JOBELLE: Yvonne, I accept your offer. Napagpasyahan kong magtrabaho sa Flavor of the Month. Nalaman kong brother ng may—ari ng Maravilla University ang may—ari ng bar na iyon. Siguro naman hindi ako mai—ta—table dʼyan, right? And, elite ang mga customer, right? Iyon ang text ko sa kanya. Pinag—isipan kong mabuti ito at nagtanong ako sa mga kaibigan ko, as long as, legal ang work ay kunin ko na raw. Marami ring estudyante from Maravilla University na nagwo—work doon as part—timer, kaya maging sa Dean ay nagtanong talaga ako, baka kasi mawala ang scholarship ko. Sinabi niyang okay naman akong mag—trabaho basta hindi bumaba ang aking grades, may recommendation na rin ako galing sa campus. Natulog na lamang ako nang hindi ako makatanggap ng reply mula sa kanya. Kinabukasan, maaga akong nag

