HAWAK ko ang bill namin dito sa hospital, umabot ng kalahating milyon, hindi pa kasama ang gamot at pang—therapy ni Jeremiah. Kailangan niyang i—therapy dahil grabe ang impact ng pagkasagasa sa kanya, lalo na ang kanyang kanang binti. “Ate Elle, hinahanap ka ni Jeremiah. May gamot na raw po ba ikaw na bili?” Napatingin ako kay Karleen. “Oo, bumili na ako. Kumain na ba siya? Masarap ang niluto ni tita Nakita.” Pinilit kong ngumiti sa kanya at itatago na sana ang hospital bill namin, pero nakita iyon ni Karleen. “Malaki po ba, ate Elle?” Huminga akong malalim. “Mababayaran natin ito, Karleen. Huwag mong sasabihin kay Jeremiah, ha? Hahanap din akong part-time job tuwing weekdays para dagdag kita, tapos tuwing weekends naman ay live selling muli tayo.” Hinawakan ko ang buhok niya at niyak

