“Rianne!” pagpigil naman ng iba ngunit hindi pa rin natitinag si Rianne. Parang mapapatay niya na si Visca. “That’s enough!” sabi pa ni Demone. Aakyat na sana si Jasper nang maunahan siya ni Santoni. “Ria,” pagtawag nito. Isang salita lang galing kay Santoni ang nagpatigil kay Rianne. “You did great,” bulong niya nang yakapin na siya ni Rianne. “Savi…” Napaubo na lamang si Visca nang makawala na kay Rianne habang tinatapik na ang dibdib gamit ang isa niyang kamay at ang isa ay nakahawak naman sa leeg niya. Kaagad naman siyang inalalayan ng mga kasama niya, lahat sila ay nasa loob na ng boxing ring maliban kay Gabriel na hindi na nakipagsiksikan sa kanila. Nasa baba lang siya, pinagmamasdan silang lahat na parang supervisor ng lugar. “Hindi man lang kayo magso-sorry?” tuluyang nags

