Viner (Mansion) “Sasama ba kayo? Parating na sila Demone,” ani Jasper matapos basahin ang message na pinadala sa kanya ni Wilder. Kasalukuyan silang kumakain ng umagahan. “I’m in!” nakangiti namang sabi ni Anna. “Yup,” pagsang-ayon din ni Aeron matapos uminom ng juice. “G,” tipig namang sagot ni Simon. Abala siya sa kanyang binabasa mula sa newspaper habang kumakain. “Oo nga, pati rin naman yata ang mga anak nila ay pupunta para salubungin ang tatlo,” tugon ni Philip. Nagkaayos na sila ni Jasper, wala na siyang pakialam kung mang-aasar ulit ang lalaki dahil nagkausap na sila ni Anna. “Okay, mabuti na rin ‘yon na pumunta tayo para kumpleto tayo mamaya sa Open Area,” ani Jasper at ibinalik na ang cellphone niya sa bulsa upang ipagpatuloy ang pag-kain. “Kulang pa rin tayo mamaya

