Bago mangyari ang pagtitipon sa Mafia University. Throne Palace Hindi nagtagal ay napagdesisyunan ni Amira na ipaalam na sa ibang Mafia boss ang plano niyang pag-iimbestiga sa mga estudyante sa Mafia University. Nagkaroon naman ng samu’t saring opinyon at pagkakaiba ng ideya ang naging diskusyon nila. “Pasensya na at ngayon ko lang kayo pinatawag lahat,” panimula ni Amira. “Naisip ko na magkaroon ng general assembly ang mga bata sa Mafia University. Kasama ang mga anak n’yo at mga bata natin sa Gang.” Nanatili silang tahimik, nakikinig sa bawat salitang sinasabi ni Amira. Nakatayo siya sa harap nila habang si Mortem ay nakaupo naman sa mismong upuan niya kung saan napapagitnaan siya ng lahat. At dahil nasa gitna rin si Mortem, ang mga mata niya ay nakatuon lang kay Amira. “Mula sa

