Jet Black Gang (Mansion) Pagkarating ni Iza at Roze ay sinalubong na sila ng mga katulong at sinabihan na magbihis muna sa kwarto bago magtungo sa dining room. Si Ryker at Fairoze ay naroon na. nakaupo sa harap ng hapag-kainan habang sini-serve sa kanila ang mga pagkain. Ang natuklasan nila ay mananatili muna sa kanilang isipan, hindi muna nila ito ipagsasabi hangga’t hindi nila mismo nahuhuli ang anak nilang si Iza. “Hi, Mom and Dad!” bati ni Roze at humalik sa kanilang pisngi. Samantalang si Iza ay niyakap sila. Kaagad namang nagbago ang ekspresyon nang dalawa. “Nand’yan na pala kayo. Halina’t kumain,” ani Ryker at pinaupo na sila. “Kumusta?” tanong naman ni Fairoze habang kumakain na sila. Si Roze na ang nag-kwento, patango-tango lang si Iza na nakikinig sa kanyang kapatid

