Pagkatapos dumaan sa Throne Palace para kunin ang mga files ng estudyante ay dumiretso na sila Amira at Mortem sa headquarters ng Inferno Gang. Inasikaso muna nila ang profiles ng mga nag-aaral sa Mafia University lalo na ang mga ginagawa nila sa school. Magkatapat silang nakaupo sa sofa, nakatuon ang atensyon sa mga hawak nilang papel. Kagabi ay ipinahatid na sa kanila ni Wilder ang report tungkol kay Snow, Jasper, at Anna na nagsasabing inosente sila. Napatunayan naman ‘yon na tumugma sa iniisip ni Amira habang binabasa niya na ang papel. Ayon sa profile… Jasper Bill: 17 years old, male. From Hydra Gang. Skills – Shooting, archery, combat: martial arts, boxing, and using daggers. Other: High personality skills. Top skills: Anything. Inilahad din sa papel ang madalas gawin ni

