Imperial Mafia Matapos mag-morning exercise ni Livia ay bumaba na siya upang magtungo sa dining room para makapag-agahan na, nakahanda na ang mga pagkain sa lamesa. Kagigising lang ni Brendan nang maabutan si Livia na kumakain na. Pagkaupo niya ay binomba kaagad siya ng mga impormasyon at katanungan ni Livia. “Pinutol ko na ang koneksyon ng Imperial sa mga napatay na Mafia boss, wala ng magagawa ang organisasyon nila,” aniya matapos uminom. “Hindi na nila tayo gagambalain, kasalanan naman kasi nila masyado silang mahihina.” Pag-irap niya. Napatango naman si Brendan, tahimik na kumakain. “The good news is nadagdagan pa ang mga Mafia na sumapi sa atin. Si Giovanni ay handa ring tumulong sa atin,” pagpapatuloy niya. “Unti-unti ko na siyang nagugustuhan, lahat talaga gagawin niya para

