Mafia Island Pagsapit nang hatinggabi ay nagising na lang si Amira dahil sa tumutunog niyang cellphone na nasa side table. Kaagad niya naman ‘tong kinuha gamit ang isa niyang kamay para hindi na magising si Mortem na mahimbing na natutulog habang nakayakap sa baywang niya at nakasiksik ang mukha sa leeg niya. Napakunot na lang ang noo niya nang makitang “unknown” ang tumatawag sa kanya. Dahan-dahan na siyang lumayo kay Mortem upang sagutin ito. Napag-alaman niya na maaaring importante ito dahil ibang number ang ginamit para lang matawagan siya. -On call- “Hello, who’s this?” bungad niya. “This is Brendan Imperial.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Amira at napako ang mga paa sa kanyang kinatatayuan. “Anong kailangan mo?” aniya na may pagbabanta sa boses. “I’m here at the tower

