Milan, Italy Pagdating ni Amira at Mortem sa mansyon ng Gem Mafia ay bumaba na sila sa sasakyan at tinahak ang daan papasok sa loob ng dambuhalang gate. Hindi kasi sila pinayagan na papasukin ang dala nilang sasakyan kaya naglakad na lang sila papasok habang magkahawak ang kamay. Napahinto na lang sila sa harap ng mansyon nang masilayan na ang mga naka-suit na Mafiusu’t Mafiusa, nakahilera silang lahat sa magkabilang gilid ng dalawang naglalakihang mansyon. Nakatungo rin sila, nagbibigay galang sa dumating. Mayamaya pa ay bumukas na ang main door mula sa unang mansyon kung saan kaharap nila. “Mortem…” nasabi na lamang ni Amira kasabay nang pagpisil niya sa kamay nito. Kasalukuyan na nilang hinihintay ang paglabas ng Mafiusa na kinikilalang Mistress sa mundo ng Mafia. Matagal na s

