Santo Ria Mafia “Hiya!” pagsigaw ni Rianne kasabay nang pagsipa niya sa punching bag. Nasa kalagitnaan na nang pag-eensayo si Rianne at Santoni sa kanilang headquarters sa Italy nang makatanggap sila ng tawag mula kay Mrs. Hatia. Si Santoni na ang kumilos at lumapit sa table, napahinto siya sa pagsusuntok ng free standing punching bag upang sagutin na ang tawag. -On call- “Yes, Ma’am Hatia?” pagsagot ni Santoni. Napatikhim na lamang si Rianne, huminto na rin siya upang alamin ang sasabihin ni Mrs. Hatia. Pinindot na ni Santoni ang loud speaker para malaya nila itong mapakinggan. “Good afternoon, Mister Sandoval.” “Likewise, Ma’am.” “Tumawag ako para i-inform sa inyo na pinapasama kayo sa magiging training sessions ng Elites sa darating na Sabado.” “Elites?” napakunot ang

