“I…” Namumuo na ang luha sa gilid ng mga mata ni Rianne. “Rianne—” Samantala, si Demone, Santino, at Jasper ay nagkaharap na. Kasalukuyan nang nakatutok ang mga hawak nilang paintball gun sa isa’t isa. Two vs. One. Halos lahat ng atensyon nila ay nakatutok sa tatlo, nakalimutang may dalawa pang babae. Hindi man lang nila napapansin na may nangyayari na sa pagitan ni Visca at Rianne na malayo sa kanila. “Ano ‘to?” bahagyang natawa si Jasper. “Hindi na ‘to kampihan. Tayo-tayo na yata ang maglalaban.” “P’wede rin,” pagsang-ayon ni Demone habang palipat-lipat ang tingin sa dalawang nasa harapan niya. “No, I’ll be the villain,” tugon naman ni Santoni sa dalawa at bahagyang lumayo sa kanila. Wala pang nagpapaputok sa kanila. Pinapakiramdaman muna ang bawat isa bago tumira. Ang mga ma

