Japan Ngayong araw na gaganapin ang misyon ni Jasper, Roze, Simon, and Yumi. Sa gabi nila ito gagawin kaya ngayong umaga ay nagpa-plano na sila. Kasalukuyan na silang nag-uusap sa dining area, katatapos lang nilang mag-breakfast. Ang butler na kasama nila ay nagpaalam munang umalis dahil may aasikasuhin pa siya para sa misyon nila mamaya dahil napagsabihan na siya ni Yumi kagabi. Kailangan ito para hindi magambala ang awtoridad. “Sigurado ka na ba riyan, Yumi?” nakakunot ang noo na tanong ni Jasper. “We’re going to disguise ourselves?” “Wala namang problema do’n. Matatangkad tayo, hindi halata na mga bata pa ang kasama mo Jasper,” ani Roze. “Ang ibig kong sabihin, paano? Ang hassle!” Napabuntong-hininga naman si Simon at muling uminom ng tsaa. “Pakinggan n’yo nga muna si Yumi,” sa

