Viner (Mansion) Katatapos lang magtungo ni Jasper sa library nang namataan niya ang pag-alis ni Demone. Tuluyang namuo sa kanyang isipan na may tinatago nga ito na kailangan niyang alamin ngunit imbis na sundan niya ay hinayaan niya na lang muna ‘to. Sa halip ay hinintay niya na lang ang lalaki na makauwi. “Ba’t gising ka pa?” Napalingon na lang siya sa pinanggalingan ng boses. “Visca,” banggit niya sa pangalan nito. “Matulog ka na. Hindi mo na kailangan magtanong dahil ayaw mo naman sa ‘kin, ‘di ba?” malamig pa ring tugon niya sa babae. Kagagaling lang ni Visca sa banyo, sa labas ng mga kwarto nila. Naisipan niya kasing sa labas na gumamit ng restroom dahil tatambay pa sana siya sa baba dahil sa hindi makatulog nang makita na lang bigla si Jasper na palakad-lakad sa baba ng hagdan

