Jet Black Gang (HQ) Ngayong nasa harap na ni Aeron ang Ama ni Roze ay tila mamamatay naman siya sa paraan ng pagtitig sa kanya ng lalaki. Ramdam niya ‘yon kahit nakatungo pa ang ulo niya dahil palakad-lakad ito sa harapan niya at biglang titigil sa tapat niya na tila sinusuri ang pagkatao niya. Mayamaya pa ay nagparamdaman na si Ryker. “Ehem.” Napaubo pa ito. “Pinapunta kita rito dahil may kailangan akong itanong sa’yo,” panimula niya at pinaupo na si Aeron. Kaagad namang tumalima si Aeron. Umupo na rin siya sa sofa kung saan kaharap si Ryker. Napapagitnaan sila ng table. “Wala ka bang boses?” anito. “Huwag kang mag-alala hindi naman ako nangangagat,” biro niya na sa lalaki. Napatikhim naman si Aeron. “Meron po, Sir,” tugon niya at muli itong napatungo. Tuluyan nang natawa si Ry

