Bago mangyari ang pagkikita ni Brendan at Amira. “I will trust you, Brother.” Ang katagang ‘yon ay naging hudyat kay Brendan upang ipagpatuloy ang plano niya. Matapos nilang mag-usap ay nagkahiwalay na sila. Bumalik na sa kani-kanilang gagawin. Si Brendan na ang may hawak sa mga plano nila. Sakop niya na ang buong Imperial Mafia habang si Livia ay nagpaparami na lang ng mga kasapi para sa darating na gera. Pumayag na talaga siya na ibigay ang buong responsibilidad kay Brendan. Pagkauwi ni Brendan sa kanyang rest house ay dumiretso na siya sa kwarto upang makapagpalit ng damit. Hindi muna siya uuwi sa kanilang mansyon dahil may pupuntahan siya sa oras ng hatinggabi. Kailangan niya ng makausap si Amira. Jet Black Gang (Mansion) -On call- Napahingang malalim muna si Iza bago sa

