Part 1 – General Assembly Mafia University Habang hinihintay nila ang pagdating ng Reyna sa auditorium ay nagkausap naman si Demone at Aeron. “May sinabi ba sa’yo ang Reyna? Kung bakit tayo nandito,” ani Aeron at marahang hinawakan ang kamay ni Roze na abalang nakatingin sa kanyang cellphone. Hindi na lang ‘yon pinansin ni Roze, matapos niyang tignan ang kamay nilang magkahawak ay ibinalik niya na ang paningin sa cellphone. Parang normal na lang sa kanya iyon, nasasanay na siya kay Aeron. May tinatapos din kasi siyang palabas at naiinip pa siya kakahintay kaya naisipan niya munang manood. Napailing siya. “Wala naman bukod sa kailangan dapat kumpleto tayong labing-dalawa,” tugon ni Demone. “Baka may importanteng announcement,” saad naman ni Iza na ngayon ay nakatingin na kay Dem

