Mafia Island “Love, are you okay?” paglapit ni Rara. Pinulupot niya ang mga kamay sa baywang ni Daem. Nasa terrace sila ng mansyon, nakatayo si Daem sa tabi ng railings habang nainom ng wine. Ang mga mata niya ay malayong nakatingin sa paligid. “I’m just thinking, love,” at humarap na siya kay Rara. Binaba niya muna ang hawak niyang wine glass upang hagkan si Rara. Matamis na napangiti si Rara dahil sa halik ni Daem. “I love you.” “I love you, too, but what are you thinking?” mausisang tanong ni Rara. Bahagya namang natawa si Daem. “Iyon talaga ang napansin mo?” at ikinulong niya sa bisig si Rara. “Oo naman. Malay ko ba na ibang babae iniisip mo, ha?” Muling natawa si Daem. “Tama ka, babae nga,” biro niya. “Daem!” masama na ang tingin sa asawa. “Sino ‘yan? Ipapapatay ko,” wa

