kainan, halos punuan na rin kasi ang lahat ng fast food chain dahil lunch time na. Habang naglalakad papuntang KFC ay may napansin akong pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan. “Hershey,” tawag ko sa katabi ko. “Hmm?” kinalabit ko siya at tinuro ‘yong lalaki na nakita ko. “Si Sir Alexander ‘yon ‘di ba?” at lumingon naman siya sa direksyon na tinuro ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD