Part 2 – General Assembly Pagkatapos ng pagtitipon sa auditorium ay bumalik muna sila sa kani-kanilang classroom. Magkasama na ulit ang labing-dalawa sa iisang room. Samantalang si Yumi ay saglit lang nilang nakasama dahil sinundo na siya ng kanyang Ina, nauna na silang umuwi. Mamaya naman makakauwi ang iba kapag pinahintulutan na sila ng Reyna na kasalukuyan pang nakikipag-usap sa Principal ng Mafia University. “May dalawang linggo pa tayo para paghandaan ang mga kompetisyon,” ani Demone. Ang lider ng grupo. “Anong balak n’yong gawin?” kahit alam niya na ang mga gagawin ay gusto niya pa ring malaman ang opinyon ng mga kasama niya. “Walang ibang gagawin kundi—” napailing na lang si Aeron nang biglang sumingit si Snow. “Well, duh? E ‘di mag-training,” pagsagot naman ni Snow na hindi

